PINAGMAMASDAN ko pa rin si Zeke. Hindi ko maipaliwanag pero para talagang nakita ko na siya ngunit hindi ko maalala. “Aiselle…” Halos ibulong ni Yago ang pagtawag niya sa pangalan ko. Nilingon ko siya kahit na lumilipad pa ang isipan ko kay Zeke. “Huh?” Hinaplos niya ang magkabilang braso ko. Napatingin ako sa lalaking nanunuod sa amin at nakita ko ang mabilis na pagbabago ng ekspresyon niya. Kita mo ang pagkagulat dito, na akala mo’y hindi niya inaasahan na masaksihan ang ganito. “I’ll see you later, okay? Kakausapin ko lang ang pinsan ko.” Pinsan niya? That explains it! Baka dahil pareho sila ng angkang pinagmulan kaya’t may similarities sila ni Yago at iyon ang nakikita kong pamilyar sa kanya. But something’s still bothering me, hindi ko lang ma-pinpoint. “Okay…” Tumango ako at n