Chapter 20

1042 Words
Chapter 20 3rd Person's POV; "Inaagaw niya na talaga saakin si Callius." "Girl ano ng balak mong gawin ngayon?" "Hindi ako papayag na mapunta sa kahit na sino si Callius. Akin lang si Callius." Nanggagalaiting sambit ng dalaga habang nakatingin kina Callius at Astrid na nagtatawanan palabas ng green house. "Matapos kay Trinity ikaw naman ngayon." --- "Mukhang masayang masaya ka ngayon anak ah." Komento ng ina kay Astrid ng pumasok ito sa bahay nila at magmano sa ina. "May nangyari ba ana--- oww may mga bulaklak kana dala ulit at chocolate." Komento ng ama ni Astrid matapos lumabas sa kusina at lumapit sa dalaga na agad na nagmano. "Galing po kay Callius okay na kasi kami." Nakangiting sambit ng dalaga na kinangiti ng mag asawa. "Minsan dalhin mo yang si Callius dito okay? Gusto namin siya makilala siguradong kasing bait din ng manliligaw mo yung kakambal niya na dinala mo dito." Ani ng lalaki na kinangiwi ng dalaga. "Papa wag niyo nga ikumpara si Cadmus kay Callius mas mabait si Callius dun at siguradong mas magugustuhan niyo siya." Ani ng dalaga na kinangiti ng mag asawa. Matapos tumaas ng dalaga kinuha nito ang maliit na phone sa drawer niya at dinial ang number ni Callius na nakasave sa phone niya. "Hello Callius." Ani ng dalaga bago umupo sa gilid ng kutson at tanggalin ang sapatos at medyas na suot. ["Hey Astrid napatawag ka natanggap mo ba yung flowers at chocolate na pinatong ko sa desk mo."] Bungad ni Callius sa kabilang linya. "Yeah nakuha ko na salamat ah ... ahm Callius gusto k-ka daw kasi makilala nina p-papa kung okay lang." Alanganing sambit ng dalaga dahil medyo nagdadalawang isip ito papuntahin sa bahay nila lalo na maliit lang ito at medyo nakakahiya sa lalaki. Nang matahimik ang kabilang linya---. "Ayos lang naman kung busy ka pwede nama---." ["Hindi ayos lang pupunta ako pakitext na lang sakin yung exact address niyo wala naman kasi pasok bukas."] Ani ni Callius na kinangiti ng dalaga. ["Sige Astrid pahinga kana goodnyt ah."] Paalam ni Callius. "Good---." Bago pa matapos ng dalaga ang sasabihin namatay na ang tawag na kinabuga ng hangin ng dalaga bago humiga. "Bakit pa kaya niya hinihingi student council naman siya siguro naman chinecheck niya lahat ng about sakin." Bulong ng dalaga habang nakahiga at nakatingin sa kawalan. --- Maaga pa lang gumising na si Astrid para maglinis at ayusin ang bahay para sa darating na bisita na kinataka ng mag asawa. "Anak ang aga mo nagising." Komento ng ina ng dalaga ng makita si Astrid na nagpupunas ng bintana at nagpapalit ng kurtina. "Darating po kasi si Callius gusto ko lang ayusin yung bahay." Sagot ni Astrid na kinangiti ng ina. "Iba din anak natin humahawak ng basahan at walis pag may darating lang na bisita." Komento ng ama na kinasimangot ng dalaga. "Papa naman eh." Ani ng dalaga na kinatawa ng mag asawa. "Siya magluluto ako ng umagahan." Ani ng ina ng dalaga bago pumasok sa kusina. Halos kalahating araw naghanda ang pamilya ni Astrid para sa pagdating ng binatang Acosta. "Mama! Andiyan na daw si Callius." Tuwang tuwa na sambit ng dalaga ng mabasa ang text ng binata sa maliit nitong phone. "Puntahan mo na kami na bahala dito." Ani ng ina ng dalaga matapos ayusin ang cover ng sofa. "Sige ma." Ani ng dalaga bago lumabas ng bahay. "Dapat na ba nating pagsabihan si Astrid?" Tanong ng lalaki matapos lumabas sa kusina. "Nakita mo ba ang excitement sa mukha ng anak natin Mario?" Nakangiting sambit ng babae bago lingunin ang asawa. Hindi nagsalita ang lalaki at tiningnan ang pinto kung saan lumabas ang anak. -- "Mr.President!" Nakangiting sigaw Astrid ng makita si Callius na nasa labas ng kotse at tumitingin sa paligid. "Astrid saan bahay niyo dito?" Tanong ni Callius ng makita ang dalaga na tumatakbo papasok ng gate kung saan pumarada ang binata. "Wala dito maglalakad pa tayo dito hindi mo naman kasi pwede iparada kotse mo dun." Ani Astrid bago hawakan si Callius na kinangiti ng binata. Matapos isara ang pinto ng kotse sumunod siya sa dalaga ng hilahin siya nito palabas. Habang naglalakad nagkukwentuhan sina Astrid at Callius hanggang sa makarating sila sa isang eskinita na kinawala ng ngiti ng binata. "Dito bahay niyo?" Tanong ni Callius na kinatango ni Astrid matapos mawala din ang ngiti nito ng makita ang pagdadalawang isip ni Callius na pumasok. "Tara na baka nag aantay na sina Tito at Tita." Ani ni Callius na kinangiti din ng dalaga. Sa kabila ng ngiting yun hindi maiwasang makaramdam ng ilang at hiya si Astrid ng makitang palihim na ginugusot ni ni Callius ang ilong at iniiwasan ang mga batang lumalapit sa kanila. "Astrid! Pakilala mo naman yang kasama mo baka gusto muna niyang uminom dito." "Manong Roy tanghaling tapat umiinom kayo." Natatawang sambit ni Astrid. "Astrid." Ani ni Callius na kinatingin ng dalaga. Nang makitang hindi komportable ang kasama yumuko ito ng konti at hinarap ang mga nag iinuman. "Next time na lang siguro Manong Roy inaantay kasi siya nina Papa." Pilit ang ngiting sambit ng dalaga. "Oh siya sige basta sa sushunod[susunod] na puntya[punta] niya dito iinom siya kasama namin." "Mukhang mayaman pare ang ganda ng relo." Hinawakan ni Astrid si Callius paalis ng gumusot ang mukha ng kasama. "Pagpasensyahan mo na ganun talaga mga tao dito." Ani ni Astrid ng hindi tinitingnan ang kasama. "Ayos lang pasensya na din ito kasi yung unang pagkakataon na nakapunta ako sa ganitong lugar." Mababa ang boses na sambit ni Callius na kinangiti ng dalaga. Pero deep inside nalulungkot ito dahil mas lalo niyang naramdaman ang layo ng agwat nilang dalawa kung gaano ito kataas para sa tulad niya. --- "Mario tingnan mo kamukhang kamukha niya yung binatang pumunta dito." Natutuwang sambit ng babae ng makapasok sila sa maliit na bahay ng dalaga. "Kamukha?" Bulong ni Callius bago tingnan ang mag asawa na lumapit sakanila. "Papa, Mama ito si Callius." Nakangiting sambit ni Astrid. "Callius mama at papa ko." Ani ni Astrid bago itaas ni Callius ang kamay para makipag kamay sa ama ni Astrid. "Callius Acosta, Mr and Mrs Salves." Nakangiting sambit ng binata. "Ayos lang iho madumi kamay ko." Ani ng lalaki na kinangiti lang ni Callius bago ibaba ang kamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD