Present Day
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko bago nagpakawala ng isang buntong hininga at ibaba ang hawak na telepono. Halos dalawang taon na simula nang magtrabaho ako sa Corcuera Constructions bilang sekretarya ni Tito Rick pero pakiramdam ko ay hindi pa rin ako sanay.
I opened my small notebook to take down note that one of the clients rescheduled their meeting with Tito Rick first thing in the morning tomorrow. Naaawa ako sa kanya, may edad na siya pero patong-patong pa rin ang trabaho niya sa kompanya nila. If only Dmitri is here to help him then it would be a lot easier.
Dmitri…
Mapait akong napangiti nang maalala ang mapait na nakaraan. Kung sanang nandito sina Drake at Dmitri ay hindi kailangang mahirapan ni Tito ng ganito.
Drake is long gone, and even if we wished for him to come back a million times, it’s impossible. I have moved on from that tragedy but he will always stay inside my heart. Dmitri, on the other hand, I don’t have any idea where he is.
Ang huling beses na nakita ko siya ay noong inilibing si Drake. Noong walang awa ko siyang sinisi kahit na bakas sa kanya ang sobrang sakit at kalungkutan dahil sa pagkawala ng kakambal niya.
Alam ko na sobrang mali ako. Hindi ko siya dapat sinisi dahil mabuti siyang tao, sobrang mahal niya si Drake at hinding hindi niya gugustuhin na mawalan ng kapatid at matalik na kaibigan.
If only I could turn back the time, I’ll definitely wouldn’t do what I did. Hindi ko siya iiwanan at sabay naming haharapin ang sakit. But what’s done is done, and I’m already too late. Pagkatapos kasi no’n ay hindi na ulit namin siya nakita, hindi namin alam kung nasaan siya.
Nagbuntong hininga ulit ako at nagpasyang huwag na lang munang isipin ang mga nangyari. Tumayo ako mula sa swivel chair na kinauupuan ko at lumabas ng opisina para puntahan si Tito Rick sa opisina niya.
I knocked on the door twice, waiting for his approval to let me in.
“Come in!” narinig kong saad niya kaya agad kong itinulak pabukas ang pinto at pumasok.
“Good afternoon, sir,” bati ko na ikinatawa niya.
“Hija, how many times do I have to tell you to call me Tito? Nasa opisina man tayo o wala.” Ngumiti ako at marahang tumango bago umupo sa silyang nasa harap ng mesa niya.
“Mr. Martinez rescheduled the meeting first thing in the morning tomorrow, Tito. I tried to convince him pero busy raw po talaga siya ngayon,” nakita ko kung paano hinilot ni Tito ang sentido niya sa sinabi ko.
He looks so stress, and it’s making me worry.
“Should we just let him go?” nagulat ako nang itanong niya iyon sa akin, “I have a schedule with my doctor tomorrow, hija,” mahinahon niyang saad.
Mr. Martinez wants us to supply the construction needs on the hotel he’s planning to build, and it’s quite huge so it’s a big loss if we just let him go.
“I’m sorry, Tito. I completely forgot. Uhm, tingin niyo po ba okay lang kung ako na lang ang dadalo sa meeting? I think Mr. Martinez wouldn’t mind,” saad at tanong ko.
I want to help him. I know that he’s been having a problem with his health these past few weeks. Hindi ako sigurado kung ano ba talaga ang pinagdadaanan niya kasi ayaw niyang sabihin sa amin dahil ayaw niya kaming magalala sa kanya pero ayoko naman na mapahamak siya kung pipilitin niya ang sarili niya sa trabaho.
“Hija, I really appreciate your hard work. Kung wala ka rito, hindi namin alam ng Tita mo kung kaya ba namin,” malungkot akong napangiti sa sinabi niya.
“You are more like a family to me, Tito. Nandito lang po ako lagi para tulungan kayo.” Ngumiti siya at marahang tumango.
“Kung nasaan man si Drake ngayon, alam ko na sobrang masaya at proud siya sa ‘yo.”
I was about to say something but his phone rang. Agad naman niyang inabot iyon at sinagot ang tawag. Ako naman ay tahimik lang na naghintay na matapos siya.
“R-Really?” malawak ang ngiting saad niya, at base sa ekspresyong nakita ko ay parang sobrang saya niya at hindi siya makapaniwala, “Thank, God! I’ll just wrap this up and I’ll go home. I love you, sweetheart.” Tapos ay ibinaba na niya ang tawag.
Agad naman siyang tumingin sa akin, hindi pa rin nawawala ang malawak niyang ngiti.
“Si Tita po?” nakangiting tanong ko, marahan naman siyang tumango.
“Nasa bahay na si Dmitri, hija. Nakita raw siya ng pinsan ko sa Paris kaya kinausap niya ito. He’s willing to help me,” nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Tito at nakaramdam ng sobrang saya.
Finally!
Pagkatapos ng dalawang taon ay bumalik na siya para tulungan si Tito. Hindi ako sigurado kung kaya ko siyang harapin dahil nahihiya ako sa mga sinabi ko sa kanya noon pero umaasa ako na pwede pa rin kaming bumalik sa dati.
“Hija, I have to go. Your Tita Fely is inviting you tonight for dinner. Hindi pwedeng hindi ka pupunta. Hihintayin ka namin, okay?” Ngumiti ako sa kanya at marahang tumango.
“O-Opo,” magalang na sagot ko, “I’ll call your driver, Tito,” umiling naman siya sa sinabi ko.
“Ako na, bumalik ka na sa opisina mo at tapusin ang dapat tapusin para makapunta ka agad sa bahay. Send me a message once you’re done, I’ll have one of the drivers to pick you up.” Ngumiti ulit ako at marahang tumango.
After that, I watched him excitedly stormed out of his office. I know that he missed Dmitri. Kahit na hindi nila totoong anak ang dalawa ay hindi nila ipinaramdam iyon sa kanila.
Nakita ko kung paano nila minahal ang kambal noon. Nakita ko ang sakit at lungkot sa kanila nang mawala si Drake, pero mas nagbago ang lahat nang umalis si Dmitri na hindi nagsasabi kahit na kanino.
I sighed heavily and took a glance at the wall clock, it’s just two in the afternoon. Kung tutuusin ay wala na akong gagawing trabaho at pwede nang umalis pero nagpasya ako na manatili muna sa opisina ko.
As soon as I sat on my swivel chair, the thought of Dmitri came inside my head. Hindi ko talaga alam kung paano ko siya haharapin. Sobra akong nagsisisi at nahihiya sa mga nasabi ko sa kanya.
Sina Tito at Tita ay hindi siya sinisi kahit na minsan, ako lang. Kaya hindi ko alam kung paano ko siya haharapin mamaya. Should I act like nothing happened? No! I can’t do that. Malaki ang kasalanan ko sa kanya, at alam ko na kailangan ko iyong pagbayaran.
Napalingon ako sa mesa ko at napansin ang picture naming tatlo na magkaka-akbay at malawak ang ngiti. Nasa gitna nila akong dalawa. This picture was taken back when I was eighteen years old. Sa bahay ampunan.
Ang saya naming tatlo rito, parang walang problema. Walang sakit at pagsisisi na nararamdaman. Ito iyong mga panahong sobrang saya ko sa tuwing pinapasyalan nila ako. Marahan kong hinaplos ang picture at mapait na ngumiti.
“Drake, alam kong galit ka sa akin kasi sinisi ko si Dmitri. Patawarin mo ako,” mahinang saad ko, “I was mad at that time. Galit na galit ako. Galit ako sa mundo at galit ako sa sarili ko kasi wala akong nagawa para tulungan at protektahan ka, naghanap ako ng masisisi at iyon ang pinagsisisihan ko,” dagdag ko pa.
Totoo iyon, galit ako sa sarili ko at hindi ko lang maamin kaya kay Dmitri ko isinisi ang lahat kahit na alam kong hindi naman dapat.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nanatili sa opisina ko, sa tingin ko ay mga bandang alas cinco na iyon nang umalis ako. Nagpasya akong umuwi muna sa apartment ko para makaligo at makapagpalit ng damit. Hindi na ako nag-text o tumawag kay Tito dahil nahihiya ako.
At habang nasa banyo ako ay pinag-iisipan ko kung pupunta pa ba ako sa kanila. I mean, I can always make up an excuse, right? Pero bakit naman hindi ako pupunta? Alam ko naman na hindi ko siya maiiwasan lalo pa at siya na ang magiging boss ko niyan.
And I want to make it up to him. I want to redeem myself for blaming and hurting him more than two years ago. Sa huli ay nagpasya akong magbihis at pumunta sa kanila.
Hindi naman naging matagal ang biyahe dahil hindi traffic, pinahinto ko iyong taxi na sinakyan ko sa harap mismo ng gate at bumaba ako agad pagkatapos kong magbayad.
Nang makita ako ng guard ay agad niya akong pinagbuksan ng gate. Kilala na ako ng mga gwardiya at kasambahay nila rito dahil madalas akong pumasyal.
I glance at my wristwatch and saw that it’s already six in the evening. Binilisan ko na ang lakad ko dahil nakakahiya naman sa kanila, baka ako na lang ang hinihintay.
“Hija, sakto ang dating mo. We’re preparing the foods on the poolside, doon tayo kakain,” malawak ang ngiting saad ni Tita nang magkasalubong kami, papasok ako sa kanila habang siya naman ay palabas para siguro pumunta sa poolside.
Napangiti ako kasi sobrang lawak ng ngiti niya at kagaya ni Tito kanina ay halatang sobrang saya rin niya. This is actually the first time that I saw them genuinely smile after two long years.
“Good evening po, Tita,” bati ko at humalik sa pisngi niya.
“Tara sa poolside, nandoon din si Dmitri, kausap ang Tito mo. Kanina pa nga sila nagkukwentuhan, naku hindi na naghiwalay simula kanina,” masayang saad niya kaya marahan akong natawa.
“Na-miss niyo po kasi siya,” sagot ko naman.
“Ikaw, hindi mo ba siya na-miss?” napalunok ako sa tanong ni Tita at hindi ko alam kung bakit, tapos ay pilit akong ngumiti at marahang tumango.
“S-Siyempre po na-miss din,” sagot ko.
It’s true, I also missed him. Na-miss ko ang pagiging kuwela at makulit niya. Na-miss ko iyong pagiging mabait at maalaga niya. Na-miss ko ang lahat sa kanya. Na-miss ko ang kaibigan ko.
Nang makarating na kami sa poolside ay agad kong nakita si Dmitri na hawak ang isang baso na may lamang alak, nakangiti siya habang kausap si Tito pero ang ngiting iyon ay hindi umaabot sa mga mata niya, at alam kong may mali sa ngiting iyon.
Sabay naman silang napalingon sa amin nang makalapit na kami sa kanila. Saglit na nagtama ang mga mata namin ni Dmitri pero agad siyang nag-iwas ng tingin.
“Hija,” bati ni Tito kaya pilit akong tumingin sa kanya at ngumiti. “You should’ve called me, pinasundo sana kita.”
“Good evening po, Tito. It’s okay po,” bati at saad ko tapos ay humalik din sa pisngi niya.
“I asked the house helps to just eat inside para tayong apat lang ang nandito. I want the four of us to have a bonding,” malawak na ngiting saad ni Tita.
“Tita, sana po pala next time niyo na lang ako in-invite para nakapag-bonding muna kayong tatlo bilang pamilya,” nakangiti pero nahihiyang saad ko, umiling naman siya.
“You are part of this family, hija. Ikaw nga lang ang may ayaw na dito na tumira samantalang ang tagal ko nang sinasabi iyon sa ‘yo,” sagot niya, tumango naman si Tito bilang pagsang-ayon.
“Hijo, siya ang tumulong sa amin ng Mama mo kaya sobrang laki ng pasasalamat namin sa kanya,” pilit na ngumiti si Dmitri sa sinabi ni Tito bago marahang tumango.
“Thank you for helping them,” maikling saad niya sa akin.
Hindi ko naman maiwasang titigan siya sa mga mata habang sinasabi iyon. I frowned as I saw the same pain in his eyes two years ago.
Ito iyong sakit na nakita ko habang umiiyak siya, habang paulit-ulit na humihingi ng sorry sa kasalanang hindi naman niya ginawa at ginusto, at habang sinisisi ko siya.
“I’m so happy that we are finally complete, Drake must be really happy kung nasaan man siya ngayon,” nakangiting saad ni Tita.
Napasinghap naman si Dmitri nang marinig ang pangalan ng kakambal niya. Kumunot din ang noo ko nang mapansing nanginginig ang kanang kamay niya habang binibitawan ang hawak na baso.
“I…I’m sorry, excuse me,” mahinang saad niya at nagmamadaling tumayo para umalis.
Nagkatinginan kaming lahat dahil doon.
“He’s still blaming his self,” malungkot na saad ni Tito.
“Can I talk to him?” Saglit silang tumingin sa akin bago ngumiti at marahang tumango. “Thank you, excuse me po,” saad ko.
Hindi naman ako nagdalawang isip na tumayo at sundan siya. Nakita ko siya sa hardin nila, ang mga kamay ay parehong nakahawak sa ulo habang pabalik-balik na naglalakad na parang aligaga.
“Dim,” tawag ko sa kanya.
Iyon ang palayaw niya na ako ang nagbigay, ang pangalan na nakasanayan kong itawag sa kanya. Napalingon naman siya sa akin.
“I-It would’ve been nice if Drake’s still here, right?” hindi ko alam ang isasagot sa tanong niya, “I’m sorry. I’m really sorry for killing him. It was my fault, and I’m so sorry,” hindi nakawala sa akin ang mga luhang namumuo sa mga mata niya habang sinasabi iyon.
It’s as if he’s already in the verge of breaking down, so without any hesitations, I came closer to give him an embrace.
“Hush now, Dim. It’s not your fault,” bulong ko habang marahang hinahaplos ang likod niya.
I felt like somehow, what I said helped him to calm down. Pero ramdam ko pa rin ang panginginig ng katawan niya at ang mabigat niyang paghinga.
God, what have I done? I know that this is my fault. I made him live his life with all these nightmares, and I am willing to help him get through this darkness.
“I’m sorry for all the things that I said, Dim. I was wrong. It’s not your fault so please… stop blaming yourself.”
Narinig ko ang mahina niyang hikbi at sobrang bigat no’n sa pakiramdam. Ang sakit pakinggan. Naramdaman ko rin na medyo nababasa na ang balikat ko ng luha niya pero hindi ko iyon inalintana. Tapos ay marahan niya akong niyakap. And I just can’t understand why his embrace feels like… home.