Prolouge

303 Words
Prolouge Alfonso Mendez is a Police SuperIntendent. He is righteous man, and is willing to serve the country and its people with his whole life. He is a very hardworking man. Wala na nga siyang naging panahon para sa ibang bagay, lalo na maging sa babae man. He doesn't like wasting his time. For him, every second counts. Kapag wala siyang trabaho, nag-iikot-ikot pa rin siya para siguraduhing walang maglalakas ng loob na magpasaway at magloko sa nasasakupan niya. He's been busy with work for the past ten years. Akala niya nakalimutan na niya ang babaeng nakilala niya noong nagsisimula pa lamang siya sa pagiging pulis. Pero hindi pa rin pala. - Nala Bumakarawa comes from a tribe. Anak siya ng pinuno ng isang tribu sa isla ng Balahad. Malayo sila sa kabihasnan at ilag sila sa ibang tao. Bata pa lamang, ramdam na niya na hindi siya nagmula sa tribu na kinalakihan niya. Wala mang sinasabi sa kanya ang mga magulang, alam niya na hindi siya nito tunay na anak. Sa kulay pa lamang ng balat niya, sa kulay ng mga mata, alam niyang may kakaiba sa kanya.  Nagbago ang lahat nang makilala niya ang isang lalaking bihag ng tribu nila. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isipan niya ng mga oanahon na 'yon, ngunit hiniling niya sa ama na huwag patayin ang lalaking bihag at gawin na lamang niya itong asawa.  Ang lalaking dayo ang susi ni Nala para makatakas sa mundong hindi niya kinabibilangan. Gagamitin niya ang lalaking ito para sa kanyang plano. Ang matagal na niyang pangarap na makalabas at masilayan ang tunay na mundo. Ang mundo kung saan pinaniniwalaan niya mas nababagay para sa kanya. Si Nala nga ba ang gagamit sa lalaking bihag, o siya ang gagamitin nito para makaligtas sa tribu at tuluyang makatakas?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD