Chapter 18
3rd Person's POV;
Nang makarating sa classroom si Astrid pilit nitong inayos ang expression at hindi pinansin ang mga tingin sakanya ng mga kaklase.
Pumunta ito sa upuan kung saan siya pinaupo ng grupo ni Cadmus at ng makitang wala pa ang mga ito nakahinga ito ng maluwang.
Nang maibaba nito ang bag at makaupo sinubsob nito ang ulo sa desk habang kinakagat kagat ang labi para matiis ang sakit.
'Andiyan na ang blacksphere!'
"Hoy alis hindi diyan ang upuan mo!" Singhal ni Cadmus habang sinipa sipa ang paanan ng upuan kung saan nakaupo si Astrid.
"Pre mukhang tulog si Astrid mamaya mo na gisingin dun kana sa tab---."
"Eh upuan ko yan!" Bulyaw ni Cadmus na kinabuga ng hangin ng binatang si Dwayne hanggang sa---.
"Ano bang problema mo?!" Bulyaw ni Astrid bago naiinis na tumayo at tingnan si Cadmus na nakapamulsahang nakatingin sakanya.
"Upuan ko yang kinauupuan mo dun ka sa harap diba?!" Balik na sigaw ni Cadmus nag gigitgit si Astrid pero hindi ito nag salita at padabog na kinuha ang bag nito at dumaan sa pagitan nina Venedict.
Pero imbis umupo naglakad ito palabas ng classroom na agad nito kinatigil ng masalubong ang grupo ni Callius na palabas ng classroom.
"Ako lang ba o lagi talagang napapagitnaan si Salves." Komento ni Dwayne ng makitang palapit ang leader nitong si Cadmus.
"As---."
"Bakit--."
"May tagos ka." Putol ni Cadmus kay Astrid ng papalag ito matapos yumuko ni Cadmus mula sa likuran niya at ipulupot ang suot nitong jacket sa bewang ng dalaga.
'Anlandi.'
'Takaw eksena talaga ang babaeng yan.'
Lalayo si Astrid ng hawakan siya ni Cadmus at hilahin.
"Babe." Napatingin ang kambal na Acosta at si Astrid ng dumating si Terressa na agad yumakap sa braso ni Callius.
"Parating na daw si prof." Ani ni Terresa habang nakangiting tiningala si Callius na hindi naman nagreact.
"Sige." Sagot ni Callius bago lampasan yung dalawa.
Hindi alam ni Astrid kung anong irereact ng makita ang eksena kanina lalo na ng tawagin ni Terresa na babe si Callius.
"Mr.Acosta at Ms.Salves ano pang tinatayo niyo diy---."
"Dadalhin ko sa clinic si Salves." Pabalyang putol ni Cadmus sa teacher bago halahin ang dalaga na mukhang nawala nanaman sa sarili.
"Teka! Teka nakakahalata na ako kahapon mo pa ako hinihila!" Bulyaw ni Astrid bago pilit na kumawala kay Cadmus ng nasa pangalawang palapag na sila ng hagdan.
"Ngayon ka pa nagreact kung kailan nasa ibaba na tayo ibang klase ka din at talagang sinigawan mo pa ako hindi ka ba marunong magpasalamat!" Pasigaw ding sambit ni Cadmus habang kunot ang noong nakatingin kay Astrid.
"Sino bang may sabing tulungan mo ako ha? For your information wala akong sinabing--- ahh bastos!" Tili ng dalaga ng hiklasin ni Cadmus ang jacket nito sa bewang ni Astrid na muntikan niya na ding ikahulog sa hagdan.
"Oy saan ka pupunta!pahiram ako ng jack---."
"Mag isa ka pumunta sa clinic." Nagdidilim ang anyong sambit ni Cadmus bago walang lingon lingong umakyat ng hagdan.
"Walang hiya kang lalaki ka sana ikaw na lang niregla!" Sigaw ni Astrid mula sa ibaba habang pilit na tinatakpan ang blood stain sa palda niya.
"Ano ba naman kasi Astrid ginagawa mo loka ka pano ka ngayon pupunta ng clinic." Parang tangang tanong ni Astrid sa sarili bago umupo sa baitang ng hagdan habang hawak ang puson dahil kumikirot pa din ito.
"Cadmus nasaan si---."
Naputol ang sasabihin ni Dwayne kay Cadmus ng ibato nito sa mukha niya yung jacket na nakapulupot kani kanina sa bewang ni Astrid na agad niya namang nasalo.
"Alam na." Nakapamulsahang komento ni Alvis ng makita ang leader na anytime papatay nanaman.
"Tara na." Yaya ni Alcide sa tatlo papunta sa kabilang bahagi ng hallway ng sundan ni Venedict ang leader.
Matapos makababa ng tatlo sa pangalawang palapag nakita nila ang dalaga na nakahilig sa railing ng hagdan.
"Astrid." Napalingon si Astrid ng lumapit sakanya sina Dwayne na agad nitong kinatayo.
"Ito oh lagay mo diyan sa bewang mo dadalhin ka namin sa clinic." Ani ni Dwayne pagkatapos ibigay yung jacket na kinuha kani-kanina lang ni Cadmus.
"Kay Cadmus---."
"Binato niya ito saakin its means ibalik namin sayo hindi ka pwedeng bumaba ng may blood stain sa palda mo gamitin mo na yan." Putol ni Dwayne.
"Iba din ang saltik ng leader niyo pano kayo nakakatagal dun para yung bomba na parang laging sasabog." Ani ni Astrid matapos kuhanin yung jacket sa kamay ni Dwayne.
"Mabait naman yun si Cadmus." Ani ni Alvis na kinangiwi ng dalaga dahil hindi ito sang ayon sa sinabi ng binata lalo na unti unti nitong nababasa ang ugali ni Cadmus.
Pero ng tingnan nito ang jacket na hawak at maisuot hindi ito nagsalita at napailing na lang.
"Mabuti pa samahan ka na namin sa clinic." Ani ni Alcide.
"A-ano ... kaya ko naman pumunta sa clinic mag is---."
"Okay nga lang tara na dalhin ka na namin sa clinic para makahingi kana din ng gamot namumutla ka." Putol ni Dwayne.
"I just wondering kung gaano kasakit yan." Ani ni Alvis na kinapula ng pisngi ng dalaga.
"This is a girl thing wag niyo nga iopen up." May pagkadisgusto na sambit ng dalaga na kinatawa ng tatlo dahil tumalikod ito at kahit nahihirapan pinilit nitong bumaba ng hagdan.
---
'Ohmy! Si Venedict at si Cadmus.'
'Kyaah! Ang blacksphere.'
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ni Venedict ng makarating sila sa Senior High building.
Hindi nagsalita ang binata hanggang sa makarating sila sa pangatlong palapag na sa sobrang tahimik hindi mo aakalain na may mga estudyante.
'Si Cadmus.'
'Yan yung kakambal ni president? Ang gwapo niya pala talaga.'
Yan lang ang tanging narinig nina Venedict sa bawat classroom na dinadaanan nila.
Walang teacher pero lahat nasa loob ng classroom at nanahimik.
"Anong ginagawa niyo dito?"
Nakataas ang kilay na tanong ni Calaly Acosta ng mapatingin ito sa labas at makita ang pinsan na nakatayo sa pintuan.
"Kailangan ko ng skirt." Walang buhay na sagot ni Cadmus na muntikan ng ikatumba ni Venedict.
"Kailan ka pa nahilig sa skirt kuya. =_=" pokerface na tanong ng dalaga bago tumayo ng ayos mula sa pagkakasandal sa lamesang nasa unahan ng silid.
"Stop asking Cala i need your f*****g Skirt now." May diing sambit ni Cadmus.