CHAPTER 4

1780 Words
Kunot-noo akong pumasok sa 'ming departamento dahil sa maiingay na bulungan ng mga empleyado. Malamang sa malamang ay tungkol sa paghalik ni Patriza kay Achetbir kahapon ang kanilang pinag-uusapan ngayon. "Nabalitaan mo ba?" Agad na salubong na tanong sa 'kin ni Serah kasabay nang paglapit ng upuan nila sa aking pwesto. Hindi ko naman maiwasang iangat ang kaliwang kilay ko dahil sa kanilang mga kilos. Hindi pa ba sila nananawang pag-usapan ang dalawa? "Wala akong panahon d'yan Serah. Marami akong reports na gagawin ngayon," nakangiwing sagot ko. Mahina niya naman akong binatukan kaya sinamaan ko s'ya ng tingin. Nakuha naman agad nang naglalakad na si Achetbir ang aming atensyon. Mas malamig ang kan'yang ekspresyon kaysa sa normal niyang pinapakita araw-araw, bagay na ipinagtataka ko. Ang kaninang maiingay na bulungan ng empleyado ay biglang natahimik sa isang iglap. Anong nangyari sa isang 'yon? Kanina lang ay ayos siyang umalis ng condo namin. Nakita ko ang paninitig niya sa 'kin bago pumasok sa loob ng kaniyang opisina. Mabilis naman na muling dumikit ang dalawa sa 'kin. "May girlfriend daw si Sir Villa Forca," bulong ni Feya. I mentally rolled my eyes. Yeah, I already expected that news. Kahapon pa. "Oo nga girl at alam mo ba kung anong malupit?" Pagsunod naman ni Serah sa sinasabi ni Feya. "Ano?" Tamad kong tanong at isinalansan ang mga aasikasuhin kong papeles. "Isang empleyado ang girlfriend niya!" they both exclaimed in their low-pitched voice. Awtomatiko ko namang nabitiwan ang mga hawak kong papel dahilan para bumagsak ang iba sa sahig. Gamit ang nangangatal kong kamay ay dali-dali ko 'tong pinulot. "Ayy! Taray ng reaksyon te. Shookt na shookt lang?" Panunuya ni Feya sa 'kin. "Tingnan mo pati ikaw hindi makapaniwala ng husto," puna ni Serah. Alanganin akong bumaling ng tingin sa kanila at mahigpit na napalunok, "S-Sino raw?" Sabay na nagkibit-balikat ang dalawa kasabay nang pagtingin namin sa unahan kung saan dumating ang nanay ni Achetbir kasama si Patriza. Naunang pumasok ang nanay niya na sinundan naman ni Patriza, bahagya pa n'yang pinasadahan ng tingin ang mga kasamahan kong empleyado at pasimpleng umirap bago tuluyang pumasok sa loob. "Mukhang lumalabas ang tunay na ugali." Pamumuna ni Serah kasabay ng kaniyang pag-irap. "Nate-threaten siguro ang ate mo," usal ni Feya saka sila sabay na bumungisngis. Ako naman ay nananatiling mabilis ang kabog ng dibdib dahil sa ibinalita nila sa 'kin. Paanong kumalat ang tungkol sa 'min ni Achetbir? Miss Mendoza, come here at my office. Now. Mas lalo pa akong kinabahan dahil sa pagtawag niya sa 'kin. What is he doing? Alam niya naman na kasama niya ang nanay at babaeng nalilink in sa kanya. "Kakaiba rin talaga si Sir ano? Biruin mo naiisyu na hindi parin nalilimutang manermon ng tauhan," asar na wika ni Serah saka bumalik sa kaniyang pwesto. Naaawa naman akong tiningnan ni Feya at marahang tinapik ang aking balikat bago bumalik sa kaniyang lugar. Napahinga ako nang malalim at ipinatas ang aking mga gamit. Marahan akong tumayo at wala sa sariling naglakad patungo sa kaniyang opisina. "Awww!" I groaned when I bumped into someone. Mapapaupo pa sana ako kung hindi niya lang ako mabilis na nakabig. "Are you okay Miss?" Tanong ng isang baritonong boses. Iniangat ko ang aking paningin at nakita ang isang gwapong nilalang. Humiwalay agad ako sa kaniya at yumuko bilang paumanhin. "Pasensya na. Hindi ko kayo napansin." Paghingi ko ng dispensa bago nag-angat ng tingin. He just smiled at me and nodded. "Do you know where's the CEO's office?" he asked while roaming his eyes. Napangiwi naman ako dahil nasa likuran na niya ang kaniyang hinahanap. "Ahmm, behind your back Sir," I said then pointed at the back. "Oh! My bad, hindi ko napansin. Salamat," sinsero niyang usal saka pumasok sa loob. Napahawak nalang ako sa aking sintido dahil mukhang walang saysay ang pagiging sekretarya ko. Basta ko nalang siya pinapasok ng hindi ipinaaalam kay Achetbir. I just shake that thought in my head and knocked three times before I slowly opened the door. Lahat sila ay natuon sa 'kin ang atensyon. Awtomatikong umangat ang kilay ng nanay ni Achetbir nang nakita ang aking imahe papasok ng silid. Bilang paggalang ay yumuko ako saglit sa kanila bago tumingin kay Achetbir na seryosong nakatitig sa akin. "Ano pong maipapaglingkod ko Sir?" Puno ng paggalang kong tanong kasabay ng pasimple kong pagtingin sa gilid kung saan naro'n ang lalaking nabunggo ko. I felt him watching me intently as his arms were crossed on his chest. "Why did you called her here Achetbir?! We are having our family talk. It's not time to focused on work," inis na singhal ni Mrs.Villa Forca at matalim akong tiningnan. Damn it! Naipit pa nga. "Come here." He commanded. Nag-aalangan man ay sinunod ko ang kan'yang utos upang hindi mag-isip ng kung ano ang mga kasama namin sa silid. Natulos ako sa 'king kinatatayuan nang paglapit ko sa kanya ay nakita ko ang dalawang newspaper na nakapatong sa ibabaw ng kaniyang table. Doon ko palang lubos na naintindihan lahat ng nangyayari mula no'ng pumasok ako ng kumpanya. Nakuhanan kami ng litrato. Hindi man nakikita ang aking mukha ay hindi kataka-takang napakalaking balita talaga n'yon. Sa unang dyaryo ay naroon ang kuha kung saan papasok si Achetbir sa 'ming condo unit at katabi naman n'yon ang litrato ko na papasok din sa unit na pinasukan niya. Kung paano nila nalaman na empleyado niya ako ay 'yon ang hindi ko alam. Sa ikalawang dyaryo naman ay naroon ang malayong kuha kung saan kita ang anino namin na intimate sa isa't-isa. Fvck! Nasisigurado kong kahapon lamang kinuhanan 'yon dahil kagabi lang naman kami ulit nagtalik sa may harapan ng glass wall ng bahay. "Mom meet Jandie Mendoza, my girlfriend and she's the only woman that I'll marry," seryosong sabi ni Achetbir na ikinapanghina ng aking tuhod. What is he doing? Nasisiraan na ba siya? Laglag panga namang tumingin sa akin ang nanay niya pati narin si Patriza. Nakita ko ang pagngitngit niya ng kaniyang ngipin at mabilis na lumapit sa akin. *PAAAK!* "Mom!" Achetbir shouted as he pulled me at his back. Napahawak nalang ako sa aking pisnge kasabay nang pamumuo ng luha sa mata ko. "So you're the woman who's pulling my son's name into the dirt. What do you want?Money?" She spat angrily. "Mom stop!" Achetbir shouted in anger and his mom looked at him with disbelief. "What? Seryoso ka ba talaga sa babaeng iyan Achetbir?" Nandidiring tanong niya sabay turo sa 'king direksyon. "Isang hamak na sekretarya lamang siya. Ano nalang ang sasabihin ng iba nating mga kasosyo dito? Na wala kang taste at uto-uto sa isang empleyada mo?" Inaasahan ko nang marinig ang bagay na 'yon sa ibang tao sakaling malaman nila ang tungkol sa 'min ni Achetbir ngunit hindi ko inaasahan na gano'n pala 'yon kasakit kapag nagmula mismo sa magulang ng mahal mo. Nakagat ko ang ibaba kong labi upang mapigilan ang aking pagluha. "Don't speak like that about her Mom. Jandie and I truly loves each other. Stop being judgemental and I don't care what will they think about me." Achetbir defended and glance at me softly. "No! You should marry Patriza so this issue will disappear. Ipakita mo sa kanilang fake news lamang 'to dahil ang totoo ay si Patriza ang karelasyon mo," his mother rebuked. "I will not fvcking do it!" Achetbir yelled. "A-Achetbir," utal na tawag ko sa kanyang pangalan. Matinding pagpipigil ang ginawa ko 'wag lamang tumulo ang aking luha sandaling nabaling muli sa 'kin ang kaniyang paningin. Masakit sa 'kin na nakikitang nagtatalo silang dalawa dahil lamang sa akin. Mas nasasaktan ako dahil alam kong tama ang nanay niya na ikasisira ng kaniyang pangalan ang pagpupumilit sa aming relasyon. "I think we need to broke up," I said that made his jaw clenched. "Stop this Jandie. Kung iniisip mo ang tungkol sa issue mawawala rin 'yon paglipas ng panahon," he said and gently hold me on my arms. Marahan akong napailing at napalunok bago iniiwas ang aking paningin. Kusa namang napunta 'yon sa lalaking kasama namin sa silid. Umangat ng kaunti ang kaniyang kilay nang napansin ang aking paninitig. An idea pop in my mind. "Your mom's hunch is right Achetbir. I am just using you for your money," I stated and looked at him. "Stop lying babe, we both know that it's not true. Huwag kang gumawa ng kasinungalingan para lang hiwalayan ako," seryosong sambit niya. Pagak akong natawa at lumayo sa kaniya. "But I am really saying the truth Achetbir. Pineperahan lang kita at may iba akong karelasyon," diretyong sabi ko habang nakatingin sa kan'ya. "See? Lumabas din ang tunay na kulay niya anak. You don't deserve that woman," his mom inserted. "Enough!" he shouted again. Natahimik kaming lahat dahil bakas ang sobrang galit sa kan'yang tono kasabay nang pandidilim ng kaniyang mata. "I know you are lying Jandie. Why are you doing this?" Puno ng hinanakit niyang tanong. I laughed again and stared in his eyes. I'm sorry but this is for your own good. "Let me show you then," I said and walk to the man who's kept watching us. Walang akong emosyon na nakikita sa kan'yang mata habang papalapit ako sa pwesto niya. Mukhang naiintindihan n'ya ang gusto kong gawin base palang sa kan'yang reaksyon. Muli akong lumingon kay Achetbir na mariing nakatitig sa akin. "He's the man that I am talking," I announced and pulled the man's nape for a kiss. Awtomatiko namang humawak sa 'king bewang ang lalaki at sinagot ang halik na ibinibigay ko. I am sorry babe.. Iloveyou.. Natigil kami sa 'ming ginagawa ng malakas na magbagsakan ang kan'yang mga gamit sa ibabaw ng lamesa. His mom and Patriza shrieked because of his action. He looks livid as his shoulder going up and down because of his hard breathing. "Leave," he said coldly as he stared at me. "Leave woman. We're done." "Let's go," the guy beside me said then held my waist gently. Hindi nakatakas sa 'kin ang pagtingin doon ni Achetbir kasabay ng muling pag-igting ng kaniyang panga. Tumindig naman ako ng tuwid sa kabila ng aking panghihina at yumuko bilang pagbibigay galang bago nagpaalalay sa 'king katabi sa paglabas. As the we finally get out from his office and his door closed, my tears automatically run down from my cheek as I lost my strength. Mabilis akong sinalo ng kasama kong lalaki at ikinulong sa kanyang dibdib ang aking mukha. "Cry," he simply said that I quickly did. Wala na akong pakialam kung nakikita kami ng ibang empleyado. I just want to release all the pain that I am feeling as I remember how hurt his eyes was. I am sorry babe... I am sorry.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD