Nakangiti ang Tiyahin niya habang pababa ng hagdan kaya nagsalubong ang kilay ng dalaga na agad naman napansin ng Tiyahin.
“Ay, nakalimutan ko pala ang pagluluto. Teyka—“
“Tita, bakit po ninyo tinanggap ang lalaking ‘yon ni hindi nga natin kilala ‘yon?!” prangka niyang saad nang mapansin na iiwas ang tiyahin niya. Hinawakan nito ang kamay niya at mas lalo pang ngumiti.
“Mukha naman siyang mabait anak. Isa pa, hindi ko matinggihan si Kapitana eh alam mo naman malaki ang utang na loob natin sa kanila,” mahinahon na wika ng Ginang.
“Pero Tita, hindi pa rin sapat na dahilan ‘yon para tumanggap kayo ng hindi ninyo kilala. Isa pa, karamihan sa mga manloloko ngayon eh, guwapo para hindi kahina-hinala ang hitsura tapos member pala ng akyat bahay gang.”
Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Catalina nang may naglalarong kakaiba sa isip ng tita niya at hindi nga siya ngakamali dahil tinukso siya nito.
“Dalaga na talaga ang pamangkin ko, marunong nang kimilatis ng guwapo. Bagay na bagay kayo ng bago nating tenant, anak. At ang sabi pa ni Kapitana ay binata raw ‘yon galing ng Maynila.”
“Sige na ho tita, magluto na po kayo,” pag-iiwas niya ng tingin dahil tinutukso siya nito at muli siyang pumasok sa kuwarto.
****
Isang linggo na buhat nang makabalik si Catalina sa bayan at wala siyang ibang ginawa kundi ang magbasa nang magbasa ng mga pocketbook. Lalabas lang siya kapag kakain na sila ng Tiya niya at kapag maliligo dahil hindi naman sila mayaman para magkaroon ng banyo sa kaniya-kaniyang kuwarto.
“Bihis na bihis ka yata ‘nak?” puna sa kaniya ng Tiyahin at pinasadahan niya ang tingin sa harap ng salamin.
“Mag-aaply lang po ako trabaho sa bayan, Tiya. Sayang naman po ang dalawang buwan na bakasyon para sa pagbukas ng klase sa june ay may pandagdag ako sa allowance.”
Nakangiti niyang sagot. Hindi na manlang kumontra ang Tiyahin dahil alam nito na hindi papipigil ang dalaga dahil pursigido sa buhay si Catalina.
“Sige, ‘nak. Mag-iingat ka,” tugon ng Ginang at sinukbit niya na abag at folder na naglalaman ng kaniyang resume. Nagpaalam siya at agad na sumakay ng traysikel palabas ng bayan.
Dahil college level naman siya at maganda pa ay agad siyang natanggap sa isang coffee shop. Noong araw rin ‘yon ay pinagsimula na siya ng may-ari bilang serbedura. Hindi naman gaano karami ang mga customer kaya hindi naman nakakapagod.
Pag-uwi niya ng bahay ay napakonot noo siya nang makita si Samuel sa labas ng gate na may kausap na lalaki at katulad ng binata ay hindi rin matatawaran ang guwapo no’ng kasama niya. Minsan nagdududa na siya sa pagkatao nito. Hindi nakaligtas sa kaniya nang mapatingin ang lalaking kasama ni Samuel at titig na titig ito sa kaniya kaya sinundan ni Samuel ang tingin ng kaibigan.
Napairap si Catalina nang hindi manlang nagtagal ni isang segondo ang tingin sa kaniya ng binata at agad nitong binawi iyon. Inis siyang pumasok sa loob at hindi niya nakita ang Tiya Delly sa sala baka nagrorosaryo ito sa silid lalo pa’t alas sais na.
Basta niya na lang hinagis ang bag sa gilid at tamad na napahiga sa kama. Ipinikit niya ang mata ngunit ang Samuel na ‘yon ang nakikita niya kaya agad siyang napamulat. May kakaiba talaga sa lalaking ‘yon. Sa isang linggo kasi na pagtira nito ay ni minsan hindi niya nakitang lumabas sa araw ang lalaki at kanina lang kailan madilim na. Bukod pa roon ay napag-alaman niya sa Tiya na hindi kumakain karne ang lalaki. Kung hindi gulay ay isda lamang ang madalas na ulam nito. Pero ano ang connection?
Hindi naman siya siguro nababaliw para isipin na bampira ang boarder nila. Napatayo si Catalina at kinuha na lamang ang tuwalya dahil baka tuluyan na siyang masiraan sa kakaisip sa lalaking ‘yon.
Pakanta-kanta siya sa loob ng banyo habang nagsisipilyo sa harap ng salamin nang may kumatok sa pinto.
“Sandali lang ho Tita, lalabas na ako,” saad niya nang hindi sumagot ang Tita niya at sa halip ay sunod-sunod ang pagkatok no’n na halatang naiinis na dahil sa palakas-nang palakas.
Kinuha niya ang tuwalya at tinapis sa hubad niyang katawan at pagbukas niya ng pinto ay ang hindi maipintang mukha ni Samuel.
“f**k, you’re so long I might be late for my date!”
Napamaang si Catalina sa lamig ng boses nito at halos sigawan pa siya ng lalaki. Magsasalita pa sana siya nang mabilis na nakapasok si Samuel sa banyo at pagharap niya ay napapitlag siya nang malakas na isinirado ni Samuel ang pinto.
“Arghh!” inis niyang pinokpok ang pinto ngunit tanging ingay lang ng tubig ang narinig niya mula sa loob.
Nagmartsa siya papasok sa kuwarto niya at hindi niya palalagpasin ang bastos na lalaking iyon.
Dahil sa kakahimutok niya kay Samuel ay late siyang nakatulog kagabi kaya ngayon ay late din siyang pumasok sa coffee shop kaya kailangan niyang mag-over time para makabawi sa dalawang oras niyang late.
Sumusuko na ang mga binti niya sa sampung oras na nakatayo at paikot-ikot dahil maraming customer sa maghapon at mag-isa lamang siyang nagseserve dahil absent ang kasamahan niya.
“Pagod na pagod siyang napaupo sa gilid nang mabakante sila ng customer. Pagtingin niya sa relo sa kaniyang bisig ay malapit ng mag-alas otso ng gabi at makakalabas na siya. Ngunit hindi pa nga nag-iinit ang puwet niya sa upuan nang may dalawang pares ang muling pumasok.
Mabilis niyang kinuha ang menu at lumapit sa dalawang umupo sa mesa.
“Good evening, Ma’am/ Sir—?” namilog ang kaniyang mga mata nang makilala ang lalaki. Si Samuel na tila hindi nagulat nang makita siya.
“Can I get a grande latte with 2 pumps of vanilla, please? How about you, Sam?”
“I’ll have a skinny Capuccino and extra ice.”
Saad ni Samuel na alam niyang nakatitig sa kaniya pero nakatutok lamang siya sa papel.
“Sure. Anything else for you today?” dagdag pa niya.
“No. That’s it,” halos sabay na sagot ng dalawa at mahinang tumawa pa.
“Copy, thank you!”
Kaagad siyang tumalikod at hinanda ang order ng dalawa. Hindi rin nagtagal ay na-served niya na sa mga ito. Hindi na siya muling tumayo at inayos niya na lang ang mga dapat ayusin para na rin mabusy siya.
Wala na yatang balak na umalis ang dalawa at panay kuwentuhan lamang. Mabuti na lang at dumating na ang pang-gabi na papalit sa kaniya kaya naka-out na rin siya.
Sa pagod ay agad siyang humilata sa sofa dahil may eksatong sinusubaybayan niya ang telenovela na pinapalabas sa gabi. Habang naghihintay ng commercial ay hinanaan niya muna ang TV at biglang bumigat ang talukap niya at agad siyang nakatulog.
****
“Catalina, Catalina, Anak?!”
Dumagondong ang boses ni Tiya Delly dahilan nang pagbalikwas ng bangon ng dalaga at lumabas agad ng kuwarto.
“Ano po ang nangyari, Tiya? okay lang po ba kayo?”
“Naku. May magandang balita ako sa ‘yo, mamayang alas tress ng hapon ay sumama ka sa akin sa plaza dahil may talumpati ang mayor at ang sabi ni Kapitana ay baka daw sa libreng matrikula na mga estudyante. Tiyak kong makakakuha no’n anak dahil working student ka.”
“T-talaga ho? Sana nga po Tita, malaking bagay ‘yon pag nagkataon.”
“Kaya nga hija, hala maligo ka na para makaupo tayo sa pinakaunahan at marinig natin ang sasabihin ng mayor.”
Walang sinayang na oras si Catalina at agad na sinunod ang payo ni Tiya Delly. Hindi na siya nagtagal sa banyo at agad siyang lumabas at nagsuot lang siya ng bestidang kulay puti at tinerintas naman ng tiyahin ang mahaba niyang buhok. Hindi na siya nagreklamo nang nilagyan siya ng kaunting make-up ni Tiya Delly dahil sa parlor nagtatrabaho si Tiya kaya nakasanayan na nito ang maglagay ng kolorete sa mukha.
Sinarado nila ang bahay at hawak niya ang pamaypay ni Tiya Delly nang makasalubong nila si Samuel sa gate. Kaagad na dumapo ang tingin ng binata sa kaniyang kabuuan at tumaas bahagya ang kaniyang kilay. Alam kong subrang ganda ko ngayon kaya tumitig ka hanggat gusto mo!
“Samuel, ikaw na muna ang bahala sa bahay ah, saglit lang kami,” pakiusap ng Tiya niya at tumango naman ang binata.
“S-saan ho kayo pupunta?” usisa ni Samuel kaya mas lalong tumaas ang sulok ng labi ni Catalina.
“Sa bayan, ipapalista ko lang ‘tong pamangkin ko para sa ayuda na ipamimigay ng mayor. Siya, mauuna na kami. Hindi naman kami magtatagal roon.”
Hindi na rin nagsalita si Samuel hanggang sa nakaalis na sila at nakasakay ng Traysikel. Pagkarating nila sa bayan ay subrang dami ng tao lalo na sa plaza. Pero dahil kagawad si Tiya Delly ay agad silang nakaupo sa unahan. Biglang tinawag ang tiyahin niya ng kapwa kagawad kaya nagpaalam sa kaniya ang Ginang.
Napabuntong hininga si Catalina habang pinagmamasdan ang paligid, mabuti na lang at linggo ngayon kaya eksaktong sarado ang coffe shop. Naiinip na ang dalaga sa silyang kinauupuan dahil ang tagal magpakita ng mayor at lumipas na lamang ang isang oras. Kaya hindi siya naniniwala sa takdang oras dahil may isang oras pa ang nilalabi para sa pagtitipon.
Maya-maya pa ay lumapit sa stage si Kapitana at nagpapasalamat ito at kung ano-ano pa ang sinasabi nito na hindi naman siya interesado. Gusto niya lang malaman kung gaano ka legit ang sinasabi nitong pa-ayuda.
“Cathy? Hoy, Catalina?!”
Napalingon siya sa tumawag sa kaniya. Si Grace na kababata niya at agad silang nagyakapan. Hinampas niya ito dahil bigla na lamang umalis ang matalik niyang kaibigan at sa edad na dese-otse ay nakipagsalaparan ito sa bansang silangan dahil sa hirap ng buhay. Hindi rin ito nakatungtung ng kolehiyo at tatlong taon silang walang balita sa isa’t isa. Matanda lang sa kaniya ng isang taon si Grace kaya nauna ito sa kaniyang makapagtaposa sa high school.
“Kumusta ka na?” mangiyak-ngiyak sila parehas at napag-alaman niyang noong isang taon pa pala ito nakauwi at dahil sa hirap na sinapit nito sa kamay ng mga amo ay hindi na muli ito nag-abroad.
“Good afternoon, everyone.”
Halos mabingi si Catalina sa palakpakan at hiyawan ng mga tao. Lalo na ang mga kababaehan kung saan ay porong estudyante ang mga naroon.
“Subrang guwapo talaga ni Mayor,” palatak ng kaibigan niya at maging ito ay nakisabay na rin sa paghiyaw.
Dahan-dahan niyang binaling ang tingin sa gitna at maging siya ay hindi nakaligtas sa paghanga sa lalaki. Subrang guwapo nga.
“I-ilang taon na ba ‘yung mayor?” bulong niya kay Grace.
“26 pa lang, batam-bata—ngayon mo lang ba nakita si Mayor?” kunot noo nitong tanong.
Tumango-tango siya. May itatanong pa sana siya kay Grace ngunit nakapukos ito sa alkalde na hindi mawala-wala ang ngiti sa labi. Lumapit si Kapitana sa ibaba ng stage at pinapakalma nito ang mga estudyante gamit lamang ang kaniyang kamay. Mabilis naman sumunod ang mga ito at pinaupo sila ng mayor.
Habang nagsasalita ang alkalde ay napapatitig rin siya dito. Subrang lakas ng appeal nito sa suot na itim na maong at puting polo na tinupi pa ang manggas at naka-tuck in sa pantalon nito. Subrang linis niyang tingnan at para itong model sa mga magazine. 'Yung bang mga bachelors na madalas niyang mabasa sa pocketbook. Parang binuhay ng alkalde ang imahinasyon niya.
Tatlong taon din kasi siyang nanirahan sa kabilang Isla ng Maria Makiling kung saan doon siya nag-aaral. Ang huling alkalde noon ay matandang babae na namatay rin daw noong isang taon. Hindi niya nabalitaan na ganito ka hot ang bagong alkalde ng bayan nila. Pati pananalita nito ay lalaking-lalaki at ang sarap pakinggan ng pronounciation nito.
Biglang nag-brownout kaya naputol ang microphone at ang nakatatawa ay wala manlang hinandang generator ang barangay kaya tuloy ay dismayado ang mga kababaihan sa mabilisan na pagtapos ng talumpati ng alkalde.
“Hays, nakakainis naman. Minsan nga lang bumisita dito si Mayor Jorge brownout pa!”
Rinig ng dalaga ang paghihimutok ng mga estudyante. Napailing na lamang si Catalina, nagpaalam sa kaniya si Grace at binigay nito sa kaniya ang cellphone number at kahit na wala siyang cellphone ay kinuha niya pa rin ang numero nito.
“Anak, halika at ipapakilala kita kay Mayor, dali!”
Walang nagawa si Catalina nang mabilis siyang hinatak ni Tiya Delly at nakipagtulakan sila sa mga estudyante hanggang nakapasok sila sa loob ng barangay hall.
“Mayor Jorge, ito po pala si Catalina. Pamangkin ko, nawa’y isa siya sa mabigyan ng tulong ng programa ninyo. Working student po ito sa Makiling at subrang sipag ng batang ire. Wala na po siyang mga magulang kaya ako na lang ang tumayong Nanay at Tatay ng pamangkin ko.”
“Napakagandang binibini ng iyong pamangkin.”
Hindi maiwasan ni Catalina ang mapangiti. Hindi niya tuloy malaman ang sasabihin.
“Nice to meet you, Catalina. Hindi kita nakita dito sa bayan lalo no’ng kasagsagan ng pangangampanya ko. Nag-aaral ka pala, mabuti naman huwag kang mag-aalala simula sa pasukan wala ka nang babayaran na matrikula at may allowance ka pa monthly na matatanggap. Pumunta ka lang sa tanggapan ko para ako mismo ang mag-aabot saiyo. Ilang taon ka na uli, Catalina?”
Hindi nakapagsalita ang dalaga nang malagkit ang titig sa kaniya ng alkalde. Aaminin niyang nakakapanliit ang dating nito. Buong akala nga niya ay si Samuel na ang pinakaguwapong lalaki na nakita niya ngunit mayro’n pa pala. Si Jorge, kaygandang pangalan rin. Pasimple siyang siniko ni Tiya Delly dahil sa pananahimik niya.
“N-nice to meet you din po, Mayor J-jorge.”
Inabot niya ang kamay at nag-shake hands sila at bahagya pang pinisil ni Mayor ang kamay niya. Kung hindi lang tumunog ang cellphone nito ay hindi pa yata nito bibitawan ang kamay niya.
Pinauna siyang pinauwi ni Tiya Delly dahil may trabaho pa umano ito sa barangay. Pagkatapos niyang nalista ang pangalan niya ay hindi na muli silang nagkausap ng alkalde. Habang papasok sa bahay nila ay bigla niyang inamoy ang kamay at napangiti siya ng subrang bango no’n. Naiwan pa yata ang bakas ng malambot na kamay ng alkalde.
“Ay, kabayo!”
Napapitlag ang dalaga at napahawak ito sariling dibdib nang malakas na kumalampag ang isang bagay sa sala nila. Dali-dali siyang pumasok baka kasi ninakaw na ng Samuel na ‘yon ang mga gamit nila.