♥RIANE♥ "Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" Malakas na sigaw ni Riane habang titig na titig sa suot-suot niyang long-sleeves polo. Nang iangat ni Riane ang suot-suot ay mas lalo siyang pinamulahan ng mukha nang makitang boxer short ang suot niya. At siyempre hindi na siya magtataka kung kanino ang mga damit na suot-suot niya. "What happened?" Mabilis siyang napatalon sa kama at binalot ang sarili nang nahagip niyang kumot nang bumukas ang pinto at bumungad ang nag-aalalang si Thunder. "Hey Riane, may problema ba?" "Ba-Bakit g-ganito ang suot ko?" "What's wrong with your clothes?" Kunot-noong saad ni Thunder. "A-anong mali sa suot ko? Alam mo ba kung anong suot ko?" Hindi makapaniwala niyang tanong dito. "You're wearing my clothes?" Tumango-tango siya. "Kaya nga. 'Yun ang mali, bakit k