Kabanata 17

837 Words
Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at niluwa no’n ang isang lalaki na matangkad rin at matipuno ang katawan kaya agad nagpaalam ang dalaga sa kausap at tumabi siya kay Samuel. Tumingin sa kaniya ang lalaki at sinalubong niya ang tingin nito at alam niyang nagagandahan sa kaniya ang kaharap kaya ngumiti pa siya at hindi ‘yon nagustuhan ni Samuel kaya agad siyang hinapit nito kaya dumikita na ang kanilang mga balat. Tumikhim naman ang kaharap at agad na binaling ang atensyon kay Samuel. “I guarantee you that the price is right.” Napamaang ang dalaga sa nakikita at nang nailabas ang lamang ng bayong ay chineck naman ng lalaki ang mga ito at saka tumang-tango. Nilabas ng lalaki ang lilibuhing pera at binigay iyon kay Samuel at binilang naman agad ng binata. Muli niyang naalala ang unang pagkikita nila ni Samuel, ang mamahalin nitong relo, at sapatos ay binenta nito sa lalaking iyon. Pero bakit?” “Baby, take this,” saad ni Samuel at binigay sa kaniya ang lilibuhing pera na nakalagay rin sa short-brown-envelop. “Teyka, bakit? para saan ‘to?” sunod-sunod niyang tanong. “Bumalik tayo sa munisipyo at ibigay mo sa Mayor na ‘yon kapalit ng TV na binili niya!” sagot ni Samuel kaya mas lalong naguluhan si Catalina. “Pero paano ‘yung TV sa bahay eh hindi pa ‘yon nabebenta?” “Ibigay na lang ‘yon kay kapitana basta ibalik mo ang nagastos niya.” Walang nagawa si Catalina kundi ang sundin ang gusto ni Samuel dahil sa nakikita niya ay desidido ang nobyo niya na maibalik lahat ng gamit ni Mayor Jorge. Hindi rin nagtagal ay natapos ang lahat at ngayon ay namamasyal sila sa loob ng gaizano mall, nag-grocery, kumain at nanood rin sila ng sine kaya magdidilim na makauwi sila. Madilim rin ang bahay nang madatnan nila dahil si Tiya Delly ay hindi uuwi ngayong gabi dahil nga maglalamay ito sa kaibigan sa bayan. Nang makapasok sila ay binuhay ni Catalina ang mga ilaw habang si Samuel ay nag-ayos ng mga pinamili nila. “Baby, kakain ka pa ba?” tanong ni Catalina at agad na napalingon sa kaniya ang binata. “You called me, baby?” namutawi ang ngiti sa labi ni Sameul at tumango-tango si Catalina. Nilapitan siya ni Samuel at hinapit sa baywang at agad silang naghalikan nang tumunog ang cellphone ni Samuel. “Sagutin mo,” wika ng dalaga at ito na mismo ang nagbitiw sa halikan nila. “Alright baby, excuse me.” Nawala ang ngiti sa labi ng dalaga nang lumabas pa si Samuel at doon nito sinagot ang tumawag. Ayaw niyang mag-isip ng negatibo na baka may ibang girlfriend ito o baka masyado lang personal ang pinag-uusapan nila? tumango-tango sa sarili si Catalina at para maiwaglit ang hindi magandang naiisip ay naligo na lamang siya. Paglabas niya ng banyo ay hinanap niya sa paligid si Samuel pero hindi niya ito makita at nakasarado na ang pintuan kaya pumasok na rin siya sa kuwarto at nagbihis. Natuyot na lang ang buhok niya ay hindi pa bumaba si Samuel at wala rin siyang natatanggap na tawag kahit text message at sa inis niya ay lumabas siya ng kuwarto at umakyat sa itaas. Ngunit sa hagdan pa lang ay narinig na niya ang galit na boses ng binata kaya marahan siyang humakbang upang hindi makasanhi ng ingay hanggang nakarating siya at naabutan niya ang binata na palakad-lakad sa kuwarto nito habang nasa teynga ang cellphone at dahil hindi naman nakasara ang pinto ay kitang-kita niya ang hindi maipintang mukha ng binata na sa subra nitong galit sa katawagan ay hindi siya napapansin na nakatayo na sa harap ng pinto. “[I need the money, you know that?!]” galit na boses ng binata. “[You need to get the money as soon as possible, if he doesn't live up to the agreement, you know what you have to do!]" nagtatagis ang bagang ni Samuel at sa inis pa nito ay binalibag ang cellphone at napasabunot pa sa buhok. “S-samuel… a-ayos ka lang?” nauutal na sambit ng dalaga na saksi kung paano magalit ang nobyo. “C-catalina?” laking gulat ni Samuel nang mabungaran ang dalaga at hindi nito malaman ang gagawin. Natakot niya ito dahil banaag ang pag-aalinlangan ng mukha ng dalaga nang malapitan niya ito ay hindi ito makatingin nang diretso sa kaniya. “I’m fine, I am sorry kung natakot kita. Just a—“ “Samuel, gusto kong dalhin mo ako sa Manila at ipakilala mo ako sa mga magulang mo? ‘diba ‘yun naman ang ipinangako mo kay Tiya na kapag naging tayo ay ipakilala mo ako sa kanila?” “Yes, baby. Kailan mo gustong lumuwas tayo? isama natin si Tita para magkakilanlan sila,” nakangiting tugon ng binata kaya napawi ang pangamba ng dalaga. Niyakap niya nang mahigpit si Samuel at binuhat pa siya ng binata at naghalikan sila ng ilang segundo bago siya dinala sa kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD