NAGISING ako sa kalagitnaan ng aking pagkakatulog. Nakaramdam ako ng panunuyo ng lalamunan kaya’t naisip ko na lumabas ng kuwarto at magtungo sa kusina. Marahan kong tinanggal ang braso ni Yago na nakapatong sa may tiyan ko. Dahan-dahan akong umalis sa kama at lumabas ng kuwarto. Magaan ang aking paghakbang sa hagdanan hanggang sa makarating ako sa unang palapag at papunta na sa kusina ng bahay. Kumuha lamang ako ng baso at nagsalin ng tubig galing sa ref. Habang abala ako sa pag-inom ay parang may nahagip ang gilid ng aking mata na dumaan sa may sala. Agad ko iyong tiningnan pero wala naman akong nakitang tao. Inisip ko na lamang na baka guni-guni ko lamang iyon. Ipinagpatuloy ko ang pag-inom sa baso ko at nang maubos ang laman ay agad ko itong hinugasan. Kakabukas ko pa lamang ng g