Lumipas pa ang mahabang oras at hinahanap ng doctor ang pamilya ng pasyente at si Catalina ang lumapit at ito ang kinausap. Halos manlumo si Catalina nang sinabi ng doctor na kailangan magpa-chemo ng tiyahin at aabot ng 10,000 per session ang magagastos at hindi niya alam kung saan kukuha ng pera. Ang alam niya ay mahigit 30,000 lang ang pera nila sa bangko at hindi iyon kakasya sa mga gamot at pagkain nila magtiyahin. Kung magtatrabaho din siya ay walang maiiwan sa tita niya lalo pa’t stage 2 na ang cancer nito. Ang sabi ng doctor ay kaya pang matunaw ang bukol sa dibdib ng Tiya Delly kapag nasunod lang ang paggamot dito.
“Catalina, baby?”
Lumapit agad si Samuel sa nobya nang makalabas ito at iyak lamang ang naisagot ni Catalina sa katanungan ni Samuel.
“Shhh, hindi kita iiwan Catalina, tutulong ako sa pagpagamot kay tita, dadalhin natin siya sa Manila o mas maganda sa States, maraming magagaling na doctor do’n tiyak na mapapadali ang pagaling ni Tita.”
“Naririnig mo ba ang sinasanabi mo Samuel? ni pang deposit nga wala ka tas ang dalhin pa kaya sa Amerika si tita? alam mo Samuel sa totoo lang nagdadalawang isip ako saiyo at sa relasyon natin, mabuti pa tapusin na natin ‘to!” sigaw ni Catalina at biglang natakot ang binata.
“B-baby, no, just trust me—“
“Litse! ano ang mapapala ko sa kaka-english mo? para ano, mapaniwala mo ako na sa kasinungalingan mo dahil English speaking ka?” putol nito sa sasabihin niya.
“W-what? I don’t understand, baby?” naguguluhan na saad ni Samuel
“Gusto mo talaga isampal ko pa saiyo para maintindihan mo? sige! ayaw ko na sa relasyon na ‘to Samuel dahil wala naman akong mapapala saiyo! ni wala kang trabaho, magkapera ka man dahil doon sa bininta mong mga gamit at hindi ko pa nga sigurado kung talagang saiyo ‘yon! Samuel, hindi ko nakikita ang sarili ko saiyo, hindi ko gusto na ang buhay ko ay parang kabute, pasulpot-sulpot, kung mayroon, saka susulpot kapag wala magtatago na lang! gusto kong makapag-asawa ng mayaman dahil ayaw kong maghirap ang mga anak ko, at hindi ikaw ang makakapagbigay ng magandang kinabukasan sa akin!” litanya ni Catalina at sa huling pagkakataon ay sinubukan na intindihin ni Samuel ang nobya.
“Okay, baby, I understand, mainit lang ang ulo mo dahil sa nangyari. Mamaya wala na ‘yan, ano ang gusto mong kainin? gusto mo ba ng halo-halo?” sinubukan pang idaan ni Samuel sa biro ang lahat pero mas lalo siyang pinagtulakan ni Catalina. Dumating ang guwardya dahil nakakasanhi na sila ng ingay at mahigpit na ipinagbabawal iyon sa hospital hanggang sa sumingit ang alkalde at pinakaladkad palabas si Samuel. Nasaktan ang binata nang wala manlang reaskyon si Catalina at tiningnan lang siya nito papalayo.
“Fine, fine, baby! Just give me 1 hour or more…I’ll prove myself to you! babalikan kita, baby!”
Sigaw ni Samuel at nang makalabas ng hospital ay inis na winaksi ni Samuel ang guwardya at pagkapkap niya sa cellphone para tawagan sana ang tauhan niya ay saka pa nawala ang cellphone sa bulsa niya. Sunod-sunod siyang napamura at agad na nag-abang ng traysikel. Hawak niya ang tatlong libo na natira sa pinagbentahan niyang gamit dahil ang 50k ay ‘yun ang pinangbayad niya sa nagastos na TV ni Jorge na ‘yon na pinabalik niya kay Catalina at ang iba ay ginastos niya sa grocery at bumili rin siya ng refrigerator online para hindi na mahirapan si Tiya Delly mag-defrost hindi pa nga lang dumarating at hindi rin niya akalain na mangyayari ito kaya hindi niya naisip magsave ng pera. Madali lang naman makakuha ng pera kung tutuusin ‘yon nga lang ay nawala niya ang cellphone kanina kaya ngayon ay dumiretso siya sa bahay ni Kapitana.
Hindi nagtagal ay nakabalik si Samuel sa hospital at tinakbo niya ang entrance papasok sa room ni Tiya Delly..
“Catalina baby, I’m back, they’re here—“ hindi nakagalaw ang binata nang pagbukas niya sa pinto ay wala nang bakas ng kaniyang pinakamamahal.
“Sir, nilipat po ang pasyente—“
“Saan? saan siya nilipat?” napataas na ang boses ni Samuel at hawak pa niya ang kuwelyo ng nurse.
“Ayaw pong ipasabi ni Mayor, pero may pinapaabot po si Ma’am Catalina, ito po—“
Biglang hinablot ni Samuel ang papel sa kamay ng nurse at halos gumuho ang mundo sa nabasa. Hindi niya alam kung paano nakaalis si Catalina gayong oras pa lang ang nakalipas bago matapos ang operasyon pero hindi siya magtataka kung nagawan ito nang paraan ng alkalde, at ang hindi niya matanggap ay hindi nagtiwala sa kaniya si Catalina, hindi siya hinintay…iniwan na siya ng babaeng pinakakamamahal.
Napaluhod sa sahig si Samuel at sunod-sunod ang pagpatak ng kaniyang luha, para siyang pinagsakluban ng langit at lupa.