James POV “Ang galing mo pala mag basketball insan?!” humahanga wika ni Paul sa akin isa sa mga pinsan ng aking asawa. Pumunta ito sa bahay ni Lola kanina at inaya akong maglaro daw kami ng basketball. Ayaw ko sana dahil hindi ako nakapag paalam sa akin asawa dahil tulog pa ito. Ngunit sinabihan na lamang ako ni Lola Matilda na sumama na lang at siya na raw magsasabi kay Selina kapag nagising ito. “Oo, nga ang galing mo pre!” wika ni Boboy ang kaibigan ng mga ito. “Hindi naman samba lang,” nakangiti sagot ko sa mga ito. “Anong samba ang pinagsasabi mo halos trees ang tira, mo eh panay pasok palagi kapag ikaw na ang may hawak ng bola!” Singit naman ni Mike isa sa pinsan rin ni Selina. “Para ka ng isang basketball player, sa galing mo eh!” Usal naman ni Karding na kaibigan rin ng m