♥RIANE♥ “Problema mo?” pagsiko ni Riane kay Thunder na kanina pa tahimik sa tabi niya. Tuloy lang ito sa pag-inom sa beer na hindi ko na mabilang kung pang-ilan niya na. Simula nang makabalik siya mula sa pakikipag-usap kay Kiefer hindi na siya pinapansin ng boss nila. Kasalukuyan silang nakapaikot sa may buhangin habang may bonfire sa gitna nila at halos lahat ay umiinom ng alak. Pero dahil sa pinangako niya sa sarili niya na hindi na siya iinom pa, iisang beer lang ang hawak niya na kanina pa pero hindi niya pa rin nauubos ito. Nagkakatuwaan na ang mga kasamahan niya (na thank God hindi na siya inasar pa) at kahit na gusto niyang makisali sa mga ito ay hindi niya magawa dahil itong katabi niya parang may topak. Samantalang kanina naman ay may payakap-yakap pa ito sa kanya. Hindi niya