MAYROON na akong ginagamit na cellphone ngayon para matawagan si Yago. Ilang linggo na rin kami rito sa Santa Elena at so far, tahimik naman ang buhay namin. Minsan nga lang, hindi ko maiwasang maasiwa kay Carol kapag nakikita ko siya lalo na kapag nakikita ko na para bang pinagnanasaan niya si Yago sa tuwing makikita niya ito. I don’t like how she stares at my husband. Oo, aangkinin ko talaga si Yago. Pinangakuan niya ako at hindi man kami opisyal na nagpakasal, para na rin kaming nagpakasal na dalawa! Akala ko rin noong una ay si Carol lamang ang aking poproblemahin sa lugar na ito, ngunit ang babae ay may mga alipores pa pala. May mga kaibigan si Carol na sina Ivy at Jessie. And yes, kaugali niya. Lalo niya tuloy napatunayan ang kasabihang: “Birds with the same feather flock together.