HINDI mapakali si Catalina at gustong-gusto niya nang itanong kay Samuel kung sino at ano ang pinagtataguan nito sapagkat nakamask at nakasuot pa ito ng sombrero at napakasimple ng pananamit nito. May bitbit rin itong bayong na akala mo ay mamalengke lang pero okay lang kasi mahal na niya si Samuel kahit napakabadoy nitong tingnan ngayon.
Bumaba sila sa harap ng mismong Maselco at si Samuel ang nagbayad ng pamasahe nila sa traysikel. Pagkarating ay halos sa kanila ang mata ng mga tao at pumila sila. Nang lingunin niya ang binata ay nakamasid ito sa paligid na waring may pinagtataguan. Agad niyang kinabig ang binata at hinawakan ito sa kamay, may iilan kasing napapatingin pa rin sa gawi ni Samuel dahil sa matitipuno nitong dibdibd, matangkad at maputi kaya siguro kahit na mukhang namamalimos ang pananamit nito ay hindi pa rin maikakailang maganda ang tindig ng binata at kahit pa nga halos basahan na ang kulay ng puti nitong damit at kupas na short na maong ay mukha pa rin itong anak mayaman lalo na ang talampakan ng binata na namumula at makinis na mga kuko.
Lumipas ang ilang sandali at nakabayad na sila sa kuryente at ang isusunod nila ay ang tubig naman.
“Baby, punta muna tayo sa munisipyo baka kasi biglang umalis si Mayor hindi natin maabutan, saka na lang ang bill ng tubig,” saad ni Catalina na sumang-ayon naman si Samuel.
Pagkarating sa munisipyo ay pinapasok sila ng guwardya matapos nitong ipaalam sa alkalde na naroon siya ngunit sa kasamaang palad ay ang dalaga lamang ang gusto nitong papasokin sa opisina nito kaya nangalaite sa inis si Samuel ngunit pinakiusapan na lamang ng dalaga ang binata.
“Siguraduhin lang ng gagong iyon na wala siyang gagawing masama sa iyo dahil hindi ako magdadalawang isip na pasabugin ko ang bungo niya!”
“Samuel!” pagbabanta ni Catalina nang malakas ang boses nito kaya napatingin sa kanila ang guwardya.
“Fine, call me immediately if something bad happens there!” maotoredad pa rin nitong sabi kaya tumango na lang si Catalina habang si Samuel ay nakabantay lang sa labas ng opisina. Kahit pinapaupo siya ng guwardya ay nanatili siyang nakatayo.
Samantalang kinakabahan naman ang dalaga nang makapasok sa office ng alkalde at agad siya nitong binati.
“Good morning, Catalina. How are you today?”
Masiglang bungad ni Mayor at alinlangan si Catalina sapagkat nahihiya talaga siya at hindi niya alam kung paano niya sisimulan ito.
“G-good morning din po, Mayor,” nahihiya niyang sabi at ngumuso naman ang alkalde sa sinabi niya, marahil ay napansin agad nito ang pagiging pormal niya.
“I’ve been—“
“Isasauli ko lang sana ang lahat ng ito.”
Pinutol agad ni Catalina ang sasabihin ng alkalde at nilapag niya ang cellphone at sobre na naglalaman ng pera na paunang bayad sana nito sa kaniya. “Yung TV po ay hindi ko alam kung paano ko isasauli dahil malaki po ‘yon at nakakahiya naman kung dadalhin ko dito sa munisipyo. Bigyan n’yo po ako ng dalawang araw para maibenta ko ang TV at cash po ang ibibigay ko, Mayor.”
“W-why? I gave it to you, Catalina. I don’t understand!” naguguluhan nitong sabi at napayuko ang dalaga dahil nahihiya talaga siya pero kailangan niyang gawin ito alang-alang sa relasyon nila at ni Samuel.
“M-mayor, ayaw po kasi ng boyfriend ko nagseselos po kasi siya,” pagtatapat ng dalaga at roon ay nabigla si Mayor at napasandal pa ito sa swivail chair at parang napangisi ang alkalde sa sinabi niya kaya bigla siyang kinabahan kaya agad niyang kinuha ang cellphone na Tiya Delly na iniwan nito sa kaniya kanina. Hinahanap niya agad ang contacts ni Samuel at tatawagan niya agad sana ang binata nang muling magsalita ang alkalde.
“Sabi mo sa akin dati wala ka pang boyfriend?” seryosong tanong ng alkalde.
“Nagkaroon na po ako nitong week lang, si Samuel po ang boarder namin siya ang boyfriend ko at nariyan po siya sa labas hinihintay niya po ako,” pagtatapat ng dalaga at ang akala niya ay magagalit ang alkalde pero ngumiti lamang ito sa kaniya.
“Alright, Catalina. Sino ako para pigilan ang kasiyahan mo with your boyfriend. Kung sa tingin mo ay magagalit ako dahil may boyfriend kana hindi ‘yan mangyayari, hindi ako masamang tao ang gusto ko lang makatulong kaya nga pinasok ko ang pulitika para mas lalo pa akong makatulong sa mga kapos-palad. Well, hindi ko naman masisisi ang nobyo mo dahil napakaganda mo at kahit ako ang sa posisyon niya ay gagawin ko rin ang ginawa niya. Mahirap na baka maagaw ka pa sa akin, so I do understand it, Catalina.”
“Wow! Maraming salamat po Mayor kung ganoon, nakakahiya lang po talaga pero salamat at naintindihan mo ako. Napakasuwerte talaga ng bayan na ito at ikaw ang aming Mayor.”
“No worries, Catalina. By the way, nandito lang ako at ang munisipyo ay handang tumulong sa mga taong nangangailangan. Kapag kailangan mo ang tulong ko, huwag kang mahihiyang lumapit sa aming tanggapan.”
Malawak ang ngiti ng dalaga at natapos ang pag-uusap nila at ng alkalde nang matiwasay at aaminin niyang mas lalo pa siyang napahanga ng binata sa ipinakita nitong pagrespeto sa desisyon niya. Nagkamay sila bago nagpaalam si Catalina at nang malabas ay naabutan niya si Samuel na hindi maipinta ang mukha at agad siyang nilapitan kaya hindi nito nakita ang alkalde dahil agad niyang sinara ang pinto sapagkat lalabas ang aircon.
“I’m okay,” wika ni Catalina.
“How are you? Did he hurt you?”
“Wala, ano ka ba naman? hindi naman magagawa ni Mayor ang iniisip mo!” inis niyang sabi.
“Are you defending him over me, baby?”
Nameywang si Catalina sa harap ni Samuel dahil subrang kulit nito na parang bata na at medyo nakakairita na ang gano’n.
“Samuel, kung gusto mong magtagal ang relasyon natin huwag mo akong kinukulit. Kapag sinabi ko na okay, okay, okay?” pagatataray niya at napakamot na lamang sa ulo ang binata at sumunod na ito sa kaniya palabas ng city hall.
“Teyka, ano pala ang bayong na ‘yan at dala-dala mo?” baling ng dalaga kay Samuel dahil mahigpit ang hawak nito sa bayong habang naglalakad sila sa kalsada.
“Samahan mo ako baby, may kakatagpuin tayo,” wika ni Samuel kaya nakunot ang noo niya at magtatanong pa sana siya nang tumunog ang cellphone nito. Sinagot ‘yon ni Samuel habang nakahawak siya sa braso ng nobyo at patuloy sila sa paglalakad. Pinatay ni Samuel ang tawag at pumasok sila sa coffe shop at natuwa si Catalina nang ito ang pinagtatrabahuan niya dati. Umupo si Samuel habang si Catalina ay nakipagchikahan sa dati niyang katrabaho at buong pagmamalaki niyang ipinakilala si Samuel bilang kasintahan.