LUMAYO kaming dalawa ni Tito Hati upang makapag-usap ng pribado. Abot-abot pa rin ang tahip ng aking puso. Hindi ako ni kailanman pinagsalitaan ng masakit ni Tito Hati. Ang pinaka-worst na siguro na natanggap ko sa kanilang pamilya ay ang sampal ni Tita Adira, but I understand that. Anak niya ang pinag-uusapan dito. “Pagpasensyahan mo na si Adi, lalo na sa pagsampal niya sa ‘yo noong nakaraan,” panimula ni Tito Hati. Mukha mang may pagsisisi ang kanyang sinabi pero wala kang makikitag kahit anong emosyon sa kanyang mukha, which made it hard for me to read him. “Dala rin siguro ng matinding emosyon kaya’t nasabi niya ang mga iyon noon sa ‘yo at kaya…nagawa ka niyang saktan.” “Naiintindihan ko po, Tito.” Nagdesisyon na akong tatanggapin ko ang lahat ng masasakit na salitang bibitawan nila