♥Riane♥ "Hindi ka ba muna mag-aalmusal?" Umiling siya at nagpatuloy sa pagsusuklay. "Busog ako—" "Busog eh hindi ka nga nag-dinner kagabi." Napangiti siya at hinarap ang kapatid niya nasa pinto. "Ang sweet-sweet talaga ng bunso namin." Pang-aasar niya rito dahil ang pinakaayaw nitong marinig ay tawaging itong bunso. Pero malayo sa kadalasan nitong reaksyon na pagsimangot ay lumapit ito sa kanya at niyakap siya. "Ate, huwag ka ngang magpanggap na ayos ka kahit alam naman natin na hindi." "Baliw! Kung ano-anong pinagsasasabi mo diyan. Ayos lang ako ano ka ba?" aniya na sinamahan niya pa nang mahinang pagbatok dito. Tumayo na siya at saglit na inayos ang nagusot niyang uniform. "Kailangan mo pa bang pumasok sa MH? Mag-resign ka na lang kaya—" Pumamewang siya sa kapatid at umiling. "Pa