“DAD, saan ka papunta?” Napansin ko na may ilang gamit si Dad na dala. Hindi lang iyon, maging si Mommy rin pala. Kapag ganito na magkasama silang aalis, madalas ay tungkol sa trabaho. “We’re going to Malaysia. Just for a few days, do you want to come? May oras pa naman, I can book you a plane ticket.” Umiling ako kay Dad. Awtomatiko kong naisip na magandang oportunidad ito sa akin para makasama si Yago. Hindi ko alam kung bakit natutuwa ako na aalis sina Dad. Still, itinago ko ang kasiyahan kong iyon dahil baka makita nilang dalawa. “Hindi na po. Okay lang po ako rito. Mga ilang araw po kayong mawawala?” Lumapit ako sa kanila at pinagmasdan ang mga gamit na dadalhin nila. Marami-rami rin pala iyon. “Just for few days. May aasikasuhin lang kami.” Nilapitan ako ni Dad at niyakap. Nap