ETHAN RAMIREZ Pinadalhan ako ni Tita Delia ng isang mensahe na makikipagkita siya sa akin sa araw na ito. Ang sabi pa niya, kasama niya si Tito Arman. Sa totoo lang, kinakabahan ako, para bang humiwalay ang kaluluwa ko. Pero napagtanto ko na dapat hindi ako matakot na harapin sila bagkus dapat ipakita ko sa kanila kung gaano ko kamahal ang anak nila. Sigurado akong walang alam dito si Kurt. At wala rin naman akong balak na ipaalam sa kanya ang gustong mangyari ng mga magulang niya. Dahil kilala ko ang taong mahal ko, alam kong hindi siya papayag na makipagkita ako sa magulang niya ngayong alam na naming hadlang ito sa relasyon naming dalawa. Papunta na ako roon sa tagpuan na inilagay ni Tita sa ipinadalang mensahe. Kung kanina, pakiramdam ko ay humiwalay ang kaluluwa ko sa akin. Ngayon,