NAGISING ang dalaga na medyo masakit ang kaniyang gitna pero kaya naman niya bumangon dahil hindi naman grabi ang ginawa nila ni Samuel at mabuti na lamang at hindi wild si Samuel sa kama. Kunot ang noo niyang pinagmasdan ang paligid at naroon na siya sa kaniyang kuwarto. Bigla siyang kinabahan at agad na lumabas ng kuwarto.
“Samuel? Sam—“
“Oh, Catalina anak, mabuti naman at nagising ka na?” nabungaran niya ang tiyahin na naglilinis ng kuko malapit sa pinto.
“Si Samuel po?” muli niyang tanong.
“Naroon sa kuwarto niya, kakapasok lang hindi mo naabutan eh, kanina pa ‘yon nanonood ng TV baka matutulog na ‘yon, bakit mo hinahanap? ay, naikuwento sa akin ni Samuel na naulanan ka raw kanina kaya hindi ka na lang niya pinapasok. Mabuti naman at sumunod ka kay Samuel, tiyak na mahihirapan kang umuwi sa lakas ng ulan baha nga pati sa barangay.”
Lihim na napakagat sa ibabang labi si Catalina. Akala niya kasi tinakasan na siya ni Samuel matapos makuha nito ang kaniyang p********e. Hindi naman niya kasi maiwasan na magduda ni hindi pa nga niya lubos na kilala ang binata pero sana ay hindi siya nagkamali na isuko ang pagkabirhen na gano’n na lang. Pagtingin niya sa orasan ay alas otso na pala ng gabi, gano’n ka haba ang tulog niya kanina?
“Catalina?” untag sa kaniya ni Tiya Delly at pagtingin niya rito ay kunot ang kaniyang noo.
“Ano po ‘yon tita?” tanong niya
“Ang layo ng iniisip mo, anak. Ang sabi ko, ibalik mo ang lahat ng ibinigay ni Mayor at huwag ka na rin pumasok sa munisipyo.”
“P-po? bakit?” naguguluhan na tanong ng dalaga kasi ganito rin ang sinabi ni Samuel sa kaniya kaya baka sinabi ni Samuel sa tiyahin ang lahat, huwag naman sana dahil hindi pa siya handa at baka madisappoint sa kaniya ang tiyahin.
“Sa tingin ko ay tama lang ang sinabi ni Samuel na baka pagdating ng araw ay singilin tayo ng utang na loob ni Mayor. Baka ikaw pa ang maging kapalit ng lahat ng naitulong niya. Ang sabi pa ni Samuel kung matrikula lang daw ang pinoproblema mo ay tutulungan niya tayo. May mga panukala raw ang gobyerno ngayon na free tuition sa mga mag-aaral tutulungan niya raw tayo na makapasok roon. Ang sabi pa nga niya, kilala niya raw ang may ari ng pinapasukan mo at kakausapin niya raw para wala ka nang babayaran kahit singko.”
Napakunot bigla ang noo ni Catalina sa mahabang sinabi ng tiyahin. “Paano naman po nakilala ni Samuel ang may-ari ng University? eh, sa subrang yaman ng mga Fuentebella hindi basta basta nakakalapit ang mga tao dahil sa security nila. Kung magbisita man si Señora Eva ay halos hindi sila makalapit dahil guarded siya ng mga tauhan. Kasi naman subrang iniidolo siya ng karamihan lalo na sa school nila. Siya kasi ang may-ari ng school na pinapasukan niya at ang pinakamayaman sa dalawang Isla kaya nakakapagtaka kung paano naging kakilala ni Samuel ‘yon.”
Nakanguso niyang sagot at maging ang kaniyang tiyahin ay naguguluhan rin. Ani pa nito kung talagang kakilala ni Samuel ang may ari ng University bakit hindi na lang ito doon nakituloy eh sa subrang lawak ng lupain at mansyon ng mga Fuentebella ay mas gugustuhin ni Samuel roon kaysa dito sa bahay nilang kaunting bagyo na lang ay matatangay na ng hangin.
“Anak nariyan na si Samuel, baka marinig tayo na siya ang pinag-uusapan natin.”
Nang marinig rin ni Catalina ang padyak ng tsenelas ni Samuel pababa ng hagdan ay napaayos siya ng upo at kinuha niya ang remote ng TV at binuksan ‘yon. Gusto nga niya sana na pumasok sa kuwarto niya ang kaso baka mahalata naman siya ng Tiyahin na iniiwasan niya ang binata. Sana lang ay hindi siya ibuko ni Samuel sa ginawa nilang kababalaghan kanina at baka palayasin siya ng wala sa oras ng tiyahin.
“Oh, hijo, akala ko matutulog ka na,” ngumiti si Tiya Delly nang makalapit si Samuel habang si Catalina ay nakatutok lang sa TV pero ang kaniyang puso ay nagsisimula nang kumabog.
“I can’t sleep, tita. I have something to—“
“Naku Samuel ‘wag mo na akong English-en, hindi naman tayo mga amerikano dito pambihira, sumasakit lang ang ulo ko.”
Napakamot pa sa ulo si Tiya Delly kaya humingi ng paumanhin ang binata at ang hindi sukat akalain ni Catalina ay kinuha ni Samuel ang kamay niya at itinayo siya nito paharap sa tiyahin. Papalag sana si Catalina nang mabilis na magsalita si Samuel.
“Kung mararapatin n’yo po sana tita Delly, liligawan ko po ang pamangkin n’yo na may pahintulot ninyo.”
Tila tumalon ang puso ni Catalina sa sinabi ni Samuel at maging ang tiyahin ay hindi inaasahan ang sasabihin ng binata kaya hindi ito makapagsalita at pinoproseso sa utak nito ang sinabi ni Samuel. Banaag rin ang gulat sa mukha ng dalaga habang si Samuel ay seryoso ang mukha na naghihintay sa isasagot ng Ginang.