Kabanata 19

872 Words
Isang masamang panaginip ang nagpagising kay Catalina at agad siyang napabalikwas nang bangon at pagtingin niya sa sarili ay may suot na siyang damit at hindi siya nanaginip na may nangyari sa kanila kagabi ni Samuel sapagkat narito siya sa kuwarto ng binata pero si Samuel ay wala rito. Dali-dali siyang lumabas ng kuwarto at hindi niya magawang tawagin ang pangalan nito dahil baka nakauwi na si Tiya niya at makita nito na nangaling siya sa kuwarto ng lalaki. Ngunit nang makarating siya sa sala ay may sulat na nakadikit sa TV at nabitawan niya ang papel at wala na siyang ibang naisip kundi ang lumabas ng bahay, ni hindi niya na-lock ito at mabilis siyang tumakbo at nag-abang ng traysikel nang eksaktong may humintong traysikel sa harap niya at bumaba roon si Samuel na agad napansin ang aninag niyang dibdib at mabilis na hinubad ni Samuel ang suot nitong damit at dinoble niya iyon kay Catalina na winawaksi naman ng dalaga. “Ano ba Samuel, kumusta si Tita? Kailangan kong makita si Tita!” sigaw niya na sa binata na walang pakialam kung napapatingin na sa kanila ang ibang dumaraan. “She’s fine, she’s fine, baby.” Pagpapakalma ni Samuel ngunit hindi pa rin kumbinsido si Catalina kaya sumakay ito sa traysikel na sinakyan ni Samuel at nagpahatid sa private hospital na pinagdalhan sa tiyahin. “f**k!” napamura ang binata at mabilis siyang tumakbo sa bahay at kumuha siya ng damit at pera at muling bumalik sa hospital. Naabutan niya si Catalina na humahagolhol ito sa harap ng nurse station. “Baby?” mabilis siyang tumakbo at hinapit sa baywang si Catalina ngunit winawaksi lang nito ang kamay niya. “Sabi mo ligtas ang tita ko, pero bakit kailangan pa ng operation ibig sabihin hindi pa okay ang kalagayan niya!” sumbat sa kaniya ni Catalina at ginagawa ni Samuel ang lahat upang mapakalma ang dalaga. “Listen baby, ang sabi ng doctor ay kailangan pang idaan sa radiotherapy si tita bago operahan, pero sinasagawa pa lang ang lab test niya—“ “Nakausap ko na nga ang doctor eh, kailangan nang operahan ni tita at pagkatapos ng operation saka ibibigay ang therapy na sinasabi mo para daw mapaliit ang bukol!” napahagolhol na si Catalina sa huling sinabi, hindi niya kasi sukat akalain na sa kabila ng pagiging masiyahin ng tiyahin ay mayroon pala itong dinaramdam na sakit at itinago lamang nito sa kaniya ng matagal na panahon. Ni hindi manlang ito nagpacheck-up upang magamot ang karamdaman nito. “Okay then, kailan daw ang schedule ng operation?” pinilit pa rin na kumalma ni Samuel para hindi maratol si Catalina. “Yon nga ang problema kasi hindi raw maooperahan si tita kung walang deposit! Kailangan kong magwidraw sa bangko, pero paano ko gagawin ‘yon wala naman akong authorization ni tita?” “Hindi kailangan ng deposit baby, kaya ko nga dito dinala sa private hospital si tita kasi pagmamay-ari ito ng mga Fuentebella, kaibigan ko ang may-ari nit—“ “Catalina, what happened?” “Mayor Jorge!” bulalas ni Catalina at tatakbo sana ang dalaga sa alkalde nang mahigpit siyang hinawakan ni Samuel. “Is your tita okay? Please tell me how can I help?” saad ng alkalde kaya biglang umigting ang panga ni Samuel at binalingan niya ang lalaki. “What the hell are you doing here?” turan ni Samuel at pilit na hinahawakan si Catalina. “I’m the mayor of this province, and it’s my duty to—“ “I am her boyfriend, and we don’t need you, there are more people out there who need you more!” turan ng binata pero ang hindi niya akalain ay winaksi ni Catalina ang kamay nito na nakapulopot sa kaniya. “Ano ba Samuel, ngayon ka pa ba magmamayabang? buhay ng tita ko ang nakataya dito kaya puwede pa manahimik ka na lang dahil wala ka naman maitulong! Hayaan mo na lang si Mayor dahil mas alam niya ang ginagawa niya!” malakas na boses ni Catalina pero pilit pa rin na kumakalma si Samuel, masakit ang binitiwan nitong salita pero naiintindihan niya ang dalaga. Nilabas niya ang dalang pera at binilang iyon. “Magkano ang kailangan sa operation?” tanong niya habang binibilang ‘yon. “I think that’s not enough!” saad ng alkalde kay Samuel nang mahulaan na aabot lang sa 3k iyon lalo pa’t tig lilimandaan lamang iyon. “Ako na ang bahala sa bill n’yo, ang mahalaga ay maisalba ang buhay ni aling Delly sa lalong madaling panahon,” dagdag pa ng alkalde at tumango-tango si Catalina at nagpasalamat rito. “Baby, please let me call Andrie he is the owner—“ “Samuel, please! huwag ka nang dumagdag pa sa problema, bakit ‘di ka na lang magpasalamat kay Mayor dahil sasagutin niya ang operation?!” sigaw sa kaniya ng nobya at tumahimik na lamang siya. Nasa ilalim ng operation si Tiya Delly at sila ay nasa labas naghihintay na maging successful iyon habang si Catalina ay pilit na pinapakalma ni Jorge na imbes siya ang karamay ng nobya ay mas komportable ito kaysa sa alkalde at gaya ng sinabi ni Samuel, naiintindihan niya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD