CHAPTER TWO: The Prince
“B-bakit… ano’ng nangyari sa mukha ko? Mukha ko ‘to?” Naiusal ko sa gulat.
Agad na lumapit si Bea sa akin at pinulot ang damit sa sahig na nabitawan ko doon. Pinihit ako paharap ni Bea sa kaniya at halos mapaatras ako nang bigla niyang tinaas ang nightgown na suot ko.
“A-ano’ng ginagawa mo?” Nahihintakutan kong tanong nang simulan niya akong hubaran. Agad na niyakap ko ang sarili.
Malalim ang buntong hininga ni Bea bago siya sumagot. “Bibihisan ko po kayo, kasi kailangan na po talaga nating magmadali,” sabi niya at walang kagatul-gatol na namang itinaas ang nightgown ko na pawang gawain na niya ito noon pa.
Mabilis akong umatras palayo sa babae. “T-teka, ako na.”
Hinablot ko sa kamay niya ang dress at umatras na naman ulit.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, at kung paanong pawang nasa ibang katawan ako ng ibang tao (o… prosthetics? Pero grabe naman!) pero kahit na hindi sa akin ang katawan na’to, ayaw ko pa’ring hinuhubaran ako kahit na pareho lang kaming babae.
Huminga ng malalim si Bea at saglit na napapikit. “Ayaw ko pong maparusahan tayong dalawa, kaya nakikiusap ako sa’yo, Miss Lily. Magbihis na po kayo at bumaba na tayo. Pakiusap po.”
Kitang kita na ang desperasyon sa malamlam na mga mata ni Bea, at kahit na hindi ko pa rin gets ang mga pangyayari, at feel ko ay gino-good time pa rin ako, hindi ko maiwasang makita kung gaano siya ka seryoso.
Takot talaga siya.
“Sige, pero… may tanong ako.” Magsasalita na naman sana si Bea, para sana magprotesta, pero tinaas ko ang isang daliri.
“Last na. Ito na talaga.” Wala siyang nagawa at tumango nalang.
Nakakakonsensya naman ang takot na takot na ekspresyon sa mukha niya. Bumuntong hininga muna ako bago nagsimula.
“Nasaan ako? Sino si Giselle at sino ‘yung Senyor?”
Kinagat ni Bea ang pang-ibabang labi niya na para bang naiinis na rin sa akin. Pero oi, ako ang dapat na mainis no! Dapat niya akong sagutin ng maayos bago ko pa sila pag-untugin ni Patty.
Umiwas siya ng tingin sa akin at bumuga ng hangin. At para bang napupuno na sa akin ay mabilis nalang niya akong sinagot.
“Nasa kaharian ka ng Lineo, Miss Lily. Si Miss Giselle ay kapatid mo na kikitain ang prinsipe ng Lineo dahil sa susunod na dalawang buwan ay ikakasal sila. At ‘yung Senyor kanina ay iyong ama na si Miguel Allen. Kaya halina po kayo, dahil kailangan na nating magmadali para sa pagtitipon.”
Napanganga ako at walang nasabi. Hindi ko pa rin maintindihan ang mga pangyayari.
For a prank, they sure had a very well-made story. At may pa-kasal kasal pang kasali. Ano ‘to? Month-long prank? Two months pala, yun sabi niya, eh.
Nakita na naman siguro ni Bea ang naguguluhan kong mukha nang napahawak na siya sa noo niya. “Kung gusto niyo rin pong tanungin kung sino ka, ikaw po si Miss Lily Puffwel, anak ni Lord Miguel at Lady Gertrude. At ako po ang nakaatas na tagapagsilbi niyo ilang taon na ang nakakalipas. Ayan na po lahat ng kailangan niyong malaman. Magbihis na po kayo.”
May binuksang pintuan si Bea sa gilid ng aparador na hindi ko man lang napansin kanina, at doon, bigla niya na naman akong tinulak. Napakapit nalang ako sa dress na hawak ko at hinayaang pagsarhan niya ako ng pintuan.
Napatingin ako sa paligid. Nasa banyo pala ako. Napabuga nalang ako ng hangin.
Tinaas ko sa hangin ang dress na hawak at napahawak sa pisnge ko. Pinakiramdaman ko ang sarili.
“Nananaginip kaya ako? Sobrang makatotohanan naman yata ang pakiramdam.” Naiusal ko sa sarili.
Naisip ko ang kapatid kong mahilig mang-good time. Hardcore ‘yun mang prank minsan, pero sa sitwasyon ngayon, parang sobrang high quality naman yata ng props niya at sobrang galing ng mga actors na kinuha niya.
Tsaka, afford ba niyang kumuha ng actors at actress? At parang nabuo na ang storyline nila para sa prank na’to. Lalong lalo sa lahat, kaya ba nilang e prosthetic ang buong mukha at katawan ko ng ganito ka galing na hindi ko malalaman? Tsaka, para saan naman ang prank na ganito ka laki?
Nilagay ko sa lababo ang dress at pinakiramdaman ang bewang ko. Ang liit. Wala man lang bilbil halos. Tinaas ko ang dalawang kamay at nakita kung gaano ako kaputi at payat. Medyo maputi na talaga ako at medyo payat, pero…
Napatingin ako sa dibdib ko. Payat ako no’n pero, pati dibdib ko payat. Hindi katulad ngayon…
“Ano ba talaga ang nangyayari?” Usal ko sa hangin at napapikit. Nananaginip ba talaga ako? Tinapik ko ang sariling mga pisnge. Lumakas ng lumakas ang bawat tapik ko hanggang sa pinisil ko na rin ang braso ko, pero wala pa rin. Hindi pa rin ako nagigising at nandito pa rin ako sa katawan na’to.
“Miss Lily? Gusto niyo po bang ako na ang magbihis sa inyo?”
Napamulagat ako sa boses ni Bea galing sa labas. “I-Ito na! Ito na!”
Mabilis akong gumalaw at agad na sinuot ang dress na binigay niya sa akin. Saktong sakto lang sa akin ang damit at medyo naninibago pa rin ako sa katawan ko. Even my skin feels different. As if hindi talaga ito ang katawan ko at hindi lang ako naka prosthetics at hindi ako nananaginip.
“Ito po sapatos, isuot niyo na po.” Bungad ni Bea sa akin pagkalabas ko. Kita ko ang pagkabalisa sa mukha ng babae kaya hindi na ako nagsalita at agad nalang na sinuot ang sapatos.
“Tapos na,” sabi ko at umayos ng tayo. Tumango si Bea at agad na naglakad palabas ng pintuan. “Tara po.”
Napapikit ako saglit. Kung anuman ito, sasakyan ko nalang muna.
***
“Took you long enough to get dressed in that piece of garbage.”
Iyon ang agad na sinabi ng babaeng nasa harap ng isang vanity mirror sa loob ng magandang silid na binuksan ni Bea. Napatingin pa ako sa paligid nang magsing-abot ang mga mata namin.
Ako ba ang kausap niya?
“You look stupid, Lily, as usual.” Tinaasan niya ako ng kilay at muling tumingin sa harap ng vanity mirror. Agad naman na may nag-ayos ulit ng buhok niya, as if it wasn’t done pretty enough.
Maganda siya. Iyong pang international model na maganda. Elite. Classic. Kita kahit na nakaupo siya na matangkad siya. May matingkad siyang brown na mga mata, chestnut brown, at medyo blonde na buhok. Nakasuot siya ng isang cream-colored gown na may golden streaks sa iba’t ibang bahagi. She definitely looks like a princess in that get-up.
“You better make sure not to look stupid once we face the royal family. Well, not that you can help it.” Tumawa siya kasama ang dalawang babae na nag-aayos sa kaniya. Agad nangunot ang noo ko.
Aba! Kung gaano siya kaganda, gano’n naman kapangit ang ugali niya. Balahura! Tsaka akala ko ba magkapatid kami sa storyang ‘to?
“Ano’ng—“ bago pa ako makapagsalita, agad na inunahan ako ni Bea na naglakad palapit sa babae.
“Pasensya na po, Miss Giselle. Medyo hindi lang maganda ang pakiramdam ni Miss Lily ngayon kaya hindi kami agad nakapunta dito para tumulong,” sabi ni Bea na agad na kinuha ang jewelry box na nasa higaan at inabot sa babaeng balahura ang ugali.
“You don’t need to make excuses for that girl. We all know she’s stupid.” Muli na namang tumawa ang tatlo.
Napatingin si Bea sa akin at agad na nakita ko ang panghihingi ng patawad sa mga mata niya para sa babaeng nang-aalipusta sa akin ngayon—o kay Lily… ah, basta!
“And stop calling her Miss. The moment we all knew she wasn’t my father’s daughter, every title and right in this house she had was cut out. She’s a servant now.”
Nakangising muli akong binalingan ng tingin ni Giselle. “I’ve always known she wasn’t part of us. Good thing I’m always right.”
Malaki ang nakapaskil na ngiti sa bibig niya, at kung hindi lang puro kasamaan ang lumalabas sa bibig ng babaeng ‘to, nasabi ko na sigurong sobrang ganda niya. Pero totoo nga. Sobrang nakakapangit ang pangit na ugali kahit gaano mo pa kaganda. ‘Di nakakaganda ‘yun. Nakakawala ng appeal.
“Hindi ko alam kung ano ang nangyayari,” pagsasalita ko na ikinakuha ng atensyon nilang lahat. Tinaasan ako ng kilay ni Giselle na agad ko namang tinapatan ng matalim na titig.
“Pero hindi mo ikakatalino ang pang-aalipusta ng iba. Lalo na’t hindi mo ikakaganda ‘yun. Ikaw pa naman sana ang pakakasalan ng prinsipe pero ang pangit ng ugali mo.” Agad na napasinghap ang dalawang bataan ni Giselle, pati si Bea, parang nabibiglang napatingin sa akin.
Tinaas ko ang noo ko nang sinamaan ako ng tingin ni kapatid ko kuno. “Kung totoong kaharian ‘to, isa ako sa unang-unang tututol sa pagiging prinsesa mo. Paano mo pamumunuan ang kaharian na’to kung hindi mo man lang alam paano kontrolin ang sarling kasamaan mo? Grow up, missy.”
“You—“ singhap ni Giselle at napatayo pa sa upuan niya. Tinaasan ko lang din siya ng kilay at agad na tinalikuran sila.
Ang sama ng ugali porke’t maganda at mayaman—o kung totoo nga ba ang lahat ng ‘to. Ah, basta! Nakakainis siya!
Agad akong lumayo sa lugar na iyon kahit na wala akong ideya kung saan ako lalabas. Ang haba ng hallway na nilalakaran ko, at hindi ko halos ma-trace kung saan kami lumusot ni Bea para makapunta dito kanina.
“Miss Lily,” narinig ko ang boses ni Bea at wala sa sariling agad akong napatakbo.
“Miss Lily! Teka!”
Kumaripas ako ng takbo at lumiko sa pinakaunang likuan na nakita ko. Sa kasamaang palad, isang mahabang hallway na naman ang napuntahan ko at patuloy akong tumakbo.
Kung anuman ito: pang go-good trip man, o panaginip, ayaw ko na dito. Gusto ko nang umuwi.
Lumiko na naman ako sa nakita kong likuan at isang hallway na naman ang nabungaran ko.
Ano ba’ng klaseng lugar ‘to? Maze ba’tong napasukan ko?
“Miss Lily! Saan po kayo pupunta? Hintayin mo ako!” Nataranta na naman ako nang marinig ang boses ni Bea. Gusto ko nang umuwi sa amin!
Sa ‘di kalayuan, may nakita akong likuan na naman. Agad akong nagdasal na sana labasan na talaga ‘to, kasi mababaliw na ako sa laki ng lugar na’to!
Please lang!
“Thank you, Lord!” Masaya kong anas nang bumungad sa akin ang mahabang hagdanan na binabaan namin ni Bea kanina. Nilampasan ko iyon at agad na pumihit papunta sa malaking double doors sa may harapan.
“Miss Lily!” Nasundan na naman ako ni Bea kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko kahit na may ibang tao nang napapatingin sa akin.
“Lily? Anong ginagawa—“ sabi ng matandang lalaki na nasa may pintuan. Naka-itim siyang coat na parang pang 19th century na chauffeur. Kakausapin niya sana ako pero nilampasan ko siya.
The more na tinatawag nila ako sa pangalan na iyon, the more na ginugusto kong makalayo sa lugar na ito. Ano ba talaga ang nangyayari sa akin? Gusto ko nang gumising o makauwi!
Nakalabas na ako sa pintuan at halos mapanganga pa ako sa nabungaran kong tanawin. Ang ganda! Ang lapad ng lupain at laki ng garden nila!
“Miss Lily!” Napatingin ako sa likod at nakita si Bea na nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa akin na patuloy sa pagtakbo.
“Hayaan mo na ako, Bea! Gusto ko nang makauwi—ahhummph!”
Nabangga ako at agad na natumba dahil sa impact. Napasalampak ako sa sahig at agad na napangiwi nang maramdaman ang hapdi sa tuhod at mga kamay. Aray!
“Anong malas ba ang mayroon ako ngayong araw at hindi lang sampal ang nakuha ko?” Mahinang usal ko sa sarili at tumayo.
Pinagpag ko sa suot na damit ang madumi at dumudugo kong mga palad. Tiningnan ko rin ang tuhod ko at nakitang madumi rin ito at mas may malapad na sugat. Napangiwi ako sa nakita. Sobrang smooth at fragile naman ‘ata ng balat ng Lily na ito.
“Sampal? Someone slapped you across the face?”
Nabaling ko sa harap ang tingin at doon ko palang napansin ang dalawang lalaki na nasa harapan.
Kagaya ni kuya na tumawag sa akin kanina, nakapormal sila na kasuotan. Pero parang mas magara ‘tong sa kanila. May gold designs sa suit ng isa, samantalang silver naman ang design no’ng isa. Sila ‘yung nabangga ko kanina?
Ang tibay, ah. Parang haligi ‘yung nabangga ko eh.
Napahawak ako sa pisnge ko sa tanong ng lalaking may silver designs ang suot. “Ah—“
“You’re bleeding.” Usal na naman ng mas batang lalaki na nagtanong sa akin. Sa harapan ko naman may isa pang lalaki, ‘yung may gold streaks sa suot niyang suit, (pakiramdam ko siya yung nabangga ko), pero seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Or more like, medyo walang emosyon. Walang pakialam.
Binaba ko ang kamay sa gilid ko at sumagot. “Ah, oo. Nadapa lang.”
“Yeah, we saw. We’re sorry for blocking the way.” Saad na naman ng mas batang lalaki.
“Ayos lang. Sige, mauna na ako.” Tinapik ko sa balikat ang nakababatang lalaki at kita ko ang amusement sa mga mata niya. Nakita ko rin ang kakaibang ekspresyon ng mga taong nasa gilid (na ngayon ko lang din napansin) pero hinayaan ko nalang sila at patuloy na naglakad. Pero may biglang nagsalita.
“Did you just tap him?”
Napahinto ako at napapihit patalikod. Yung lalaking parang kasing edad ko ang nagsalita. Seryoso pa rin ang ekspresyon niya sa mukha.
“Bakit?” Tanong ko na ikinagulat na naman ng mga taong nasa paligid.
Napakunot ang noo ko. Kahit si Bea ay hindi na sumunod at nandoon nalang sa harap kasama yung kuya na parang chauffeur, gulat na gulat rin sa nasasaksihan. Nanlalaki pa ang mga mata nila.
Bakit ba sila nagugulat? Kung may tao mang dapat na magulat dito, ako ‘yun. Eh, hindi ko sila kilala lahat dito.
“Bakit?”
Naibalik ko ang atensyon sa lalaking nasa harap. Binalik niya lang ang tinanong ko. May katiting na amusement akong nakikita sa mukha niya. Pero hindi ‘yung magandang klase ng amusement. ‘Yung parang hindi makapaniwala.
The man suddenly stepped towards me. Instinctively, napahakbang ako paatras. Hindi huminto ang lalaki sa paglapit sa akin, and this time, hindi na ako gumalaw kahit na medyo intimidated na ako sa kaniya.
Sobrang matangkad siya. Parang nasa leeg niya lang yata ang ulo ko.
Sinalubong ko ang mga mata ng lalaki nang titigan niya ako. Hazel eyes. Nagtatalo ang brown at green sa mga mata niya.
Muli siyang nagsalita na ikinabalik ng atensyon ko sa nangyayari.
“You don’t act that way to the prince of Lineo.” Agad na nanlaki ang mga mata ko. Napatingin ako sa medyo bata pang lalaki. Siguro magkasing edad sila ni Patty. 16 or 17, ganun.
“Ikaw ang pakakasalan ni Giselle? Ang bata mo pa!”
Nagugulat kong usal. Akala ko naman kasi na mas matanda kay Giselle o kahit man lang kasing edad niya ang prinsipe na pakakasalan niya. Malay ko ba kung totoo ito o hindi, pero parang ang sagwa naman yata.
Well, para sa akin lang naman. Malay ko ba kung gusto pala ng batang ‘to ng mas matandang babae, at mas gusto pala ni Giselle ng mas bata sa kaniya. Base sa preference ko lang naman ako nagre-react.
Pero umiling ang batang lalaki. Malapad ang ngiti niyang nakatingin sa akin.
“No. He’s the one marrying Lady Giselle as the crown prince of Lineo.” Turo niya sa lalaki sa harapan ko.
“That’s Prince Calum, the heir to the throne of Lineo.”