“OKAY lang ba talaga na sa penthouse mo ako tumira?” Papunta na kami ngayon ng Manila. Ang pagpapaalam ko pa kina Yaya Ruth ay naging emosyonal dahil biglaan ang pag-alis ko. Ayoko pa mang umalis ngunit ayoko rin na abutan ako rito ng mga tauhan namin at madamay pa sina Yaya Ruth. “Oo, you have limited money for now, right? Kaysa mag-hotel ka pa, sa penthouse ka na lang tumira.” Tumingin sandali sa akin si Yago bago ibalik sa pagmamaneho. “Mas gusto ko iyon.” Ngumiti ako sa kanya. He’s been a big help to me. “Sabi mo nawala ang phone mo? Should we buy a new one? Gusto mo dumaan muna tayo sa mall or I can call my secretary para sila ang mag-asikaso nito.” Agad ko iyong tinanggihan. “Huwag na, Yago. Wala rin naman akong nakakausap doon. Kahit wala ay okay lang sa akin.” “Ako,” sabi sa