kabanata 13

975 Words
“Ah, eh, si Catalina, siya ang dapat—nasa kaniya ang desisyon. Nasa wastong edad naman siya pero kung ako lang Samuel, patapusin muna natin ang pamangkin ko sa pag-aaral baka kasi hindi siya makapagtapos. Catalina, magdesisyon ka?!” Binawi ni Catalina ang kamay kay Samuel at nameywang. “Hindi ako magpapaligaw tapos!” turan niya at napataas ang kilay ni Tiya Delly habang si Samuel ay bumuntong hininga lang. Bumalik siya sa sala at inis na kinalikot ang cellphone na binigay pa ni Mayor. Binalingan naman ni Tiya Delly ang binata na nakatayo pa rin. “Samuel, sa totoo lang ay hanga ako sa pagiging totoo mo. Sa heneresyon n’yo ngayon ay bihira na lang sa lalaki ang hingiin ang permiso ng mga magulang at kahit ako ay tiyahin lamang ni Catalina pero tinuring ko ‘yan na anak ko kaya nagpapasalamat ako sa pagrespeto mo sa akin. Pero wala pa rin akong magagawa sa kung ano man ang desisyon ng batang ‘yan. Gagabay lamang ako sa kaniya pero hindi ko siya puwedeng diktahan.” Paliwanang ng Ginang kay Samuel at si Catalina ay hininaan ang sound ng TV para marinig niya pa lalo ang pinag-uusapan ng dalawa. “Naiintindihan ko ho, tita. Hindi naman po ako mamimilit kung ayaw man sa akin ng pamangkin mo,” magalang na sagot ng binata at tumango-tango naman si Samuel. “Ay maiba ako, total narito na rin tayo sa puntong ito, puwede ko bang malaman ang pagkatao mo? sino ang mga magulang mo at ano ang trabaho mo? at bakit ka napadpad dito sa aming nayon?” magkakasunod na usisa ng Ginang at ang akala nilang mag-tiya ay makakakuha na sila ng kasagutan sa binata pero mukhang mailap pa rin si Samuel. “Ang mga magulang ko po ay naroon sa Maynila. Panganay po ako sa tatlo kong kapatid at ako lang po ang nag-iisang lalaki. Sa ngayon po ay wala akong trabaho at hindi pa rin po ako nakakapagtrabaho. Narito lang po ako para magbakasyon dahil next month po ay saka pa lang ako magtatrabaho kaya kailangan ko po makapag-relax. Sa oras po na sagutin ako ni Catalina ay isasama ko po kayo sa Manila para pormal ko kayong ipakilala sa mga magulang ko. Huwag po kayong mag-alala mababait po ang mga magulang ko, lalo na si Nanay, magugustuhan niya po si Catalina.” Napipilitan ngumiti si Tiya Delly dahil hindi pa rin naging specific si Samuel at hindi ito ang gusto niyang sagot. Sa sinabi kasi ni Samuel ay hindi niya pa rin malaman kung anong klaseng pamilya mayroon ang binata. “Sige po tita, sabihin n’yo po ang gusto ninyong itanong handa ko pong sagutin.” Tila napansin nga ni Sameul ang naging reaksyon niya kaya wala nang dahilan upang mahiya siya sa itatanong dahil gusto niya lang ng kasiguraduhan. “Hindi naman sa mapanghusga ako hijo, ano? ang akin lang ay gusto ko lang ng masiguro ang magiging buhay ng pamangkin ko sakaling sagutin niya tapos mabuntis mo siya, eh paano ako nakakasiguro na maayos ang magiging buhay nilang mag-ina sa ‘yo? alam mo Samuel, itinaya ko ang sarili kong kaligayahan upang magabayan ko lang si Catalina sa kaniya umikot ang buhay ko kaya mahal na mahal ko ang batang ‘yan kaya hindi ako mapakali kung hindi ko makita na maayos ang magiging buhay niya sa hinaharap. Pa-prangkahin kita Samuel, nabibilang na lang ang araw ko dito sa mundo kaya gusto ko talagang malaman ano ba ang ikinabubuhay ng pamilya mo? kaya mo bang mabigyan ng magandang kinabukasan si Catalina?” Napakagat sa ibabang labi ang dalaga at parang bumabagal ang t***k ng kaniyang puso. Ito rin kasi ang gusto niyang malaman sa katauhan ni Samuel hindi naman siya naghahanap ng mayaman na mapapangasawa basta makasiguro lang siya na hindi siya maghihirap sa piling nito dahil katulad ng sinabi ni Tiya Delly matanda na siya para maging pabigat pa rito. “Naiintindihan ko po tita, at kung kahit sino man na magulang ay ganiyan ang magiging pananaw para sa anak nilang babae lalo pa’t nag-iisa lang.” Tumango-tango si Tiya Delly at nakaabang sa sasabihin pa ni Samuel. “Pero mas maganda po na sumama kayo sa akin sa Manila para doon ninyo makilala ang mga magulang ko at nasa inyo na po kung tatanggapin n’yo po ako. Ayaw ko pong sabihin na ganito ganiyan ang pamilya ko na wala akong pruweba na maipapakita sainyo ngayon. Ang masasabi ko lang po, mabuting tao po ang mga magulang ko at kaya kong buhayin si Catalina pero sana po ay sumama kayo sa akin paluwas ng Manila para mas mapatunayan ko.” “Mabuti pa nga ang gano’n hijo, pero katulad ng sinabi ko, si Catalina pa rin ang magdedesisyon.” Tumango-tango si Samuel at humarap kay Catalina na nakatutok sa telibisyon. Nang mapansin ng dalaga ang presinsya niya ay agad nitong sinamaan ng tingin si Samuel. “Mabuti pa nga at mag-usap muna kayong dalawa, at ikaw Catalina magdesisyon ka agad para hindi umasa ‘yung tao. Ikaw naman Samuel, hintayin mo na makapagtapos si Catalina kung sakaling sagutin ka niya. Alam mo ang ibig kong sabihin?!” “Y-yes, tita!” tugon ng binata na hindi makatingin nang diretso sa Ginang. “Mabuti naman, may tiwala naman ako sa ‘yo Samuel sana ay ‘wag mong baliin ‘yon. Siya, magpapahinga na ako, mag-usap kayo.” Pumasok na si Tiya Delly sa kuwarto nito habang silang dalawa ay nakaupo sa sofa. Biglang binato ni Catalina si Samuel ng unan na agad naman nitong nasalo. “Ano ba ang pinagsasabi mo Samuel?” inis niyang turan. “What? I’m just being honest. I want to court you, baby!” tugon pa ng binata pero hindi pa rin kumbinsido si Catalina dahil pinangunahan siya nito. Tuloy ngayon nahihiya na
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD