Simula

1118 Words
Two Years Ago I just destroyed something beautiful, and the feeling was a lot worse than I could ever imagine. I killed him. I killed the only person who always sees the best in me. I killed my brother. I killed my best friend. Pakiramdam ko ay isa akong duwag na nakatayo sa labas ng kotse ko, nakatanaw sa maraming taong nagmamahal sa kanya na ngayon ay nag-iiyakan habang inililibing siya. Ni hindi ko man lang nagawang lumapit sa kabaong niya noong nakaburol siya, hindi ko rin magawang lumapit sa kanya ngayong inililibing na siya. Lagi lang akong nakatanaw mula sa malayo. Natatakot akong lumapit dahil alam kong galit sa akin ang lahat, maging siya. If only I could exchange our fate, I’ll definitely put myself inside that coffin. Would these people be here too to mourn for me if I was the one who died? I don’t know… The scene was heartbreaking, and hearing their sobs makes me want to just kill myself for putting my brother in that situation, but death would be too easy for me. If there is something worse than death and hell fire, then I think that’s what I deserve. My brother is gone forever. Kahit na kailan ay hinding hindi ko na siya makikita ulit, hindi ko na maririnig ang tawa at halakhak niya. Wala na siya para kulitin at asarin ako. Wala na siya at kasalanan ko. Wala na… Mariin akong pumikit habang ang mga luha sa mga mata ko ay walang hinto sa pagbuhos. Ramdam ko ang bigat ng mga mata ko dahil sa ilang araw na pag-iyak at kawalan ng tulog. I badly want to punish myself but I don’t have any idea what to do and how to start doing it. I know that no amount of apologies could ever forgive me, and I don’t think I can even forgive myself. Sobra akong nanghihina. Ni hindi ko magawang tumayo ng maayos dahil pakiramdam ko ay matutumba ako ano mang oras. Mariin akong kumapit sa pinto ng sasakyan ko habang nahihirapang huminga dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. I didn’t know how long I was cowardly standing behind the shadow of my car, moments later people are starting to leave the place one by one until there’s only one left. Alison… Kahit na medyo malayo ako sa kanya ay rinig ko pa rin ang mahihinang hikbi niya habang nakaluhod sa harap ng puntod ng kakambal ko at marahang hinahaplos ito. Nakakalungkot isipin na ipinangako ko sa sarili kong hinding hindi ko siya sasaktan kahit na hindi maging kami, basta lagi lang siyang masaya pero heto siya ngayon, nasasaktan dahil sa katangahang ginawa ko. Sinaktan ko ang babaeng pinakamamahal ko. She loved my twin brother so much that she even thought of building her own family with him, that’s one of her dreams, a simple dream that I took away from her in just a snap of finger. Nawalan ako ng kapatid at isang matalik na kaibigan, at hindi ko alam kung paano lalapitan si Alison ngayon para damayan siya dahil alam kong nawala ang lahat sa kanya dahil sa akin. The heaven should hate me. How I wish for it to let out a lightning to strike me and lash me into millions of pieces. But somehow, I felt like it’s mocking me because it’s sunny even though I’m feeling gray. “Wala kang karapatang umiyak dahil ikaw ang may kasalanan. Sana ikaw na lang ang nasa kabaong at hindi siya, sana ikaw na lang ang nawala!” Sariwa pa sa alaala ko ang mga huling salitang binitawan niya sa akin ilang araw lang ang nakakalipas. Hearing those words from the one you sincerely love hurts so much but I deserve it. I deserve all these pain. I deserve her wrath and hate towards me. Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa paghagulgol dahil sa sobrang sakit. Napaluhod na rin ako dala ng panghihina. Bakit kailangang siya pa ang mawala? Bakit hindi na lang ako? Kung ako na lang sana ang namatay, siguro ay mas madaling tanggapin iyon para sa kanilang lahat. I slowly looked up as I saw someone stopped in front of me. I didn’t know how to react as I saw Alison’s eyes that’s full of rage. She even curled around her fists while her face was contorted with obvious hate and anger. “I… I’m sorry…” nanghihinang saad ko. “Hindi ka makalapit dahil alam mong kasalanan mo, tama?” mariin akong pumikit sa sinabi niya, “You are a coward, Dmitri. You should be ashamed of yourself. Pagkatapos ng ginawa mo hindi mo man lang nagawang lapitan ang kakambal mo kahit na isang beses? Nakakahiya ka!” dagdag pa niya na mas lalong nakapagpabigat sa nararamdaman ko. Tama siya. Masakit pero alam kong tama siya. “I’m sorry,” mahinang saad ko ulit. Wala akong ibang alam sabihin kung hindi ang sorry, kahit na alam kong hindi naman niya ako mapapatawad. “I don’t need your sorry!” sigaw niya, “Sa tingin mo ba maibabalik ng sorry mo si Drake, ha? Sa tingin mo ba mapapatawad ka ng lahat sa pagpatay mo sa kanya dahil lang sa sorry? Kahit na ilang bilyong sorry pa ang sabihin mo hindi mo na mababago ang katotohanang wala na siya dahil sa ‘yo! You are worse than a criminal!” I can feel her pain on every word she’s throwing at me, and I want to embrace her tight to lessen it but I know for a fact that it won’t do any good. At kahit na hilingin ko na saktan niya ako ngayon ay alam kong hindi rin mababawasan ang sakit na nararamdaman niya. “I don’t want to see you again, Dmitri. Kalimutan mo na na naging magkaibigan tayo. You should live your whole life alone, without any friends or family, that’s what you deserve for killing your own brother,” saad niya at nagsimula nang maglakad palayo sa akin, samantalang ako ay nakaluhod pa rin at hirap na hirap sa paghinga dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. “Drake… ang daya mo. Ang daya-daya mo. Sana ako na lang… pakiusap, kunin mo na ako,” mahinang bulong at pakiusap ko habang patuloy sa paghagulgol. “Death would be too easy, Dmitri,” napalingon ulit ako kay Alison nang sabihin iyon, “I hope that Drake’s ghost will forever haunt you until you lose your sanity.” Pagkatapos ay tuluyan na niya akong iniwan. She’s right. I should live my whole life without anyone but my brother’s ghost. I should keep it inside my head until I die as a way to punish myself. I don’t deserve to be happy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD