KABANATA 23

2684 Words

HINDI kami sabay ni Yago na pumuntang garden. Obviously, kapag nakita kami ng pamilya namin na magkasama, magwawala ang mga ito. Nauna ako dahil ang sabi ni Yago ay hihintayin niya pa raw ang mga pinsan niya, para na rin hindi kami mapansin na nag-usap at magkasama kanina. Naupo ako sa tabi ni Mommy. Mukhang nagsisimula na silang magkuwentuhan ng mga nangyari sa buhay nila. Panay lamang ang pag-inom ko ng tubig. Ngumingiti ako sa tuwing binabati ako ng mga kamag-anak at minsan ay pasimpleng tumitingin sa pinto upang tingnan kung makikita ko ang pagpasok ni Yago. Ilang sandali ngang paghihintay ay natanaw ko na sila. Magkatabi at sabay sina Yago at Zeke sa paglalakad. Ang dalawa pa niyang pinsan na sina Luciel at Gareth, maging ang kapatid niyang si Azriel ay kasunod nila. Agad silang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD