Chapter 1

1423 Words
Hindi ko alam kung may magagawa ba ako kung pupunta ako roon. Basta ang gusto ko lamang ay masigurado na ligtas sina Rayne. Halos madapa ako sa aking pagtakbo ngunit hindi ako tumigil. Malapit na ako sa Plain of Ida. Kapag nakalagpas ako roon ay malapit na ako sa lagusan papuntang Jotunheim— Napatigil ako sa aking pagtakbo nang nasa Plain of Ida pa lamang ako ay nakakita na ako ng isang Frost Giant. Ang mga nilalang na inaakala ko noon ay kathang-isip lamang ay nasa harapan ko na. Mataas nga ito na halos mabali ang aking leeg dahil sa pagtingala ko upang makita ko lamang ang mukha niya. Naestatwa ako sa aking kinatatayuan. Magkahalong pagkamangha at takot ang aking nararamdaman. Bakit nga ba ako naaandito? Anong magagawa ng isag kagaya ko? Wala akong kapangyarihan, wala akong lakas upang kalabanin ang isang kagaya ng nasa harapan ko ngayon. Seriously, what am I doing here? Anong pumasok sa isip ko at sumugod ako rito nang walang plano?! “Haze!”  Naramdaman ko na may dalawang kamay ang nakahawak sa magkabilang balikat ko at inaalog ako upang magising sa malalim na iniisip ko. Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang hinihingal na si Rayne. “Ano pa bang ginagawa mo rito? Umalis na tayo! Kung hindi ka aalis ay mamatay tayo pare-pareho!” sigaw niya sa akin upang magising ako nang tuluyan. Tumingin ako sandali kay Rayne bago ibalik sa Frost Giant na halos ipaghampasan sa kung saan ang mga katawan ng mga batang Asgardian sa kung saan man. Ang ilan naman ay ipinapasok niya sa kanyang bibig. “Haze—” “Rayne, iwanan mo na nga iyan! Save yourself—” Hindi na iyon natapos ng kasamang lalaki ni Rayne dahil nang ihampas ng Frost Giant ang kanyang isang kamay sa lupa ay kaagad na yumaig iyon dahilan upang mawalan kaming lahat ng balanse.  Malakas itong umungol nang magawa niya kaming paupuing lahat sa lupa. Naglakad siya patungo sa amin na siyang ikinatakot ko. Narinig ko ang paghikbi ni Rayne kaya’t wala na naman sa sariling ginawa kong pananggalang ang aking sarili upang protektahan ito kahit na alam ko na wala iyong maitutulong para mailigtas ko siya. Nang una ay nakapikit ang aking mga mata, hindi rin maitatangging natatakot ako. Ngunit nang ilang minuto pa’y wala nang sunod na nangyari ay nagawa kong imulat ang mga iyon. Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang makita ko ang mukha ng Frost Giant na nakaharap na sa akin. Ang mga mata niya ay nakatitig lamang sa akin at tila ba inoobserbahan ako. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang tumigil. “Rayne, umalis na tayo rito. Hayaan mo na iyang si Haze! Kung mamatay man siya ay wala namang magluluksa.” Dinig kong sambit ng isang lalaki kay Rayne na nasa likod ko at pinoprotektahan. “Hindi ko maaring iwanan si Haze!” saad ni Rayne. Huminga ako nang malalim. Mabigat ang aking bawat paghinga habang nakikipagtitigan sa Frost Giant na hindi ko maintindihan bakit tumigil sa paggalaw at nakatitig lamang sa akin. Kinuha ko iyong pagkakataon upang makausap si Rayne at sabihang tumakas na. “Rayne,” mahina kong pagtawag sa kaibigan. Huminga ako nang malalim at hindi siya nililingon na nagsalita. “Umalis na kayo rito. Hindi siya gumagalaw ngayon kaya’t makakatakas kayo nang hindi niya napapansin.” “Pero—” Magsasalita pa lamang ako nang makita ko sa gilid ng aking mata ang paglapit ng lalaking kasama ni Rayne sa kanya at sapilitan na itong pinatayo at hinila. “Umalis na tayo rito, Rayne!” sigaw niya kay Rayne at hinigit na papaalis ng lugar na ito. Nakahinga ako nang maluwag nang mawala sina Rayne sa paningin ko sa gilid ng aking mata pero bumalik ang kaba ko nang mapagtantong nasa harapan ko lamang ang Frost Giant at pinagmamasdan ako. Tinangka kong humakbang, sinusuri kung makakaapekto ba ito sa kanyang kilos ngayon. Napansin ko na hindi at naroroon pa rin siya. Napalunok ako at muling humakbang paatras at papalayo sa Frost Giant. Nagulat ako nang muli siyang malakas na humugong. Halos tumilapon ako sa aking kinatatayuan dahil sa hanging nagmula sa kanyang paghugong. Mabuti na lang at binigatan ko ang aking sarili. “Stay there.” Parang pinapaamo kong hayop kung ituring ang Frost Giant. Ang mga mata niyang nakatingin sa akin ng diretso ay sapat na upang magpanginig sa buong katawan ng kahit na sinong makakakita nito pero alam ko na walang mangyayari sa akin kung hahayaan ko lamang na lamunin ako ng takot ko. Kumalma ako nang hindi na nasundan ang pag-ugong na iyon ng Frost Giant. Nakakahinga na rin ako nang maayos dahil lumalaki na ang distansya sa pagitan naming dalawa. Makakaalis ata ako rito nang hindi nasasaktan—Napatingin ako sa likod ko nang may maapakan akong sanga ng puno na lumikha ng isang ingay. Napatingin ako sa Frost Giant ngayon na sa hindi malamang dahilan ay tila ba umuusok ang kanyang bibig. Napalagok ako sa aking laway at agad na tumakbo. Nararamdaman ko ang paghabol niya sa akin dahil yumayanig ang lupa sa bawat paghakbang niya. Ito na ba ang magiging katapusan ng buhay ko? Ang maging sakripisyo at mamatay sa kamay ng Frost Giant na ito? Ni hindi ko man lang nakitang muli ang aking ina. Muli akong nawalan ng balanse nang mas yumanig ang lupa dahil sa paghampas niyang muli ng kamay niya rito. Gumulong ako sa pababang bahagi ng tila burol ng kagubatang ito at nagtamo ng ilang sugat sa iba’t ibang parte ng aking katawan. Sa tuktok ng burol ay nakita ko ang pagbwelo niya upang tumalon papunta sa may kinaroroonan ko. Kaagad akong gumapang papalayo roon ngunit kaagad din akong tumilapon dahil sa malakas na epekto ng pagkakatalon niya sa lupa. Tumama ang likod ko sa isang puno at kaagad nawalan ng lakas upang makatakas pang muli. Hindi ko na rin maramdaman ang mga paa at kamay ko dahil tila namamahid ang mga ito. Ang isang mata ko ay nakapikit na rin at may nararamdaman na rin akong dugo na tumutulo mula sa aking ulo. Nakikita ko ang paglapit ng Frost Giant sa akin. Tuluyan na akong nawalan ng pag-asa dahil wala namang tutulong sa akin. Isa pa, kung malaman man nila na ako ang target ng Frost Giant ay baka hayaan na lamang akong mamatay ng mga Asgardian. Wala namang may pake sa akin dito. Nang malapit na siya sa akin ay kitang-kita ko ang muling pag-usok ng kanyang bibig ay nakita ko ang pagliwanag ng kalangitan. Gamit ang natitirang lakas ay itiningala ko ang aking ulo at tiningnan kung anong dahilan ng pagliwanag ng kalangitan. Napatigil ang Frost Giant sa paglapit sa akin at tumingin din sa kalangitan. Makakarinig ka ng malakas na kulog at makakakita ka ng liwanag na mula sa pagkidlat. Ilang ulit pang lumiliwanag ang kalangitan ng Asgard nang biglang bumagsak ang kidlat sa kinaroroonan ng Frost Giant. Kitang-kita ko kung paano iyon nakuryente dahil sa kidlat na tumama sa kanya. Ilang sandali pa ay may malakas na pwersang bumaba mula sa langit. Gamit ang kanyang hammer of the thunder god o mas kilala sa pangalan nitong Mjolnir ay buong lakas na inhampas ng isang lalaking nagmula sa kidlat iyon sa Frost Giant. May kalayuan man ang kinaroroonan ko ay ramdam ko ang impact na ginawa nito sa Frost Giant. Halos mapapikit din ang aking mga mata dahil sa matinding liwanag na inilabas ng Mjolnir. Ilang minuto pa akong nakapikit. Hindi malaman kung kailan dapat magmulat ng mga mata. “Maayos ba ang kalagayan mo?”  Nang marinig ko ang boses niyang iyon ay dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at tumingin sa kanya. There, I saw him, the god of thunder, Thor. Dahan-dahan akong tumango sa kanya. Namamangha pa rin dahil hindi ko inakala na isang kagaya ni Thor ang magliligtas sa akin. Kasunod ni Thor ay ang pagdating din ng mga sundalo upang linisin at imbestigahan ang nangyaring ito. Sila na rin ata ang bahalang magtapon ng ngayon ay walang buhay na katawan ng Frost Giant. May ilan ding lumapit sa akin upang tingnan ang kalagayan ko. Si Thor naman ay pinagmasdan ang buong paligid upang tiyakin na wala nang ibang kalabang umaaligid. Kasing bilis din ng kidlat siyang nawala sa paningin ko. Dahil sa nangyaring iyon, muling tinuring na isang bayani si Thor. Maging ako ay hindi maipagkakaila na tama lamang na ituring na bayani ang isang kagaya niya. Someday, I want to be like him. I want to be like Thor.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD