Chapter 7- Tea Party

2037 Words
Kryne Ruby POV* "I miss you, My Lady." Napatingin ako sa kanya at nakita ko na totoo ang sinasabi niya. Teka kakakita lang namin kahapon diba? Kinibnap ko pa nga siya. "Gusto mo kidnapin muli kita?" Mahinang tanong ko na kinatawa niya. Hindi naman ito ang unang beses na makita ko siyang tumawa. "Duke Louis..." Napatingin ako kay Justine nang tawagin niya si Dio. "Eh? Wait lang Duke ka! Hindi ka Count!" Di ko mapigilang sabihin. Napabuntong hininga naman siya. "I'm sorry, I didn't truly introduce you myself." Sabi nito sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at yumuko ng kaunti sabay lagay ng isang kamay sa likuran nito bago magsalita. "I'm Duke Louis Dio Windsor and I'm the cousin of the Crown Prince and my father is the Emperor." Magalang na sabi nito sa akin. Pero di ako makapaniwala na Prince din siya!!! "H-Ha!" Teka loading atah ako ngayon. "You know my Twin?" Malamig na sabi ni Justine sa likuran ko. "Oh, I think nahulog si Duke Louis sa kagandahan ng Ate Kryne ko." Kinikilig na sabi ni Stephanie na kinatulala ko. Di naman siguro. "What's happening here?" Napatingin kaming lahat sa Prinsipe na kakarating lang at nakatingin siya sa kamay ni Dio na nakahawak sa kamay ko at napakunot ang kanyang noo. "Your Highness." Masayang sabi ni Hanny at agad lumapit kay Prince Claudius at hinawakan ang braso nito pero nilagpasan lang siya ng Prinsipe at dumiretso sa kung saan kami nakatayo. "G-Greetings, Your Highness." Nauutal na sabi ko kakaiba kasi ang tingin niya eh. "My Lady." Ginawa din ni Prince Claudius ang ginawa ni Dio kanina na hinalikan niya ang likod ng palad ko na kinapula ng mukha ko. At tiningnan ako bago ang taong nasa gilid ko. "I didn't know, you know Lady Kryne, Duke Louis." Seryosong sabi nito kay Dio na kinagulat ko. "Yeah, I know her a lot." Diininan atah ang A LOT ni Dio. Agad kong inagaw ang kamay ko sa dalawang lalaking ito. At naiilang na tumawa ng mahina. "Maupo muna tayo." Napatingin ako sa Kambal ko na nasa gilid ko na pala. Tumango naman ako at napatingin sa dalawa na nakatingin na pala sa akin. "Prince Claudius, let's start the Party." Nakita ko ang pagtitimpi na tingin ni Hanny sa akin. Kasalanan ko ba na ako agad ang nilapitan ng Prinsipe? Umupo na kami nang nagulat muli ako dahil nasa tabi ko si Dio. "Naririnig ko sa kanila na ayaw mo daw sa mga party." Tanong ko sa kanya. "You want me here kaya pumunta ako." Sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Teka naalala ko sinabi ko pala na sana nandito siya ngayon para may kasama ako. "Ah oo nga mukhang responsibility kita ngayon." "You're my kidnapper kaya panagutan mo ko." Nanlaki ang mga mata ko at agad napatingin sa mga kasama ko na gulat dahil sa sinabi ni Dio. "Ha? Kahapon lang yun at pinakawalan na kita." Mahinang sabi ko. Di siya sumagot at akmang tatayo nang agad kong pinigilan ang kamay niya. "Saan ka pupunta?" "Uuwi nalang ako." Bigla akong na guilty. "Upo ka. Ako na ang bahala sayo." Sabi ko. Yan kasi nilandi mo pa kahapon ayan hayzz... May pahanap hanap na date ka pang nalalaman Kryne ha! "You're also my date today." Nabigla ako nang may nagsalita sa tenga ko. Mahina iyon pero nanindigan ang mga balahibo ko dahil sa ginawa niya. Napatingin ako sa kanya na nakangiti siya. Nasa iisang bilog na mesa kaming lahat at kita ko ang lahat ng bisitang dumalo na puro mga anak ng mga malalaking pamilya. "Is she your lover, Your Grace?" Tanong nung isang babae sa di kalayuan sa amin kay Dio. Nanlaki ang mga mata ko at agad napatingin sa katabi ko at sa Prinsipe na nakakunot ang noo at napahinto ang pag inom ng Tea. Napalunok naman ako at parang nasa hot seat atah ako ngayon. "Do I really need to answer your question?" Malamig na sabi nito na kinalunok nung babae. "Di---" tawag ko sana nang magsalita muli siya. "It's our private personal life. And it's her decision, who's become her man." Natulala ako dahil sa sinabi niya. Bakit parati nalang akong natutulala? "I'll do everything to be her man in her life." Rinig ko nalang ang mga tilian ng mga babae sa paligid namin dahil sa sinabi ni Dio. Teka sinabi niya iyon?! Naramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko. Di naman iyon makikita ng mga kasama namin dahil patago iyon sa may mesa. "Lady Kryne is so lucky!" "Oh my!" "How about our Highness. We heard your engagement with Lady Hanny." Sabi ni Kuya Oliver at napatingin sa Prinsipe na kinatingin naming lahat sa kanila. Nakita ko naman ang proud na ngiti ni Hanny. "Next week is our engagement party. I hope you all would come." Sabi nito at ang Prinsipe ay nakatingin lang sa akin. "Don't be so excited about that day." Malamig na sabi ng Prinsipe na kinahinto naming lahat at ang tingin lamang ng Prinsipe ay nasa akin at masama ding tiningnan ang katabi ko na si Dio. "Okey, let's continue our Tea Party." Sabi ni Kuya Harry. Napatingin ako sa dalawa bakit puro galit ang nasa mga mukha nila? Lumipas ang ilang minuto, may mga pinagkakaabalahan ang mga kasama namin at kami namang Dio ay nakaupo pa din. "Itutuloy niyo pa din ang pag uwi niyo bukas?" Tanong nito sa akin. Tumingin ako sa kanya bago umiling. Dahil sabi ng mga magulang ko na dito daw muna ako at si Justine muna ang isasama nila pauwi. Binigyan nila ako ng misyon dito kaya pumayag na din ako at yun ay ang lutasin ang isang druga na inimbento nanaman ng mga crazy scientist at nangyari na daw ito noon at mabuti napigilan iyon nila Mom and Dad. Sa Italy si Justine na ang bahala doon at dito naman ako at yun ang napagdesisyonan nila Dad. "Really?" Tumango ako. "Hmm... Kaya sa mga oras na nandito ako, ay ang ibig sabihin lang nun ay akin ka muna habang di muna ako nakakahanap ng kapalit mo." Mahinang sabi ko habang nakatingin sa kanya. Para na din ito sa kapakanan ng Crown Prince para lubayan na niya ako kasi may Hanny na kasi siya. "I'm not against of that decision of yours, My Lady." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko na kinapula ng mukha ko at ang bilis ng t***k ng puso ko! Napaiwas ako ng tingin. Wag mo kong tingnan ng ganyan! Pero sinabi ko lang yun para di ako magiging bored sa pagstay dito. May mga nasabihan ko din na ganyan sa Italy at di naman iyon big deal sa kanila. Lahat ng tao doon ay open na hindi katulad dito na big deal pa siguro mag short pants. Pero iba si Dio alam ko naman na trip din niya ang trip ko. Napatingin ako nang biglang umiba ang musika at may mga mag partners na nagsasayawan na sa gitna. "May I dance with you, My Lady?" Nakangiting tanong niya sa akin. Yan na nga ang sinasabi ko wag ngumiti ang gwapo niya eh! "Of course." Tinanggap ko ang kamay niya at pumunta na kami sa gitna at sumayaw kami at kagaya nung huling sayaw namin ay walang mali at nakikisabay talaga sa rhythm ang katawan namin at mga paa. "You're so beautiful tonight, Lady Kryne." Nagulat ako dahil unang tawag niya sa pangalan ko at ang sexy sa pandinig pag siya ang nagsabi. "Thank you. You too you're so handsome." Nakangiting sabi ko. Nakita ko sa gilid ang mga babaeng gustong makisayaw sa partner ko. "You want to dance with them?" Tanong ko sa kanya nang biglang kumunot ang noo niya at mas lalong pinalapit ang katawan ko sa kanya. At idinikit niya ang noo niya sa noo ko na kinalaki ng mga mata ko. "If I Am yours... Ibibigay mo ba ako sa kanila?" Mukhang nakikipag laro ang lalaking toh ha. Napangiti ako at isinabit ko ang dalawang kamay ko sa leeg niya. "Of course not. You're in my care, right?" Nakangiting sabi ko at nakita ko na naman ang magagandang ngiti niya. "I love to hear that from you." Bigla kaming natigilan sa pag sasayaw nang may sumigaw na kasamahan namin at pagtingin namin ang isang Lady doon ay nakabulagta sa sahig at may bula ang kanyang bibig. Agad akong lumapit. "Don't panic!" Sigaw ko. "Palayo muna ang mga bisita at tumawag kayo ng Doctor and Guards." Sabi ko sa mga Kuya ko at tumango naman sila. "What are you doing?" Tanong ni Dio. "I know how to do first aid." Agad kong kinuha ang isang bag at ipinatong ang ulo ng Lady doon at chineck ang kanyang pulso at meron pa itong pulso. "My bag." Utos ko kay Stephanie at agad naman niyang kinuha at binigay sa akin. Nakita ko sa gilid si Dio at si Prince Claudius na nag aalalang nakatingin sa akin pero naghahanap din sila sa kung ano ang dahilan kung bakit nangyari ito sa dalaga. "Oh my! Baka sa kinain niya!" Panik ni Lady Hanny. Napakunot ang noo ko nang magsigawan ang mga Lady dahil sa sinabi ni Hanny. "Will you please shut up! You're not helping!" Di ko mapigilang sigaw. At natigilan naman sila. "How dare you to shout the future Empress!" Sabi pa nung isa. Magsasalita sana ako nang biglang tumayo si Claudius at Dio. "Shut up and leave." Malamig na sabi ni Dio at mabuti sumunod naman sila. "Escort them inside of the palace." Utos ni Prince Claudius sa mga guards. Di ko na sila pinansin at kinuha ko ang panyo at pinunasan ang bibig ng Lady at kinuha ang isang maliit na bottle sa bag ko at pinainom yun sa kanya. Espesyal ang laman ng bottle na iyon dahil may dugo namin na nakalagay doon. Matagal na naming alam ni Justine na espesyal ang dugo namin dahil iyon sa Ina namin at delikado ito pag may nakakaalam. "Ano yang ipapainom mo sa kanya?" Tanong ni Dio. "Antidote. Nalason siya at same sila ng effect ng kasamahan namin doon sa Italy. Mabuti nakahingi ako ng gamot sa mga ganitong trahedya." Yun nalang ang sabi ko at di ko sinabi na iniimbestigahan namin ang tungkol sa lasong iyon. At nakahinga ako ng maluwag nang makita ko na huminto na siya sa panginginig at may dumating agad na mga doctor at agad siyang isinakay sa ambulance. Lumapit ako kay Justine na nakatayo sa kung saan nakaupo ang Lady kanina. Tiningnan ko ang bag nito. "Lady Kryne, leave it to the authorities." Sabi ng isang Guard at inilapag ko naman ang bag sa mesa at napatingin ako kay Justine at mukhang alam na niya ang ibig sabihin ko. Doon muna kami sa loob ng guest house at hinintay naming matapos ang imbestiga at nandito din sina Dio at ang Crown Prince ay tumulong sa pag iimbestiga. Di pwedeng malaman ng mga tao na lihim naming iniimbestigahan ang tungkol sa poison dahil baka may mga kalaban na di namin alam na may kinalaman sa pangyayari. Dapat ay isip biktima kami doon. Wala namang problema sa hospitals dito dahil konektado iyon sa pamilya namin. Napatingin ako kay Dio na biglang hinawakan ang kamay ko at pinunasan niya ito gamit ang kanyang panyo at may alcohol pa ito. "Baka dumikit sa kamay mo ang lason na nasa kanya." Napangiti ako. Pero ang totoo niyan hindi kami natatablan ng lason dahil sa espesyal kami ng kambal ko. "Thank you." Nakangiting sabi ko. "Ehem..." Napatingin kami sa gilid namin at nakita ko ang nakakunot na noo ni Justine. Ah nakalinutan ko. Ipapakilala ko nga pala siya kay Dio. "Ah, Your Grace, this is my twin brother Justine and Justine this is Duke Dio." Pakilala ko. "Nice to meet you, Louis." Sabi ni Twin. At tinanggap naman iyon ni Dio. "Nice meeting you too, Just." Nagulat ako sa mga tawagan nila. Teka anong ibig sabihin nito? "I leave my twin Sister to your care. Please, take care of her." Di ako makapaniwala na sinabi iyon ni Justine. Teka may tiwala agad siya kay Dio. "I always take care of her like before." ****** (Not Edited Yet) LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD