ZONE 23

1157 Words

♥RIANE♥ Ilang beses nang pinatay ni Riane sa isip niya ang kaibigan na si Jessica habang pinipilit ngumiti sa lalaking nasa harap niya na kanina pa kuwento ng kuwento tungkol sa mga lugar na napuntahan nito sa loob ng tatlumpong minuto. Nagsisisi siya na tinulungan niya pang makaiwas ang kaibigan sa blind date na ito. Nagpadala siya sa sinabi nito na baka sakaling ang lalaking makakatagpo niya ay siyang makakatulong sa kanya sa problemang kinasusuungan niya. Pero paano naman mangyayari 'yon? Kung bukod sa halatang peluka ang buhok nito, di yata't hindi uso ang pag-aahit sa lalaki. Hindi siya naghahangad ng pagkaguwapo-guwapong lalaki pero sana naman kahit na sumablay sa fez sana naman maganda ang personality. Eh bukod sa mayabang may pagka-m******s pa ata ang aswang na ka-date niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD