LUMAPIT ako sa gate pero hindi ako lumabas. Gusto ko lamang masigurado na walang gagawin si Dad kay Yago at marinig na rin kung anong pag-uusapan nila. “I want to talk to Aiselle, Tito—” “He doesn’t want to see you. Umalis ka na.” Nakakalma ako nang marinig ko ang kalmanteng boses ni Dad. Nakakasigurado ako na pinakinggan niya naman ang pagmamakaawa ko kanina. “Kailangan ko siyang makausap, Tito!” Nagkagulo sa labas kaya’t alam ko na nagpumilit si Yago na pumasok sa bahay namin. Narinig ko ang boses ng mga Tito namin na pinipigilan si Yago. “Ilang ulit ko bang dapat sabihin sa ‘yo na hindi nga kayo puwede! Magpinsan kayong dalawa! Namili na si Aiselle na tapusin ang lahat sa inyo—” “That was because you blackmailed her, Tito!” Yago’s voice was thunderous. Nanginig ang aking katawan