KABANATA 30

2360 Words

NATANAW ko kaagad si Yago. Nakaupo siya sa isang wooden bench. Napatigil ako sa aking paglalakad nang makita ko siya. Para bang may nagsasabi sa akin na huwag na akong tumuloy at umalis na lamang dito dahil alam kong…kapag humakbang pa akong muli papalapit sa kanya, ito na ang huling pagkakataong kakausapin ko siya. Iyak ako nang iyak kagabi nang mapagdesisyonan ko ang lahat. Ngunit bukod sa sakit na nararamdaman ko, matimbang ang kagustuhan kong patahimikin na ang buhay naming dalawa. I don’t even want to recall what happened last night. Dahil sa relasyon namin ni Yago, nagkakagulo ang pamilya namin. Dahil sa akin, nasasaktan siya ni Dad. Huminga ako nang malalim at pinigilan ang umiyak. Tapos na akong umiyak kagabi kaya kailangan kong maging matatag at huwag mag-breakdown sa harapan ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD