Three : Martina

1721 Words
Nang magising ako ay nag-anunsyo na ang barko na isang oras na lang ay nasa Mortis na kami, kaya naman agad na akong nag-ayos ng aking mga gamit at gayundin ang aking sarili. Magkahalong excitement and fear ang nararamdaman ko nang makita ko na ang Mortis na papalapit, ang mga naglalakihang mga buildings, ang mausok na ulap, at kahit dito pa lang ay naamoy ko agad ang kakaibang amoy nitong kahit kailan ay hindi ko pa nalalanghap. It smells of smoke, rust, food, and perfume all at once, at habang mas papalapit pa kami ay unti-unti na ring nauulinigan ng aking tenga ang ingay ng paligid, ang iba’t-ibang ingay na kung saan-saan nanggagaling. Maybe because, as an island naive woman, everything I smell and hear gives me a thrill inside my racing heart. Ngunit kung siguro dito ako lumaki, o kagaya nitong mga kasama ko sa barkong babalik lang muli dito, mula sa bakasyon nila sa Aurelia, malamang ay kagaya nila ang ekspresyon ng mukha ko, malungkot at parusa ang pagbalik dito, kasi… sino pa ba ang mas nakakakilala sa lugar na ito, kundi silang ranas na ranas na ang pait ng siyudad na ito, kitang-kita ko iyon base sa itsura at mga kilos nila. Habang isang mabigat na buntong-hininga ng nakasimangot na babae ang binitawan nito bago tumungtong ang mga paa sa daungan ng Mortis, ako naman ay isang malalim na hiningang may kasamang ngiti sa labi ang naging salubong ko sa lugar na ito. Kahit pa alam kong malaki ang posibilidad na hindi maganda ang kahihinatnan ko bilang isang probinsyana sa lugar na ito, ay punong-puno pa rin ako ng pag-asang hindi naman siguro ganun kasama ang mangyayari sa akin dito, kasi naniniwala ako sa kasabihan na ‘you write your own destiny’, and I want to start writing it in a positive manner. “Bago ka lang dito Miss, noh?” napalingon ako sa isang lalaking amoy sigarilyo. Magulo ang buhok niya at medyo madungis ang mukha. Kahit naman probinsyana ako, alam ko naman ang ibig sabihin ng mga ngiti niya at kung paano niya ako tingnan. I don’t want to be judgemental, but I also need to be careful. “Pangalawang punta ko na po dito.” saad ko. Tinaasan niya ako ng kilay, hindi kumbinsido sa aking pagsisinungaling. Hindi ko alam kung masyado ba akong halata, o masyado lang siyang mapagmasid. “Bakit parang ang saya saya ng mukha mo? Nakita mo ba ang mga kasamahan mong bumaba? Sinusumpa nila ang pagbalik dito. Isang laking isla lamang ang ngumingiti habang bumaba ng barko dito sa Mortis, kaya alam kong bagong salta ka lang dito.” mahabang litanya niya. If he’s so sure, why is he still asking me? “Kikitain ko po kasi ang nobyo ko, kaya ako masaya. Mawalang galang na po, sasakay na po sana ako ng taxi.” binigyan ko pa rin siya ng isang napilitang ngiti, para hindi ko naman siya mabastos at iiwasan ko na sana siya nang bigla niyang hawakan ang kaliwang pulso ko. “Ganyan din ang sinasabi ng lahat ng bagong salta dito. Saan mo naman kikitain ang nobyo mong hindi mo pa naman nakikilala?” nakakainis niyang tanong. Madiin ang pagkaka-hawak niya sa aking pulso, at kahit anong piglas ko ay hindi ko mabawi ang aking kamay. “Jaime! Tigilan mo na nga ang pananakot sa mga bagong dating at tulungan mo dito si Ma’am.” napalingon kami pareho sa tumawag sa kanya, at dahil off guard siya ay gumaan ang pagkakahawak niya sa akin, dahilan para mabawi ko ang aking kamay at mabilis akong tumakbo. “Miss!!!” sigaw pa niyang nagpa-kilabot pa sa akin. Mabilis akong sumakay sa isang nakatigil na taxi, at hingal na hingal akong nakatingin pa sa labas, tinitingnan kung sinusundan pa rin ako ng manyak na yun, at nang makita ko siyang binatukan noong lalaking tumawag sa kanya ay nakahinga na ako ng maluwag. Paglingon ko sa gawing kaliwa ng taxi ay nagulat ako nang may katabi akong isang lalaki. “Ay! Sorry po!” agad kong paumanhin nang mapansing nauna siya sa akin dito, at dahil sa takot ay basta na lang akong pumasok nang hindi inaalam kung may nakasakay na bang iba. Lalabas na sana ako nang magsalita ang lalaki. “It's actually a carpool, so you're welcome to join, kulang pa talaga kami ng isa.” sabi niya at napalingon pa ako sa isa pang nakasakay sa unahan bukod sa driver. “Yeah, perfect timing. Tara na, manong.” nakita ko ang ngiti nung babae na nasa unahan sa rear view mirror ng taxi na ito. “Salamat.” naiilang kong sabi sa kanilang tatlo kasama yung driver. “It’s okay, okay ka lang ba? Mukhang may humahabol sayo, ah.” tanong nung babae. “Ayos lang naman… akala ko nga hinahabol niya pa rin talaga ako.” napahinga pa muli ako ng malalim sa takot at pandidiri nang maalala ko kung paano ako nginitian at kinausap ng manyak na iyon. “Naku, mag-iingat ka, maraming loko-loko dito sa Mortis.” Ngiti lang ang tangi kong isinagot sa kanya, kasi tama naman siya at napatunayan ko agad iyon, kahit wala pa naman ginagawa ang lalaki alam kong may balak pa rin siyang gawing hindi maganda. “You’re new here, right? Where are you from?” yung babae ulit ang nagsalita. Nilingon ko itong tahimik na lalaking nakasalamin sa tabi ko, at nang mapansin niya atang tinitingnan ko siya ay nagkatagpo pa kami ng tingin, ngayon kahit gusto ko sanang iiwas na ang mga mata ko sa kanya, huli na ang lahat para bawiin ko pa ang mga titig ko. Unti-unti ko na lang siyang nginitian para mawala ang awkwardness sa pagitan naming dalawa. Hindi naman siya nag-suplado at tipid niya rin akong nginitian, bago ibinalik muli ang atensyon sa hawak niyang cellphone. “So, where are you from?” Nakabalik lang ako sa kuma-kausap sa aking babae nang lingunin na niya ako. Nakangiti siya at kita ang interes sa kung saang lupalop ako ng mundo galing. “Sa Aurelia.” sagot ko. Namilog ang bibig pati na rin ang mga mata niya, at nilingon ang lalaki sa tabi ko. “You went to that island last summer, right?” tanong niya sa lalaki. Nilingon kong muli itong katabi ko, nilingon niya rin muna ako bago tiningnan ang babae sa unahan namin, magkakilala pala sila. “Olive, could you please not be a creep? Baka naiilang na siya sayo.” saway nito doon sa babae. Ngumiwi na may kasamang irap ang ipinakita sa kanya ng babaeng tinawag niyang Olive at saka nagsalitang muli, “But did you or did you not?” Huminga ng malalim ang lalaki saka sumagot, “Oo na, nanggaling na ako dun. It’s not like I’m the only one who was there last summer.” “Kahit na… it's still a coincidence, you know. So, what’s your name?” baling muli sa akin ni Olive. “Bakit kaya hindi mo muna siya tanungin kung saan siya bababa, bago mo siya interviewhin,” napalingon muli ako sa lalaki nang balingan niya ako, “Pasensya ka na Miss sa kapatid ko, malaki talaga ang interest niyan sa mga strangers, anyway, saan ka pala bababa? Baka malagpasan mo iyon.” Nailang pa akong amining hindi ko naman alam kung saan, “Ah… sa totoo lang… h—hindi ko rin alam.” Nalaglag ang panga nila ng malamang wala naman akong plano sa pagpunta ko dito sa Mortis, at mas lalo silang napanganga nang sabihin kong pumunta ako dito nang hindi nagreresearch ng mga possible na tutuluyan kong apartment, hotel, dorm or even bedspace, at wala rin akong naka-abang na trabaho. Sinabi nila na, dapat daw bago ako umalis sa amin ay ready na ako, dahil lolokohin ako ng mga tao dito, sa rent price, at sa pag-aaplayan ko. Baka kung saan-saan pa raw ako ituro ng mga taong pagtatanungan ko kung sakali, worst is aakalain kong sa office ako magwo-work, but in the end sa club pala, tapos strip dancer or prostitute ang work ko. Marami na raw kasing nabiktimang ganun at madalas ay mga bagong salta, and hindi na sila nakaka-alis doon kasi bukod sa mahigpit ang security ng mga clubs na yun, o kaya pagbabayarin ka ng malaking halaga para makaalis ka sa kanila. “Next time Martina, be careful. This place can eat you for like a span of thirty minutes, if you’re not careful. I’m sure you’ve heard na delikado dito, and I’m telling you girl, legit yun.” paalala ni Olive sa akin, habang nanananghalian kami ngayon dito sa isang restaurant. “Even the smartest one could be a victim here.” sunod na paalala ni Oliver. “Pwede… pwede niyo ba akong tulungan?” tanong ko sa kanila. Mukha naman silang mga mapagkakatiwalaang mga tao, o sadya lang akong mabilis magtiwala? Doon kasi sa Aurelia, walang mga ganun. Kahit bago kang salta, hindi kailanman nakapang-loko ang mga tao dun, sila pa nga ang naloloko ng mga turista. “Sure, first, you need a place to stay here. Do you want a long term rent or okay lang sayo yung monthly ka magbabayad?” tanong muli ni Olive. “Kahit ano, basta yung mag-isa lang sana ako…” Kumunot ang noo ni Olive, “Are you sure?” tanong niyang muli at tumango lang ako. “Gusto ko kasi sanang maranasan na maging totally independent, though I know ngayon kinakailangan ko yung tulong nyo.” paliwanag ko. Medyo natawa si Olive sa sinabi ko. “Sorry, pero… okay lang naman na maging independent ka, but at the same time ay nanghihingi ka rin ng tulong sa iba. You know, ‘no man is an island’.” Isang naiilang na tango lang ang isinagot ko. “Can I ask, what do you do for work?” tanong naman ni Oliver. “Ah… I’m a licensed librarian.” Kaagad nanlaki ang mga mata ni Olive at natulala naman si Oliver. “I told you! Coincidence!” nagulat ako sa pagsigaw ni Olive at pati na rin si Oliver, napatingin din ang ibang mga kumakain dito sa restaurant. “Sorry po… sorry po” paumanhin ni Olive sa mga naabala ng sigaw niya. “I told you, Kuya, coincidence talaga na magkita-kita tayo. Destiny.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD