Eighteen : Martina

2086 Words

Isa na namang papel ang nakita ko sa sahig ng apartment ko. Kagaya ng papel na inilagay ng stalker ko kagabi sa pintuan ko. Kaagad kong tiningnan ang pintuan at lalong nanlaki ang mga mata ko nang makitang hindi iyon naka-lock. Hindi ko alam kung nakalimutan ko ba yun, o nakapasok na siya ng tuluyan? Matinding kaba muli ang bumalot sa akin at parang hindi ako makahinga. Agad kong hinigpitan ang pagkaka-pulupot ng tuwalya sa aking katawan. Wala naman siyang ibang mapagtataguan dahil maliit lang naman ang apartment na ito, wala namang ibang kwarto na pwede niyang puntahan, kung sa c.r, ay kagagaling ko lang dun, wala naman akong malaking ataul o kung ano man… ang tangi lang na pwede niyang pag-taguan na naiisip ko ay ang… Dahan-dahan akong umatras papalayo sa aking kama at pinanatili ko a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD