"Congratulations Ms. San Juan, you're 8 weeks pregnant… at kambal sila," saad ng OB Gyn na si Dra. Mendez, nakangiti ito habang patuloy na nakatingin silang dalawa sa monitor.
Nirecommend kasi sa kanya na magpa transvaginal upang makita nilang mabuti.
"I'm having twins?" tanong pa ni Glory.
"Oo ayan ohh, malinaw na malinaw sa monitor, indeed a blessing, mukhang okay naman sila at normal naman ang blood sugar mo," saad pa ni Dra. Mendez.
"Salamat po Doc," saad ni Glory.
"Wait reresetahan kita huh, bilhin at inumin mo na kaagad ang mga vitamins na 'to," saad pa ng OB.
"Sige po," saad ni Glory at naghintay habang nagsusulat ang OB niya ng reseta.
"Okay, bumalik ka next sunday, every sunday ang check up, hangga't maaari ay wag kang papalya para mas ma-monitor natin ng maayos ang kambal mo, okay?" saad ng OB.
"Sige po, I'll try my best," saad ni Glory na tinanggap ang binigay sa kanyang reseta.
“Okay, congratulations, Ms. San Juan,” saad ng OB.
“Salamat po,”
Paglabas niya ay napatingin siya sa reseta dahil marami pala ang ipinapabiling vitamins nito.
Papunta na siya sa kotse niya ng may isang lalaking biglang humigit ng braso niya at kinaladkad siya sa gilid. Pagtingin niya ay nakita niya ang galit na mukha ni Enrico Villanueva, ang kanyang ex husband, nakita nito ang hawak niyang reseta at inagaw iyon sa kanya at tinignan.
“Enrico ano ba! Give me that?!” singhal niya sa ex husband niya.
“Akalain mo nga naman Glory, buntis ka? Sinong ama niyan huh?!” saad ni Enrico na umiigting ang panga sa gigil at galit habang kinukumpronta si Glory.
“Wala ka ng pakialam doon!” singhal niya.
“Ah talaga?! Wala kang respeto, hindi mo man lang sinabi sa akin na buntis ka pala, ayos huh!” naiinis na sambit ni Enrico na mahigpit na ang hawak sa braso ni Glory.
“Pwede ba Enrico, hindi ikaw ang ama ng batang dinadala ko!” singhal niya na pilit na nagpupumiglas ngunit isang malakas na sampal ang natanggap niya mula sa dating asawa.
Hinablot pa ni Enrico ang magkabilang panga niya gamit ang malakas niyang kamay.
“Ang kapal ng mukha mong iputan ako sa ulo huh?! At talagang nagpabuntis ka pa sa ibang lalaki?! Napaka walang respeto mo! Sino yan huh?! Sino ang gago na yan, papatayin ko yan!” galit na galit na sambit ni Enrico.
Alam niyang hindi ito nagbibiro sa pagkakataong iyon at posible ngang mapatay nito si Ralph na ama ng batang dinadala niya. Bumalot sa kanya ang matinding takot sa isiping iyon.
“Bitiwan mo ako!” singhal niya na mabilis na nagpumiglas at tumakbo papalapit sa kotse niya ngunit nahawakan siya nito at isinandal siya nito sa gilid ng kotse.
“Hindi pa tayo tapos mag usap! Wag mo akong tinatalikuran pag hindi pa ko tapos magsalita!” singhal niya na hinigit na naman ang magkabilang braso ni Glory.
Kaagad na tumulo ang mga luha ni Glory dahil sa higpit ng pagkakahigit sa kanya ni Enrico.
“Ano bang problema mo?! Hiwalay na tayo kaya wala ka ng pakialam sa buhay ko ngayon!” singhal ni Glory.
“Ah, talaga ba huh Glory?! Kaka file lang natin ng divorce! Kung alam ko lang na ganito ang sasapitin nating dalawa, sana hindi na kita pinakasalan! Now settle with me in court dahil ayoko na! Nakakadiri ka! Pwe!”
“Ako pa nakakadiri? Hoy! Baka nakakalimutan mo, ikaw ang unang nagloko sa ating dalawa! Mas nakakadiri ka kaysa sa akin!”
“Napaka walang kwenta mo, ito tatandaan mo huh, without me, you’re nothing Glory! Wala kang makukuha sa akin kahit isang kusing!”
“Isaksak mo sa baga mo ‘yang pera mo dahil wala akong kukunin sayo at kahit lumuha ka pa ng dugo, hinding hindi ko sasabihin sayo kung sino ang ama ng batang dinadala ko!” matapang na saad ni Glory habang sinasamaan ng tingin si Enrico, bagama’t luhaan siya ay hinding hindi niya ng hahayaang saktan siya ng dating asawa.
“Pag nalaman ko kung sino ang gago na ‘yan humanda ka sa akin, papatayin ko yan Glory, hindi ako nagbibiro kaya itago mong mabuti ‘yang lalaki mo!” nanggigigil na saad ni Enrico, marahas niyang binitiwan si Glory at saka umalis.
Umuwi siyang luhaan sa Condo Unit na tinutuluyan niya. Hindi niya makayanan ang sakit at paulit ulit sa isipan niya ang mga naganap kaninang sagutan nila ni Enrico. Ang lahat ng mga sinabi sa kanya ng dating asawa ay parang isang libong kutsilyo na tumatarak sa kanyang puso. Hindi siya mapalagay, takot na takot siya, kailangan niyang makaisip ng paraan para hindi malaman ng dating asawa na si Ralph ang ama ng anak niya.
Bumuhos ang malakas na ulan ng gabing iyon at naroon siya sa kanyang condo unit ng mag isa at nakasalampak sa sahig, yakap yakap niya ang tuhod habang hawak ang cellphone niya, pinagmamasdan niya ang pagbuhos ng ulan sa kanyang glass window.
Maya maya ay narinig niyang nagri ring ang cellphone niya at si Ralph ang tumatawag kung kaya’t inayos niya ang sarili at sinagot ang tawag.
“Why are you calling me?! Stop calling me!” singhal niya sa kabilang linya ngunit naiiyak na talaga siya.
“Glory please, I called to check on you… teka, umiiyak ka ba?”
Nagulat siya sa tanong nito dahil hindi niya akalain na mapapansin pa nito iyon.
“Wala ka na doon! Ano ngayon kung umiiyak ako? Pakialam mo?!”
“Nasaan ka? Pupuntahan kita,”
“Bakit?! sinabi ko bang puntahan mo ako?!”
“Glory, Baby, please? Alam mo namang ayokong umiiyak ka eh, that’s one of my weakness, nasaan ka ba kasi?”
“Nasa condo unit ko,”
Bagama’t nahihiya ay nilakasan na ni Glory ang loob dahil alam niyang kailangan niya rin si Ralph sa mga oras na iyon.
“Saan yan? Text me the exact address, pupuntahan kita, I’m getting my keys right now,”
“Okay,”
Iyon lang at pinatay na ni Glory ang tawag at ibinigay kay Ralph ang address ng Condo unit niya.
Ilang sandali lang ay dumating na si Ralph, bukas naman ang pinto ng Condo niya kaya hindi na nag abalang kumatok si Ralph at pumasok na lang, naabutan niya si Glory nanakasalampak lang sa sahig at nakasandal sa gilid ng kama nito habang umiiyak pa rin, kaagad niya itong niyakap pagdating niya.
“What happened Baby? Sinong nagpaiyak sayo?” nag aalalang tanong ni Ralph dahil napahagulgol na ng iyak si Glory.
Sumubsob siya sa dibdib ng binata at ibinuhos ang lahat ng sama ng loob niya, iniyak niya ng iniyak iyon kay Ralph habang si Ralph naman ay nakayakap lang sa kanya.
“Tell me what happened, ayokong nagkakaganyan ka,” saad ni Ralph.
“It’s nothing, nothing really,”
“Nothing pero humahagulgol ka pa? Wag mo nga akong paglaruan Glory, hindi na tayo bata!” singhal ni Ralph na inis na inis.
“This is a mistake, dapat hindi ka nalang pumunta dito, get out now,” saad ni Glory.
Naisip niya kasi ulit ang pagbabanta sa kanya ni Enrico na papatayin ang ama ng anak niya, napakalas siya sa pagkakayakap kay Ralph at tumalikod, habang hawak hawak ang tiyan niya.
“Come on, I’m not leaving you, I will stay here, just like I did on the ship,” saad pa ni Ralph na nanindigan kay Glory.
“No, hindi mo naiintindihan Ralph, we can’t see each other anymore,” saad ni Glory na napaiyak na naman.
“Just tell me what’s wrong, look at you! I hate seeing you like that! You look like a beautiful mess right now Glory,”
“It’s over between us Ralph, go now, leave me alone, you shouldn't be here,” saad ni Glory na napayuko at napapikit ng mariin habang tinataboy si ralph, malapit na sila sa pinto ng yakapin siya nito ng mahigpit.
Nanghina siya sa mga bisig ng lalaki, alam niyang iyon ang kailangan niy angayon, isang karamay, isang tao na magpapagaan ng loob niya, ngunit nag aalala siya para sa lalaking pinakamamahal.
“Glory, I’m staying here…” saad ni Ralph at hinubad ang suot na leather jacket, nagulat pa siya ng hubarin nito ang suot na v neck t shirt, napatingin siya sa malapad nitong dibdib at sa pumuputok na abs.
“What are you doing?” tanong niya sa binata ngunit hindi ito sumagot bagkus ay ninilapit nito sa kanya ang katawan nito at hinigit siya nito sa baywang.
“Damn it Glory, no! Kambal na nga ang anak mo sa lalaking ‘yan, pinagnanasaan mo pa rin?! Keep your thoughts to yourself and behave! Be a good girl, don’t have s*x with him tonight!” saad ni Glory sa isip na pinapagalitan ang sarili ngunit ikinulong na siya ni Ralph sa mga bisig nito at sinibasib na nito ang kanyang labi, maingat iyon ngunit malalim, nag iinit na siya dahil sa sarap ng halik na iyon ni Ralph dahil inilalabas pa nito ang dila at ipinapasok sa kanyang bunganga.
“Ral uhmmp,” hindi na niy aitong mapigilan dahil nakapikit na ito at nadadala na rin siya sa mapusok nitong labi na lumalapastangan sa kanya ngayon.
Hinahaplos haplos pa nito ang kanyang pisngi.
“I’m staying here with you tonight, Glory,” saad pa nito at saka muli siyang pinupog ng halik ngunit nagawa niyang kumalas.
“Ralph, stop, please,” pagmamakaawa niya, nagawa niya pang lumayo rito at lumakad papunta sa kama ngunit niyakap siya nito mula sa likod at saka dahan dahan siyang inihiga nito sa kama.
“No one can stop me now, tayo lang namang dalawa nandito eh,” saad pa ni Ralph at muling hinalikan ang dalaga.
Unti unti ng hinubad ni Ralph ang suot niyang roba at nighties.
“Could you be gentle, please?” pakiusap ni Glory dahil natatakot siya dahil baka mapano ang ipinagbubuntis niya.
“Okay, I’ll be gentle,” saad nito at saka tuluyang hinubad ang suot niyang lace panty.
She gave in, again. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya sa nangyayari.