Paggising ni Francine nagulat siya nang mayroong dextros ang kaniyang kamay, hinablot niya ito at sumigaw, nagulat sina Lorrene at Froilan nang hablutin ni Francine ang karayom sa kaniyang kamay. “Anak huwag mong tanggalin ‘yan please kailangan mong mabuhay at magpalakas huwag mo akong iiwan anak please, nandito lang ako at ang daddy mo nagmamakaawa ako sa ‘yo anak magsalita ka kausapin mo kami ng daddy mo. Huwag mong kimkimin ang nararamdaman mo diyan sa puso mo. Nakikiusap ako sa ‘yo anak please.” Tinititigan lang ni Francine si Lorrene walang salitang lumabas sa kaniyang bibig kahit si Froilan ay ayaw kausapin ni Francine. Alam niyang hindi maintindihan ng dalawa ang kaniyang nararamdaman ngayon kaya mas pinili niyang manahimik at umiyak nang umiyak. “Francine maawa ka sa akin magsa