chapter 1

1197 Words
Chapter 1 Selina’s POV Hindi mawala ang ngiti sa aking labi, habang nakatingin sa aking kaibigan na si Marfa. Katatapos lang magpakasal nito sa boyfriend nito— na ngayon ay asawa na si JC. Kasalukuyan na kaming nasa reception sa mga sandaling iyon. “Grabe! Ang suwerte ni Marfa. Bukod sa gwapo na ang napangasawa, billionaire pa!” sabi ni Gwen na kasama ko sa table. “Kaya nga, eh!” pagsang-ayon naman ni Erich. “Kailan kaya tayo makatatagpo ng katulad ng napangasawa ni Marfa?” saad pa ni Gwen. “Malay mo, baka sa susunod na araw matagpuan mo na ang lalaking nakalaan para sa iyo,” anas ko naman. “Eh, bakit? Ikaw ba, Selina, may nahanap ka na ba?” tanong ni Erich nang balingan ako. Umiling-iling ako sabay sabi na, “Wala at ayaw kong maghanap. Dahil baka sa kahahanap ko ay bungi pa ang mapunta sa akin. Saka, hindi naman hinahanap iyan, kusang dumarating ang ganiyang pagkatataon sa atin. Dahil sabi nga nila, ang bawat tao ay may kani-kaniyang nakalaan na partner sa buhay. Hindi hinahanap ang first love, true love, at ang forever. Dumarating sila ng kusa sa buhay natin. Minsan nga hindi mo namamalayan na nariyan na pala siya sa tabi mo. It’s unexpected. At the same time, uncontrollable.” “Ay, iba! Romance writer ka nga talaga, Selina. Ang lalim kasi ng hugot mo! Parang kasing lalim ng balon namin sa probinsya,” natatawang saad ni Gwen. “Sira!” Natawa rin ako sa sinabi niya. Kinuha ko ang basong may lamang tubig at ininom iyon. Maya-maya pa, tinawag na ang lahat ng kababaihan para saluhin ang bouquet ni Marfa. Hindi ko nais na makisali pa dahil masakit na ang mga paa ko. Mas gusto kong manatili na lang na nakaupo. “Girls, pagbilang ko ng tatlo dapat ready na kayo, ha? Ihahagis ni Mrs, Hudson ang kaniyang bouquet, kaya alam niyo na ang gagawin. Dahil ayon sa kasabihan, kung sino ang makasasalo ng bulaklak, ay siya’ng susunod na ikakasal,” anang emcee. Tila naman kinilig ang mga kababaihang nasa harapan sa narinig na sinabi ng baklang emcee. “Mrs. Hudson are you ready?!” tanong pa ng Emcee kay Marfa. Tumango naman ito. “Okay, pagbilang ko ng tatlo, doon mo lang ihahagis ang bouquet,” pag-uulit nito sa sinabi kanina. “Ready? One. . . Two. . . And— three! Go, Mrs Hudson! Ihagis mo na po!” malakas na sigaw ng emcee. Napangiti na lang ako at napailing dahil sa kakulitan nina Erich at Gwen. Nakipagtulakan pa kasi ang mga ito para lang makuha ang bouquet ni Marfa. Ngunit, ang hindi inaasahan ng lahat, ay nang mabitawan nito ang bulaklak at tumalbog patungo sa aking kinauupuan. Nagulat na lang ako at wala sa isip na sinalo iyon. Ngumiti si Marfa sa akin sabay sabi, “Congrats, Selina. Ikaw na ang susunod na ikakasal.” Sa sobrang kabiglaan, nabitawan ko ang bouquet at nalaglag sa aking paanan. Akmang ilalayo ko iyon gamit ang aking paa nang may dumampot noon sa paanan ko. Ganoon na lang ang panlalaki ng aking mga mata nang makita kung sino ang pumulot niyon. Walang iba kun’di ang pinsan ni JC. Si James Fuentebella! “Sayang naman. Ang ganda ng bulaklak na ito kung aayawan mo lang,” aniya sabay tingin sa aking mga mata. Lihim akong napalunok ng laway habang nakatitig sa gwapong mukha ng aking kaharap. Grabe! Kung guwapo ang kapatid nitong si Jayson at pinsan na si JC, hindi rin magpapahuli ang lalaki. Mas higit pa nga itong nakalalamang kung gandang lalaki rin lang ang pag-uusapan. “Gusto mo na ba ako, kaya halos tumulo na ang laway mo habang nakatulala sa akin?” mapang-asar na wika niya. Ngumiti pa siya nang nakaloloko sa akin. Doon nagising ang diwa ko. Napaawang din ang aking mga labi. Magandang lalaki nga, hambog naman! Unti-unting naningkit ang aking mga mata. “Grabe din naman ang imagination mo, ano, Mr. Fuentebella? Saang TV o balita mo naman nasagap na may gusto ako sa iyo, ha? Ang kapal din ng face mo!” naiinis kong wika. Tinaasan lang naman niya ako ng kilay. Tila inaasar talaga ako nang husto. “Hindi mo alam o talagang mabilis ka lang makalimot? Sa iyo ko mismo iyon nalaman,” mayabang na tugon niya. Napaawang muli ang mga labi ko dahil sa mga pinagsasabi niya. “Ang kapal din nga talaga ng feslak mo, ’no! Ako? Magkakagusto sa ’yo? Ha! Nanaginip ka ng gising, Mr. Fuentabella.” Pagkasabi niyon ay tumayo ako. Gusto kong makalayo sa hinayupak na lalaking kagaya niya. Baka kasi mahawa pa ako. Pagdaan ko sa gilid niya ay sinadya niyang banggain ang balikat ko. Dahil mas matangkad siya sa akin at di-hamak na mas malaki ang pangangatawan, para akong bumangga sa isang pader. Ni hindi man ito natinag sa kinatatayuan. Mas ako pa ang nasaktan dahil sa tigas ng kaniyang katawan. “Grabe! Ang tigas naman ng balikat ng lalaking ’yon,” bubulong-bulong na wika ko nang makalagpas sa kaniya. Dumeretso ako sa kinaroroonan nina Marfa. Magpapaalam na kasi akong uuwi. “Marfa!” tawag ko sa pangalan ng aking kaibigan. “Best, congrats ulit sa inyong dalawa ni JC,” wika ko nang makalapit sa mga ito. Bahagya ko pang nilingon si JC at nginitian ito. “Ingatan mo ang kaibigan ko, ha,” bilin ko sa kaniya. Tumango naman si JC sa akin. “Hindi lang basta iingatan, mamahalin ko pa siya ng buong-buo habangbuhay!” masayang sagot niya. Tumango-tango naman ako sabay baling kay Marfa. “Best, mauna na ako, ha. Alam mo naman na maraming trabaho ang naghihintay sa akin, kaya need ko na ring magpahinga.” “Salamat din sa ’yo, best!” ani ni Marfa. “Teka, nag-usap na ba kayo ni James? Pumayag ka na ba sa gusto niyang mangyari?” pahabol pang tanong nito. Alam ko ang tinutukoy ni Marfa. Umiling ako. “Hindi. Ayaw kong gawin ang ipinagagawa niya. Kahit pa sabihin na babayaran niya ako, hindi pa rin ako papayag. Humanap na lang siya ng iba, ’no! Hindi lang naman ako ang babae sa mundo,” seryoso kong sagot sa kaniya. Huminga muna nang malalim si Marfa bago tumingin sa akin. Bahagya pa nitong pinisil ang aking kamay. “Malay mo, kayo pala ang para sa isa’t isa,” aniya sabay ngiti. Napatawa naman ako. “Hindi mangyayari iyan, ano! Tingnan mo nga, wala akong nararamdamang kakaiba sa pinsan ng asawa mo. Ni hindi nga kumakabog ang dibdib ko sa lalaking iyon. Ang tanging nararamdaman ko lang ay inis at pagkasura!” “Grabe ka naman!” palatak ni Marfa. “Huwag kang magsalita ng tapos, Selina. Baka subukin ka ni Kupido at paggising mo, may pagtingin ka na kay James. Saka, napapansin ko lang, ha. Natutulala ka kaya kapag nakatitig sa kaniya. Kanina nga nakita kitang natigilan sa harapan niya.” Napakamot na lamang ako sa aking ulo at hindi na sumagot pa sa aking kaibigan. “Oh, siya, sige na. Uuwi na ako at may trabaho pa ako bukas,” paalam ko kay Marfa. Nagpaalam na rin ako sa asawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD