UNA: “How they met.”
“ANO, Jesse? Handa na ang conference room?” the twenty-two year old Brianna Angelisse Lim in her office suit asked one of her associates via phone call.
“Handang-handa na po, Miss Yana.”
“Great. Hintayin ninyo lang at mayamaya isa-isa nang magsisidatingan ang executives ng Madisson Homes, Inc. pati na ang board ng Lim Construction especially the Chairman.”
And the Chairman, Founder, and owner of the said construction company is no other than her father. Sebastian Lim in his late fifties.
“Yes, Miss. Prepared na rin ang lahat ang mga ushers para salubungin at i-welcome sila.”
“Good good,” nakatangong feedback niya.
Tinapos na niya ang tawag at napansin kaagad niya ang paparating niyang assistant. Mukhang nagmamadali ito, natataranta, and bothered.
“Val, I already called Jesse and everything’s settled. Pupunta na rin ako doon ngayon dahil baka mayamaya lang darating na si dad pati na ang mga taga-Madisson. This is a big project and they will be a big client if ever na makumbinsi sila ng Lim Construction na makipag-partnership sa atin and let our services build their subdivision homes kaya let’s pray for our luck na makuha natin ang ‘Yes’ nila ngayong araw for the offer of our services to their huge businesses.”
Tumango-tango lang naman si Valerie pero taranta pa rin talaga ang mukha.
“Anyway, pakihabol na lang ng notes and pen ko doon sa conference. Dalian mo ha habang hindi pa sila dumarating at hindi pa nag-uumpisa ang meeting, okay?”
“Okay. Okay po, Miss,” hinihingal na sagot nito.
“Teka, ba’t ba mukhang tarantang-taranta ka diyan? Okay ka lang ba? Ano bang nangyayari sayo?”
“Eto na nga, Miss Yana. Kanina ko pa gustong sabihin sayo yung nakita ko…”
Nag-alala ako. I can sense there’s something wrong. “Ano ‘yon, Val?”
“Miss- Miss kasi po may- may lalaki doon sa rooftop po, Miss. Kitang-kita ng dalawang mga mata ko, nasa egde na po siya at mukha po yatang may balak na magpakamatay.”
Nagimbal siya sa sinabi ng kanyang assistant. “Ano?! May lalaking magpapakamatay doon sa rooftop?”
Tumango-tango si Valerie.
“Sino siya?”
“Ewan ko, Miss. Hindi ko makita mukha niya kasi po nakatalikod sa akin eh, pero bagsak ang mga balikat at parang kay bigat ng pinapasan sa buhay, kaya nga po ako nagmamadaling puntahan kayo kasi baka matulungan nating masalba pa yung buhay nu’ng taong ‘yon.”
Sa sinabi nito’y mas kinabahan lamang si Brianna sa maaaring mangyari kaya wala na siyang sinayang pang pagkakataon at kaagad na tinungo ang hagdan. Dalawang palapag na lamang naman mula rito sa kanyang kinaroroonan ay tuktok na ng mataas at matayog na building ng Lim Construction Company. Hindi na siya nag-abala pang mag-elevator dahil pakiramdam niya’y mas mabilis pa kung tatakbuhin na lamang niya, isa pa’y baka may tao pa roon sa loob kaya maghihintay pa siya ng ilang saglit. There’s a person on the rooftop that needs to be saved immediately!
Nakarating siya sa tuktok at nakita nga ang lalaking nakatayo roon na isang maling galaw na lang ay mahuhulog ito mula sa kataasan ng napakatayog na gusali. Nakatalikod at mukhang wala nga ito sa sarili nito. He may be depressed sa kung ano mang pinagdaraanan nito ngayon sa buhay nito.
“Huwag!” sigaw niya para maagapan ang lalaki sa binabalak gawin at nang makuha ang atensyon nito.
Unti-unti itong lumingon sa kanya. He looks so brokenly handsome and so miserable.
“Huwag mong gagawin ‘yan. Huwag kang tatalon. Hindi solusyon ang suicide para matakasan ang mga problemang pinagdaraanan mo ngayon sa buhay mo.”
“Hindi solusyon?” tanong nito saka mapaklang ngumiti. “Nasasabi mo lang ‘yan dahil hindi ikaw ang nasa posisyon ko ngayon, dahil hindi mo pinagdaraanan ang bigat ng pinagdaraanan ko ngayon.”
“Hindi man ako ikaw pero maniwala ka, naiintindihan kita. Naiintindihan ko kung bakit ganyan ka’t akala mo madadala mo ang lahat sa bastang pagtapos na lamang ng buhay mo, pero kaya nga tayo nabubuhay para lumaban sa mga hamon, ‘diba? Paano ka pa lalaban kung basta mo na lamang tutuldukan ang sarili mong buhay?” pagpapaintindi niya rito, minumuwestra pa ang mga kamay upang mas maipatindi rito ang nais niyang iparating.
“Ayoko nang lumaban. Pagod na ‘ko.” Umiling-iling ito at akmang mag-iisang hakbang nang takot na takot na sumigaw siya ng ‘Huwag!’ kaya ‘di nito tinuloy.
“Nakikiusap ako, huwag! Isipin mo na lang, paano na yung mga mahal mo sa buhay? Paano na sila kapag nawala ka? Paano ang pamilya mo? Ang girlfriend o asawa mo-“
“Single ako, Miss,” putol nito sa kanya.
“Fine. You’re single. Pero tulad nga ng sinabi ko, paano na lang yung mararamdaman ng pamilya mo? Ng mga kaibigan mo kapag nawala ka?”
He just shrugged his shoulder. “I don’t think they would mind at all-“
“Of course, they would mind! Akala mo lang hindi, akala mo lang wala silang pake sayo, but of course, they would mind and they would grieve so much kapag tinuloy mo ‘yang binabalak mo!”
Hindi ito sumagot, seryosong tinititigan lamang si Brianna.
“Hindi ka man lang ba natatakot? Hindi ka man lang ba natatakot sa magiging pasakit na iiiwan mo sa mga taong nagmamahal sayo kapag tinapos mo buhay mo? Hindi ka ba natatakot sa consequences? We never knew, baka imbes na matakasan ang problema’t mga pinagdaraanan mo’y mas masadlak ka pang lalo sa walang hanggang paghihirap. And aren’t you even afraid of the Almighty? Hindi ka ba kinikilabutan man lang tuwing maiisip mong basta mo na lamang puputulin yung regalo ng buhay na binigay Niya sayo?”
Sa muli ay hindi ito nakasagot kay Brianna, malalim lamang na nakatitig sa kanya at mukhang unti-unti na ring nahihimasmasan dahil sa mga pinapayo niya.
Unti-unti niyang nilapitan ang lalaki, ayaw niyang biglain ito dahil baka magulat ito at isang maling galaw ay mahuhulog talaga ito. Unti-unti siyang lumapit, pinararamdam dito na safe ito sa kanya at hindi niya ito huhusgahan. Nang makalapit ay nilahad niya ang kanyang palad.
“Hawakan mo ang kamay ko. Kung malungkot ka, frustrated ka, brokenhearted o depressed, hawakan mo lang ang kamay ko. Makikinig ako sayo. Handa akong makinig sayo, ‘di kita huhusgahan. Makikinig ako sayo kung wala kang ibang mapagsasabihan ng problema mo, nandito lang ako.”
“Talaga? Pakikinggan mo ‘ko? ‘Di mo ako huhusgahan?”
She smiled the friendliest way and gently shook her head. “Hindi kita huhusgahan at oo, makikinig ako sayo.”