PANIMULA
“Dad, what if I’ll lose my intelligence? Will you be disappointed?” tanong ng twenty-two anyos na si Brianna sa kanyang ama.
Her father smiled and gently shook his head. “Never will I be. Whatever may the consequence be, I’ll accept it wholeheartedly basta mabuhay ka lang, anak.”
She was purely touched and starting to be emotional again, but she held back her tears. Ilang ulit na niyang pinaalala sa sarili na hindi na siya iiyak at ipapakita na niya sa mga taong umaasa sa paggaling niya na handang-handa na siyang lumaban.
“Huwag mo nang intindihin pa ‘yon, anak. Ang importante’y mabubuhay ka at makakasama ka pa namin ng daddy mo ng matagal. ‘Yon na lang ang isipin natin,” her mom comforted her too.
Brianna is currently lying on the hospital bed with her loved ones beside her.
She is recently diagnosed with brain tumor and she is battling so hard since they’ve found out. Sa totoo lang, second year college palang siya noon nang nakakaramdam siya ng kakaibang pagbabago sa kanyang katawan at kung paano siyang mag-isip, hindi lang talaga niya binigyang pansin. Madalas siyang nagiging makakalimutin, she didn’t mind at all, kasi in some instances normal lang naman talaga ang gano’n kapag stress at kulang sa tulog dahil sa mga requirements at deadline na hinahabol. Madalas na ring sumakit ng sobra ang ulo niya’t hindi miminsang nahihilo o nagsusuka siya, she really thought they were just simple colds and seasonal fever, nadadala naman kasi sa pain relievers na minsang nirekomenda sa kanya ng isa sa mga kaklase na effective daw sa common colds nito. She wasn’t aware na may nade-develop na palang abnormal cells on the parietal lobe of her brain structure.
Years later and now, her symptoms worsen. Madalas na napaka-unbearable na ng p*******t ng kanyang ulo na ito na ang gumigising sa kanya very early in the morning, nahihilo at nagsusuka na kahit pain reliever ay hindi na nagre-respond. Her confusion as well is getting so bad lately, nakakalimutan niya ang mga bagay-bagay na hindi naman nangyayari sa kanya when she was in high school and her memory was tight. Slurred speech is often observed too, to the sense na hindi na niya nasasambit ng tama yung mga salitang fluent na fluent naman siya sa pagpo-pronounce dati. Those are some of the neurological effects ng pagkakabuo ng tumor sa kanyang utak.
“Besides, friend, ‘di naman daw maaapektuhan motor skills and natural intelligence mo, ‘diba?” ani Danelle na best friend niya.
Ngumiti siya’t tumango. Somehow, that really comforted her. Sa lahat ng symptoms na nararamdaman niya, ‘di naman nakasali ang pamamanhid ng anumang bahagi ng kanyang katawan o kaya nama’y pagkakalabo ng kanyang mga mata. Sabi nga ng neurologist niya, symptoms or effects really depend on the size and location. Nagpapasalamat siyang kahit papaano’y dinapuan siya sa parte ng utak niya na hindi maaapektuhan yung mga mata niya. She has always been afraid of losing sight on beautiful things the world has to offer.
“Natatakot ka ba?”
Napadako ang kanyang mga mata kay Benjamin, nasa mukha nito ang labis na pag-aalala habang hawak-hawak ang kanyang kamay.
She is a hundred percent sure, she will not lose her sight and she will see Benjamin right after her brain surgery succeeds, but there’s a huge percentage that she will not remember him.
The neurosurgeon that is assigned to do her surgery said that one of the high risk factors on the surgery is that she will lose her memories. Her gained memories and life experiences. Pupuwede daw na after surgical operation, magiging isip 12 years old siya. Meaning, yung mga taong nakilala niya on her thirteenth year and above ay hindi na niya maaalala pa. And she only met Benjamin few months back! Ibig sabihin, kapag nga nakalimot siya’y isa si Benjamin sa mga taong ‘yon. Ayon sa doktor, depende raw talaga sa mga matatamaan na parte ng utak niya on the surgery ang magiging epekto ng pagkawala ng memorya niya, and what’s worse is she could possibly think like five years old and below after it!
After thorough examination done on her, she has been given seventy percent of survival rate. Malaki ang posibilidad na maging successful ang surgical operation na gagawin sa kanya to remove the tumor on her brain, but the remaining thirty percent is still no joke to just shrug on to. Benign but still life threatening kapag hindi kaagad natanggal. Mabubuhay siya ulit ng normal at maaring hindi na ma-experience ulit yung mga neurological symptoms na present ngayon pero ‘yon nga ang malaking posibilidad na magiging kapalit, ang makalimot siya ng tuluyan.
Mapait na ngumiti si Brianna sa minamahal. “Kahit sino naman sigurong nasa posisyon ko ngayon ay matatakot kapag ganito.”
Retrograde amnesia. ‘Yon ang type ng amnesia na maaari niyang danasin pagkatapos ng operasyon. Typically forgetting the old and mostly, the recent memories. And there’s no assurance na mababalik pa umano yung mga alaala niya. Yes, she may form another life experiences and memories after the operation and remember them ‘til she gets old but there’s no clue if she would still remember those memories she had before the operation. Mahirap ipaliwanag, hindi naman kasi ito yung tipong tila napapanuod niya sa mga telenovela na ibubunggo at ibabagok lang niya ng malakas ang ulo niya sa pader ay babalik na ang mga alaala niya. She will not also lose her memories due to an accident kaya maaaring hindi rin anumang aksidente ang makakapagpabalik pa ng memorya niya. There’s a possibility that she will have her memories back in a span of time and also a possibility that she will never be able to have them back again.
Marahang tinapik niya ang kamay ng nobyo. “Hindi naman talaga yung proseso ng operasyon ang labis kong kinatatakutan eh. I am well-aware that the process will be long and painful. Isa lang naman talaga yung kinatatakutan ko sa lahat, ‘yon ay ang makalimutan kita. Na baka makalimutan ko ‘yang masayahin at gwapo mong mukha, na makalimutan kong minsang may Benjamin na dumating sa buhay ko at hindi ako iniwan, at na baka makalimutan ko kung gaano kita kamahal. Natatakot akong kasabay ng paggaling ng utak ko, yung puso ko naman yung mawawala sa akin…”
Oo nga’t sinabi na niya sa sariling hindi na siya iiyak ngunit hindi niya mapigilang maluha tuwing iniisip na makakalimutan niya ang pagmamahal sa lalaking mas pinatapang at pinatatag siya sa laban ng buhay. Yung mga magulang, nandiyan lang ‘yan, makalimutan man niya’y mararamdaman pa rin naman niya dahil iisang dugo ang nananalaytay sa kanila pero si Benjamin… si Benjamin, takot na takot siyang makalimutan ito. Paano na lang kapag ang isip ay hindi nakisama sa puso pagkatapos ng operasyon?
Nangilid din ang mga luha ng lalaki, mahigpit na mahigpit ang hawak sa kanyang kamay. Tulad niya’y nagpipigil lamang ito ng pag-iyak dahil gusto nitong ipakita sa kanya na kailangan nitong maging malakas at tatagan ang loob para maging matapang din siya sa labang kakaharapin.
He smiled passionately to cheer her up. “Remember what was once the doctor assured us? You might lose your memories but never your soul, Yana…”
Pumikit siya’t tumango saka ngumiti, pilit na pinalalakas ang loob alang-alang sa mga taong umaasang malalagpasan niya ang pagsubok na ito.
“Kaya nga eh. I might lose my memories but I would still be a good daughter to my parents and will remain a sweet fair lady, right?”
Tumango ito sa kanya at naging mas positibo. “Right.”
“Basta ha, kung hindi man ako makaalala, huwag na huwag kang magtatangkang sukuan ako, okay? Gawin mo lahat nang maalala ulit kita. Yung mga sweet photos natin together, yung mga video records ng mga naging travel goals natin, yung naging pananalig at pagmamahal natin sa isa’t-isa gamitin mo lahat ng ‘yon para unti-unting ipaalala sa akin na ikaw ang lalaki sa buhay ko, Benjamin. Please, please never give up on me. Okay?”
He kissed her hand as he nodded. “Yes, I will do anything and whatever it takes to take you back and your memories back, love of my life.”
“Kung maging kasuko-suko man ako, huwag na huwag mo pa rin akong susukuan ah? Dapat maalala ulit kita. Gusto kong maalala ka ulit, Benj.”
She knows it’s kind of selfish to ask him not to give up on her kung maging kasuko-kuso man nga siya pagkatapos ng magiging resulta sa operasyong gagawin sa kanya, but she really doesn’t want to forget him. He is so dear to her that it pains her knowing she might not remember him forever…
“Kung hindi nga kita nagawang sukuan kahit nang malaman ko ang tungkol sa kundisyon mo, ngayon pa kayang alam kong mabubuhay ka’t makakasama pa kita ng matagal? Hindi kita susukuan, Yana. Kung may isang taong magpapaalala sayo ng lahat at kung gaano ka kabuting tao, kung gaano ka kabuting babae at kung gaano ka kamapagmahal, ako ‘yon, Yana. Tutulungan kitang makaalala hanggang sa bumalik ulit ang lahat sa dati, gaya noong una tayong magkakilala at una kitang minahal.”
‘Yon ang pinanghawakan ni Brianna nang sa wakas ay dumating ang araw ng kanyang surgical operation. Kinakabahan siya, nanginginig ang kanyang buong katawan habang hawak-hawak ni Benjamin ang kanyang kamay nang ipasok siya sa Operating Room. Kung pupuwede nga lang na huwag bumitaw sa nobyo ay gugustuhin niyang hawak nito ang kanyang kamay habang sinasagawa ang pag-oopera sa kanya pero hindi puwede ‘yon dahil hanggang sa labas lamang ang mga mahal niya sa buhay. Siya lamang ang allowed na pumasok sa OR at ang mga doktor na magsasagawa ng operasyon niya.
The doctors and her neurosurgeon gave a way to her first para ihanda ang kanyang sarili at magdasal bago siya turukan ng anesthesia at ng pampatulog. She prayed for her safety and successful operation, she prayed as well for her memories, na sana talaga magkamilagro at huwag na lang mawala ang mga ‘yon pagkatapos ng operasyon…
Benjamin and Brianna’s parents and best friend went back and forth to the hospital’s chapel and outside the operating room, nagdadasal at naghihintay ng balita sa kasalukuyang on-going operation sa dalaga. It took almost 5 hours before the neurosurgeon and a doctor came out of the OR.
“Doc, how’s my child? Is she safe now?” ang ama ni Brianna ang pinakaunang nagtanong.
“Nakuha ninyo na ba ang tumor niya? She will be alive and will be with us longer, right?” ang ina naman niya.
The neurosurgeon positively nodded as he removed his surgical mask to communicate well. “The tumor has been finally removed. She is now safe and surely, she will live long.”
Pare-pareho silang lahat na nakahinga ng maluwag at tila nabunutan ng tinik sa kanilang mga lalamunan. Hearing the very good news that Brianna will be able to live long is such a relief!
“As of now, some neuro doctors and nurses left inside the OR will watch her and observe her progress until she will be sent to the Post Anesthesia Care Unit so that she will recover there, and the team will immediately inform you within the day or the other once she is transferred to Neuro ICU where you can finally see her. Once she is a hundred percent fine, she will finally be sent to a Private Room where you will wait for her to wake up.”
The day took almost a year for all of them while waiting for Brianna. They were all anticipated and excited to finally see her opening her eyes and to talk to them again.
Tulad ng inaasahan, dumating din ang oras ng pinakahihintay nila. They are all present when Brianna firstly opened her eyes after the successful brain surgery.
“Brianna anak, nagising ka na rin sa wakas!” it was her father who was teary-eyed on so much happiness.
“Anak, thank God finally!” her mother was in the same level of happiness and gratitude.
“My, dy…” she uttered.
“Nakikilala mo kami, anak?” tanong ng mommy niya.
She nodded plainly. “Of course, mom.”
“Ibig sabihin, hindi nga nawala memorya mo kahit na naoperahan ka?” si Danelle man ay masayang-masaya.
Nangunot ang noo ni Brianna sa sinabi ng babaeng kasama ng kanyang mga magulang.
“Ibig sabihin hindi mo ako nakakalimutan, Yana?” ani Benjamin, and he was very hopeful.
He tried to reach for her hand pero kaagad nitong nilayo ang kamay sa kanya. Walang anumang reaksyon ang makikita o mababasa sa mukha ng dalaga, blangkong-blangko.
That gesture made her parents look at each other, lalo na si Benjamin na natitigilan.
“Anong sinasabi mo? Sino ka?” tanong nito saka bumaling din sa best friend nito. “Sino kayo?” Takang-taka itong tiningnan ang mga magulang. “My, dy, anong sinasabi nila? Sino sila? Saka- saka bakit hahawakan ng lalaking ‘to ang kamay ko?”
Nuon lang tuluyang nag-sink in kay Benjamin lahat. Life’s not really a fantasy and sometimes miracles wouldn’t be granted no matter how you asked for it. This is reality, and he needs to face it. He needs to face the successful operation’s consequence on Brianna, and that is her losing her memories including him and those memories they created together.
“Nak, siya si Benjamin. Ito naman si Danelle, ang best friend mo. Hindi mo ba talaga sila naaalala?”
Tiningnan lamang ng babae ang ina sa tanong nito.
Benjamin tried his best to get nearer to her but again, she didn’t let him and she looked afraid. “I- I understand, Yana.” Tumango-tango si Benjamin, iniinda ang sakit ng lalamunan sa pagpipigil na humikbi. “You went through a brain surgery kaya hindi mo ‘ko maalala, pero tulad nga ng pangako ko sayo, hindi kita susukuan. Ipapaalala ko ulit sayo na mahal na mahal natin ang isa’t-isa, na ako ang lalaki sa buhay mo, sa puso mo-”
“Ano bang sinasabi mo?!” she cut him off with a hard and harsh voice. “Sino ka ba?! Hindi kita maintindihan! A- anong pangako?! Anong hindi susukuan?! Anong ipapaalala?! Eh, ‘ni hindi nga kita kilala!”
He couldn’t held back his tears any longer. “Yana-“
“Huwag mo ‘kong hahawakan!” She seemed trembling. “Dad, my, ilayo ninyo siya sa akin! Please ilayo ninyo siya sa akin! Please!” Nagsisimula na ring magwala ang dalaga.
Benjamin was totally hurt, na gustong-gusto niyang lapitan at hawakan ang kamay ng dalaga gaya ng dati ngunit hindi na nga niya yata magagawa pa ngayon dahil hindi siya nito maalala, and worse, it seems like she thinks of him scary and horrible just by trying to reach for her hand because he’s now totally a stranger for her.
“Get out of the room! I don’t know you! Don’t you dare touch me or hold my hand again! Get out!”
“Anong nangyayari dito?” sunod-sunod na nagsipasok ang doctor at ilang nurses.
Kaagad na pinatahan ang nagwawalang si Brianna.
“I’m sorry, Benj hijo, pero mas nakabubuti kung lumabas ka na muna sa ngayon. Please, hijo,” pakiusap sa kanya ng ama ng dalaga.
Wala siyang nagawa. Sa muli ay nakita niya ang sakit na pinagdaraanan ng nobya nang turukan ito ng pampakalma. Pagkalabas ng private room, naitukod na lamang niya ang kanyang kamay sa pinto. Naihanda na niya ang kanyang sarili para rito, alam din naman niyang mangyayari talaga ang ganito at bukas ang kanyang isipan doon pero hindi niya akalaing ganito pa rin pala kahirap. Ang bigat-bigat sa pakiramdam…