Six : Wolf

1549 Words

Hindi ako nagsalita sa sinabi niya at nakipag-titigan lang ako. Siya rin naman ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob na patubuin ang sungay ko, kung may balak pala siyang hasain, edi sana noon pa lang ginawa na niya, noong kaya niya pa akong kontrolin. Dahil ngayon, hindi ko hahayaang madampian man lang ng daliri niya ang mga sungay ko. Pinagsalikop niya ang malalaki niyang kamay sa ibabaw ng kanyang mesa at umupo ng tuwid. Handang sabihin sa akin ang kung ano mang ganti niya sa ginawa ko kay Mr. Gomez. “I want you to keep an eye on Akari Diez.” diretso niyang saad na tila ba sigurado siyang aayon ako agad sa utos niya. Agad na nagpanting ang tenga ko sa binanggit niyang apelyido. Ang apelyidong iyon ang isa sa pinaka-kinasusuklaman ko. Hindi pa ba siya tapos sa mga Diez na yun? Akala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD