bc

Haze: Doom of the Gods

book_age18+
458
FOLLOW
1.3K
READ
dark
reincarnation/transmigration
humorous
mystery
brilliant
loser
demon
supernatural
kingdom building
war
like
intro-logo
Blurb

OFFICIAL ENTRY FOR RISE FROM THE ASHES: KING FROM NOBODY CONTEST.

Comments for bonus!

Click this book and leave your ideas or suggestions, you may be offered 200 bonus!

Si Haze ay anak ni Hel na siyang tinaguriang goddess of the dead. Ngunit simula nang ipanganak siya ay hindi niya man lang nakita ni isang beses ang kanyang ina o kahit na sinong miyembro ng kanyang pamilya.

Iba ang turing kay Haze ng mga tao sa Asgard dahil na rin nakikita siya ng mga ito bilang magiging kagaya lamang ng kanyang lolo na si Loki, isang traydor at maaaring maging banta sa kaayusan ng kanilang mundo.

Isang araw ay nag-anunsyo ang kaharian ng Asgard na magbibitaw na sa pamumuno si Odin bilang hari ng kanilang mundo at nagsagawa sila ng isang patimpalak upang mamili ng susunod na magiging hari at tagapamuno ng kanilang kaharian. Nagdesisyon si Haze na sumali rito. Ginawa niya ang lahat upang makapasok sa preliminaries nang biglang nagpakita ang Norn Sister o mas kilala bilang mga goddesses of fate. May sinabi sila kay Odin na siyang dahilan upang tanggalin si Haze sa nasabing patimpalak, paalisin sa Asgard, at halos patayin pa siya.

Ano nga ba ang maaaring dahilan bakit ganoon na lamang ang naging hatol ni Odin sa kanya? Ano ang sinabi ng Norns kay Odin? Bakit nga ba tila gusto rin siyang ipapatay ni Odin? May koneksyon ba ito sa kanyang pamilya o maaaring natuklasan nila ang tunay nakatauhan niya?

chap-preview
Free preview
SIMULA
Kinusot ko ang aking mga mata nang magising ako. Agad ‘kong bumangon dahil alam ko na hindi ikatutuwa ni Theodore kung maabutan niya akong nakahiga pa rin sa aking kama. Kailangan ko nang magsimula sa trabaho ko kahit hindi pa man sumisikat ang araw rito sa Asgard. Mabilis akong nag-ayos ng aking sarili. Sa mundong hindi lahat ng tao ay tanggap ako, kailangan kong magsumikap upang may matirhan ako, upang may kainin ako. May bahay man akong sinisilungan sa ngayon, hindi ko alam kung hanggang kailan ako pagtitiisan ng nagmamay-ari nito. “Haze! Ang kupad mong bata ka! Halika at dalhin mo na itong mga pinutol na kahoy sa panaderya ni Alfredo!”  Nang madinig ko ang pagtawag na iyon ng lalaking kumupkop sa akin ay nagmadali akong lumabas ng kwarto ko upang harapin siya. Mataman niya akong tiningnan nang mamataan ni Theodore ang paglabas ko ng aking silid. Magalang ko naman siyang binati. “Magandang umaga, Theodore. Ihahatid ko na ang mga kahoy kay Alfredo.” Itinunghay ko ang aking ulo upang tingnan siya. Nakita ko ang panliliit ng mga mata niya bago mag-iwas. “Bilisan mo at bumalik kaagad. Marami pa tayong trabahong dapat gawin.” Naupo siya sa isang silya bago inumin ang kanyang kape. Tumango naman ako kahit na hindi niya na iyon makikita pa. Kinuha ko ang mga kahoy na dadalhin ko kay Alfredo at tumulak na papunta sa kanyang lugar. Binuksan ko ang pinto ng amin bahay at kaagad na sumalubong sa akin ang iilang mga Asgardian na nag-aayos na rin para sa pagsisimula ng araw na ito. “Maganda umaga, Haze. Saan ka patungo? Kay aga, ah?”  Nakasalubong ko si Rayne. Isa sa mga kahit papaano ay pumapansin sa akin. Matipid ko siyang nginitian at binati rin pabalik. “Magandang umaga, Rayne. Papunta ako kay Alfredo upang ihatid ang mga kahoy na gagamitin niya sa kanyang paghuhurno. Ikaw? Bakit tila ang aga mong umalis ng bahay n’yo?” hindi ko mapigilang tanong sa kanya. “May ensayo ako, riyan lamang makalagpas sa Plain of Ida. Hindi ba’t may gaganaping pagtitipon sa susunod na linggo? Naghahanda kami para roon. Balita ko ay may mahalaga raw na anunsyo si Master Odin.” Bakas sa kanyang mukha ang pagkasabik. Ang kanyang mahabang buhok ay umaalon kasabay ng kanyang pagkilos. Matipid akong ngumiti sa kanya at tumango. “Mag-iingat kayo. Malapit na ata ang pupuntahan mo sa daanan na magdadala sa ‘yo sa Jotunheim. Delikado kapag nakarating kayo sa mundo ng mga Frost Giants.” Natawa siya sa aking sinabi at tumango. “Oo naman! Isa pa, may mga bantay naman doon kaya’t nakakasigurado kami na hindi kami lalagpas sa kaharian ng Asgard.” Ngumiti siyang muli sa akin kaya’t napangiti rin naman ako sa kanya. “Oh siya, mauna na ako at baka hinihintay na ako ng aking mga ka-grupo. Paalam, Haze!” Tumakbo na si Rayne habang patuloy na ikinakaway sa akin ang kanyang kamay. Kinawayan ko rin siya hanggang sa maglaho siya sa aking paningin. Bumuntong hininga ako at nagpatuloy na sa aking paglalakad papunta sa panaderya ni Alfredo. Habang naglalakad ay ramdam ko kaagad ang mga mapanuya at mapanghusgang tingin sa akin ng ilang Asgardian na nakakakita sa akin. Hindi ko na lamang naman iyon pinansin at nagpatuloy na lamang sa paglalakad ko. Alam ko naman na simula nang ipanganak ako ay hindi ako tanggap ng karamihan sa mga taga rito sa Asgard. Mapa-normal na Asgardian o iyong mga diyos at diyosa na naninirahan dito ay gusto akong itanggi. Ang alam ko pa ay dahil daw iyon sa pinagmulan ko. Ang aking ina ay si Hel. Isa sa mga anak ni Loki, ang god of mischief. Kagaya ng turing nila sa aking mga kapamilya ay iniisip nila na isa ako sa gagawa ng kaganapan upang masira ang Asgard. Hindi pa lamang nila ako mapaalis dito dahil bukod sa rito ako pinanganak sa Asgard ay wala pa naman akong ibang ginagawa upang mapalayas nila sa mundong ito. Hindi ko na nagawang makitang muli ang aking ina. Sa aking alaala ay huli ko siyang nakita ay noon pang isinilang ako sa mundong ito. Kung paano ko iyon alam ay hindi ko alam. Ganoon siguro kapag mula ka sa mundo ng mga bagay na maging ang imposible ay magiging posible. Wala rin akong muwang sa kung anong itsura ni Loki na siyang ama ng aking ina. Bukod sa pangalan niya ay wala na akong alam sa kanya. Ang alam ko lamang ay pinaalis ito sa Asgard. Ang dahilan ay hindi ko na kinalkal pa. Nasa poder ako ngayon ni Theodore dahil sa utos ni Master Odin na siyang hari ng mundong ito. Hindi man niya ako gusto ay wala rin namang magawa si Theodore. Hindi siya maaaring tumanggi. Kaya siguro bilang ganti sa pagiging pabigat ko sa buhay niya ay pinahihirapan niya ako. Napadaan ako sa may Bifrost. Sinasabi nila na kung tatawid ka roon ay makakarating ka sa isang mundong konektado sa Asgard. Makakakita ka ng mga iba’t ibang uri ng bagay na maaaring wala sa Asgard. Nakita ko si Heimdall na matayog na nagbabantay sa tarangkahan ng Asgard. Siya ang naatasan na bantayan ang Bifrost at maingat na alamin ang mga lalabas at papasok ng Asgard. “Magandang umaga, Heimdall!” pagbati ko sa kanya. Nilingon ako ni Heimdall at matipid niya akong tinanguan. Hindi man siya nagsalita ay alam ko na iyong pagtango niya ang pagbati niya sa akin. Isa rin si Heimdall sa kahit papaano’y nakakausap ko kapag may oras. “Alfredo, ito na ang iyong mga kahoy na hinihingi mo kay Theodore.” Ipinatong ko ang mga kahoy sa may gilid ng pintuan ng panaderya. Nakita ko siya na nagsisimula na sa pagmamasa ng gagawin niyang tinapay. “Maraming salamat, Haze,” sambit niya. Hinugasan niya ang kanyang kamay at kumuha ng ipambabayad sa akin para sa mga kahoy na ito. Inabutan ako ni Alfredo ng malaki-laking halaga na ikinagulat ko. “Iyong sobra riyan ay para sa ‘yo. Itago mo na lang iyon kay Theodore at huwag nang sabihin pa. Isipin mo na lamang na tip ko iyan sa iyo dahil sa kasipagan mo sa pagdadala sa akin ng kahoy.” Tinapik niya ang aking likod. Ako naman ay nanatiling nakatitig sa halagang ibinigay niya sa akin. Napangiti ako at agad na nagpasalamat kay Alfredo. Kahit madalas ay hindi maganda ang nangyayari sa akin dito sa Asgard, may mga pagkakataon pa rin naman na may mga ganitong kagandang nagaganap sa buhay ko na ipinagpapasalamat ko. Palabas na sana ako ng panaderyang iyon nang makarinig kami nang malakas na ingay at nakaramdam ng pagyanig ng lupa mula sa timog na bahagi ng Asgard, malapit sa Plain of Ida. Agad akong lumabas ng panaderya at ganoon din si Alfredo upang alamin kung ano ang ingay na narinig namin. Masyado iyong malakas upang makaabot dito sa syudad. Nakakita kami ng ilang Asgardian na papalayo roon. Halos lahat naman ay natataranta. Napansin ko si Alfredo na nanghigit ng isang kakilala upang magtanong. Mula sa direksyon na pinanggalingan niya ay mukhang nagmula rin siya sa timog na bahagi ng Asgard. Alam niya kaya ang nangyari? “Anong nangayari roon? Bakit may malakas na ingay?” tanong ni Alfredo sa lalaki. Hinihingal itong tumingin kay Alfredo. Nakikita ko ang kilabot sa kanyang mga mata. “May mga batang nagbukas ng lagusan papuntang Jotunheim.” Itinuro niya ang lugar na pinanggalingan niya. “May Frost Giant ngayon sa may Plain of Ida! Tatlong bata na ang napapatay niya!” Matapos sabihin iyon ng lalaki ay kumawala siya sa pagkakahawak ni Alfredo at tumakbo papalayo. Muli akong napatingin sa pinagmumulan ng ingay na iyon. Kung hindi ako nagkakamali ay… “May ensayo ako, riyan lamang makalagpas sa Plain of Ida.” Naalala ko ang sinabing iyon ni Rayne kanina nang magkasalubong kaming dalawa. Tila wala sa sarili akong napatakbo papunta sa sinasabing mayroong nakapasok na Frost Giant. “Haze, saan ka pupunta?! Delikado—”  Nilamon na ng hangin ang boses na iyon ni Alfredo. Hindi ko na siya narinig at patuloy lamang sa pagtakbo papunta sa timog na bahagi ng Asgard.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Abducted By My Twin Alien Mates

read
38.7K
bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.8K
bc

The Mystique Kingdom

read
36.2K
bc

The General's Grandson(TAGALOG/SPGR18+)

read
167.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
189.2K
bc

DARCY'S DADDY (BXB)

read
22.2K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
55.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook