“Ibaba, mo nga ako?” Sambit ko sa aking asawa ng nasa tapat na kami ng bahay ni Lola Matilda. Dahan-dahan naman ako ibinaba ni James. “Ikaw, kung hindi pa ako dumating doon sigurado nakalingkis na sa'yo ang babaing yun naparang ahas.” “At talagang tanggapin mo pa ang kamay noon. Kung hindi pa ako dumating!” Usal ko pa rito. Pangiti Ngiti lang si James sa akin. “Haist sarap tusukin ng mata nitong? Ani ko sa aking isipan. “Aminin mo na kasing nagseselos ka?” Mapang asar na wika ni James sa akin. “Lagot ka, Selina kay Lola isusumbong ka namin!” pananakot naman ni Paul sa akin. “Kaya nga, nakipag away ka naman kay Fatima!” singit naman ni Mike. “Hoy pangit na Paul, mukhang kurimaw na Mike? Para sabihin ko sa inyo hindi ko inaway si Mukhang ipis ah!” Nakasimangot kong tugon dito. “Si