Parang lantang gulay na umuwi si Glory sa Hacienda. Tahimik na ang buong lugar at natutulog na ang lahat. Madaling araw na siya nakauwi dahil nilinis niya pa ang buong Penthouse ni Ralph, iyon lang ang tanging magagawa niya upang makabawi rito kahit papaano dahil alam niyang galit pa rin ito sa kanya. Kumuha siya ng tubig sa ref at mabilis na sinalin iyon sa glass na baso at ininom, nahagip ng mata niya ang bote ng brandy na naroon kung kaya’t tinungga niya na lamang iyon, gusto niyang matanggal ang sakit na nararamdaman at makalimot.
Galit na galit siya sa sarili dahil nakita niya kanina kung gaano nasasaktan si Ralph sa nangyari at doble ang sakit na nararamdaman niya ngayon dahil pakiramdam niya ay napagsamantalahan siya. Naisip niya na kung talagang mahal siya ni Ralph ay hindi iyon gagawin ni Ralph sa kanya ngunit hinaras siya nito at puro galit lamang ang nararamdaman nito sa kanya kanina habang nakikipagtalik.
Nilasing niya ang sarili ng gabing iyon dahil hindi niya na naman malaman ang gagawin. Natatakot siya dahil alam na ni Ralph na tunay niyang anak si Cale at Cole at siguradong hindi ito titigil hanggat hindi nakukuha sa kanya ang mga anak. Nakadagdag pa iyon sa isipin niya kung kaya’t problemado siya.
Kailangan niyang umisip ng paraan at kung kinakailangan niyang magtago ay magtatago ulit siya kasama ang mga anak. Hindi niya alam kung anong nangyari sa pagitan ni Ralph at Luz ngunit ang concern niya ngayon ay ang mga bata.
Wala siya sa sariling nag impake ng mga gamit nila sa kwarto ngunit dumungaw sa pinto niya si Joaquin.
“Glory!”
“Joaquin, maaga pa, bakit gising ka na?” tanong niya kay Joaquin na napansin naman ang ginagawa niyang pag iimpake.
“What are you doing?” tanong nito ngunit hindi na pinansin iyon, “by the way, magbihis ka, tumawag sa akin si Renzo. His father, Mr. Romualdez passed away this morning,”
“What?!” gulat na tanong ni Glory na natigilan sa pag iimpake.
***
Hingal na hingal si Ralph na mabilis na nagmaneho papasok ng Mansyon ng mga Romualdez. Nagtatakbo pa siya papunta sa kwarto ng kanyang ama na ngayon ay nag aagaw buhay na. Naroon ang buong pamilya Romualdez at tila nag iiyakan, nakita niya rin ang anak na si Danice na nakasalampak sa sahig at nakasandal ang ulo sa kama habang umiiyak.
“Daddy,” kaagad niyang sambit at saka niyakap ang ama na nakaratay sa kama.
“Ralph, my boy, you’re here, I just have to see you… one last time,”
“Syempre naman Dad,” saad ni Ralph na tila naiiyak na dahil awang awa siya sa nakikita niya ngayon, hirap na hirap ang ama sa sakit nito.
“Kung anoman ang dahilan mo kung bakit hindi natuloy ang kasal ay sigurado akong para iyon sa ikabubuti ng lahat. I always believe in you, son,”
“Yes Daddy, it turns out that Luz is a fraud, and the child is not mine,” paliwanag ni Ralph.
“You did a great job, Kiddo,” saad ng ama at ginulo ang buhok nito.
“Pero Daddy, please, lumaban ka pa. May ipapakilala ako sayo, they are my real kids and they are twins too, just like me and Renzo,” saad niya sa ama habang mahigpit na hawak ang kamay nito ngunit isang mapait na ngiti ang binigay sa kanya ng kanyang ama.
“Son, my time is up, kahit hindi ko sila makita at makilala ay sigurado akong lalaki silang mababait at mabubuting tao dahil ikaw ang ama nila. Masaya na ako doon. You grow up in my guidance so I’m sure of it, kung ano man ang hindi ko nagawa ngayon ay tapos na,”
“Daddy naman,” saad ni Ralph na tuluyan ng umiyak ng tahimik.
“Don’t cry now, I know I did a great job in providing for this family, tapos na ang tungkulin ko, nagawa ko na ang mga nais kong gawin kaya masaya akong lilisanin ang mundong ito. Mag ingat kayong lahat mga anak ko, mahal na mahal ko kayo. Ralph, Renzo, magpaalalahanan kayong magkapatid at mahalin niyo ang isa’t isa, pakisabi rin na hindi na ako galit kay Bryan dahil wala naman siyang kasalanan, kapatid niyo siya kaya bantayan niyo rin siya,”
“Opo Dad, makakarating yan kay Bryan,” saad ni Renzo na siniguro iyon sa ama.
“And for you Adelle, I’m sorry for everything. I know I’m tough and strict but I just loved this family so much that’s why I keep on doing that all the time pero nanatili ka pa rin sa akin kahit nasasaktan na kita. Salamat sa pag stay sa buhay ko. Mahal na mahal kita, patawarin mo ako, papalayain na kita ngayon,” saad ni Mr. Romualdez sa ina ni Renzo at Ralph na si Adelle.
“Matagal na kitang napatawad, Mahal ko. I love you too and I’m sorry,” saad ni Adelle na humagulgol ng iyak.
“Goodbye for now,” saad ni Mr. Romualdez at saka dahan dahang ipinikit ang mga mata.
***
Kaagad na nagbihis at naghanda si Glory at Joaquin ng mga oras na iyon. Alam nilang kailangan sila ni Renzo ngayon bilang matalik na mga kaibigan kung kaya’t nagmadali na sila. Habang nasa byahe ay nagdadalawang isip si Glory kung pupunta ba siya pero naroon na siya sa loob ng kotse at nakalayo na sila sa Hacienda.
“Anong nangyari? Bakit kakauwi mo lang kaninang madaling araw? Anong ginawa sayo ni Ralph? Sinaktan ka ba niya?” sunud sunod na tanong ni Joaquin.
“Hindi, nag usap lang kami,” palusot ni Glory ngunit napansin ni Joaquin ang pamumula ng braso niya.
“Anong nag usap? tignan mo nga ‘yang braso mo, namumula, sinaktan ka ba niya? Sabihin mo lang, tutuluyan ko yang gago na yan!” saad ni Joaquin na nagbabanta.
“Ano ka ba?! Hindi noh! Hives yan, nangati lang ako kaya kinamot ko,” palusot pa ulit ni Glory.
“Sus, sa akin ka pa talaga nagsinungaling ah, kilalang kilala na kita Glory, tigilan mo ako, gago iyon ah, tignan mo ginawa sayo tapos pinagtatakpan mo pa rin, baka mamaya hindi lang ito ang ginawa sayo nyan ah, susuntukin ko talaga sa mukha yan,” saad ni Joaquin na naiinis.
“Alam niya na ang lahat. Naalala niya na ako at ang lahat ng mga ginawa kong kasalanan sa kanya,” pagtatapat ni Glory kay Joaquin.
“Oh tapos? Anong sabi niya?” tanong pa ni Joaquin na nakiusyoso.
“Hindi pa namin napag uusapan kasi nagmadali siyang magbihis kanina, iniwan niya lang ako doon sa Penthouse niya, hindi ko naman akalaing mangyayari ito na mamamatay bigla si Mr. Romualdez,” saad ni Glory na napayuko.
“I just don’t want you getting hurt, you know that, Glory,” saad ni Joaquin na sinsero sa kanyang mga sinasabi.