CHAPTER ONE: A Slap to the New Reality

1634 Words
CHAPTER ONE: A Slap to the New Reality “Miss?” I groaned. “Miss Lily, bumangon na po kayo.” May kumalabit sa akin. Nangunot ang noo ko. “Ano ba... hindi pa tumutunog alarm ko,” antok kong saad at agad na tumagilid. Pero mas nilakasan pa ang pagtapik ng kapatid ko sa akin. “Miss Lily, bumangon na po kayo. Paparating na si Senyor.” Inalis ko ang kamay ng kapatid ko sa akin. Patty naman, eh! Umagang umaga, nangungulit na naman! May pa-Miss miss pa. “Pat, huwag ngayon, please. Sobrang pagod ko kagabi sa trabaho. Bumalik ka muna sa higaan—“ Naputol ako sa pagsasalita nang biglang pahampas na bumukas ang pintuan na dumagundong sa kwarto namin. Ano ba naman! Natutulog pa ‘yung tao, eh! “Sabihin mo bukas pa sahod ko. Bukas na tayo magbabayad ng upa—“ bulong ko kay Patty pero naputol ako sa pagsasalita nang suminghap siya at sinabing, “Senyor.” Medyo inis at walang gana na binuksan ko ang mga mata ko para harapin ang pumasok sa kwarto namin ng padabog. Walang patawad talaga ‘tong si Ate Gina. Di man lang kinonsider na maglilimang taon na kaming nagungupahan sa kaniya. Nagbabayad naman ako ng maayos! Pero imbes na si Ate Gina, ang landlady namin, ang makita ko, isang lalaking galit na galit ang mukha ang bigla nalang nagmartsa patungo sa akin. Napaupo ako sa higaan nang makita kung gaano ka galit ang mukha niya. Nangunot ang noo ko. Sino siya? “Bastarda!” “Ah!” Napasinghap ako at napahawak sa pisngi sa sakit. Nanlalaki ang mga mata kong napabaling muli sa matandang lalaki na bigla nalang sumampal sa akin. “B-bakit…” Wala sa sarili kong naiusal. Kumabog ng mabilis sa kaba at gulat ang dibdib ko. Galit na galit siya, at bukod doon ay pansin ko ang kakaibang kasuotan niya. Napatinging din ako sa paligid nang mapansin na hindi namin kwarto ito. Masyado itong… luma, at halos gawa lahat sa bato. Nasaan ako? Ano ang nangyayari? Nasaan si Patty? Masakit pa rin ang pisnge na napabalik ang tingin ko sa matandang lalaki nang magsalita siya. “I told you not to make me get you myself! You know it’s Giselle’s first official meeting with the prince! And you lazy wench is trying to jeopardize it!” “Miss, halina po kayo.” Nagugulat at naguguluhan pa rin akong napatingin nalang sa babaeng nasa gilid ko nang tinulungan niya akong bumagon. Tinitigan ko siya. Siya ang gumigising sa akin, hindi si Pat. Suot niya ang parang napaglumaan nang bistida na kulay brown at grey. Nakapusod din ang itim niyang buhok at parang takot na takot siya sa lalaking nasa harap namin. “Miss,” kukunin niya sana ang kamay ko para tulungan akong tumayo, pero bago pa ako makahawak sa kaniya, biglang binaklas ng matandang lalaki ang kamay ng babae palayo sa akin. Napasinghap ako. “She’s no longer your Lady. She’s a slave as much as you are.” May inis na sabi ng matanda. Tiningnan na naman niya ako gamit ang istriktong abo niyang mga mata. Gaya ng mga mata niya, medyo abo na rin ang siguro’y noon itim niyang buhok. Despite that, makisig at malakas pa rin siya. Napahawak ako sa pisnge ko. Malakas nga. Ang lakas no’ng sampal niya! “You better be down before Giselle is ready, or you’ll know the consequence.” As if I knew what the consequence was, naramdaman ko ulit ang hadpi sa pisnge ko. Aray! Sobrang sakit talaga no’n. Nakakatanggal panga. “Make sure she’s down in less than 5 minutes.” Mabilis na tumango tango ang babaeng nasa gilid ko sa sinabi ng Senyor bago ito nagmartsa palabas sa kwarto. Malakas na sumara ang pinto at doon ko palang naibuga ang hangin na ni hindi ko alam na pinipigilan ko pala. “Miss Lily, kailangan na po nating magmadali—“ “Teka, teka.” Pagpigil ko sa kaniya. Tiningnan ko ang babae at bakas sa mukha niya ang kaba at takot sa nangyari kanina. Maliit ang mukha niya, at mukhang mas bata pa siya sa akin. Biglang lumamlam ang mga mata niya nang mapunta ito sa pisnge kong sigurado akong namumula pa. Tumayo ako at tinulungan niya ako. “Maayos lang ba ang lagay mo, Miss? Pasensya na at hindi ko agad kayo nagising.” “Ano?” Naguguluhan kong tanong. Hindi ko talaga siya ma gets. Hindi ko ma gets ang lahat! Umayos ako ng tayo at napahawak na naman sa pisnge ko. Ni hindi ko alam anong una kong itatanong. Ano ba kasi talaga ang nangyayari? Nasaan ako? Ba’t ako sinampal ng masamang lalaking ‘yun? Bumuga ako ng hangin at kinalma ang sarili bago nagtanong. Sinalubong ko ang mga mata ng babae. “Ano nga ‘yung tawag mo sa akin?” “Miss Lily?” Naguguluhang namang sagot niya. Nangunot ang noo ko. “Ano’ng Miss Lily? Bakit mo ako tinatawag na ganiyan?” Tiningnan ko ang kabuuan niya, pero hindi talaga siya pamilyar sa akin. “At sino ka?” “Miss?” Ang babae naman ngayon ang pinangunutan ako ng noo, pawang naguguluhan na rin sa akin. Aba! Ako ang dapat na maguluhan! Ginising ako ng isang babaeng hindi ko kilala sa kwarto na hindi sa akin at bigla nalang akong sinampal ng isang matandang lalaki at sinabi pang ‘bastarda!’ at ‘she is a slave as much as you are.’ Ano ‘to? Human trade? Ano'ng klaseng drama to? “Nasaan si Patricia?” Binaling baling ko ang tingin sa halos walang laman na kwarto. Konkreto ang lahat dito bukod sa isang cabinet at higaan sa loob. The place looked like it came out from a 19th century place. But I know better. Baka gino-good time na naman ako ng kapatid ko. Mahilig ‘yun sa ganito. Pero parang grabe naman ata ang props niya ngayon. “Patricia?” Tanong ng babae. “Oo, si Patty.” Sagot ko at binalik ang tingin sa paligid. I’m sure nandito lang siya nakamasid sa reaksyon ko. Sobrang mahilig sa pranks ang batang ‘yun. “Lumabas ka na diyan, Patty! Alam kong paparating na birthday ko kaya may pa set-up ka pang ganito!” Sigaw ko sa paligid. “Patty—uhmmph!” Sisigaw sana ako ulit pero biglang tinabunan ng babae ang bibig ko. “Miss, Lily. Pakiusap po, huwag kayong maingay. Baka puntahan na naman tayo ni Senyor at masaktan ka na naman. Kung maaari po ay magbihis na po kayo at nang makapunta na tayo kay Miss Giselle.” “Mhhhmmmuhmmph!” Sigaw ko sa kamay niyang nakatabon pa rin sa akin. Napatingin ang babae sa pintuan, at kita ko ang kaba sa mga mata niya. Binalik niya ang tingin sa akin at sa nakikiusap na mata at boses sinabing, “Pakiusap po, huwag na kayong sumigaw.” Saglit ko siyang tinitigan, ayaw siyang sabayan sa kung anuman ‘tong ginagawa nila. Pero nang makita na seryoso siya, bigla naman akong naawa. Para kasing takot talaga siya. Mahina nalang akong tumango. Baka kaibigan pa ‘to ni Pat at pumanget ang impresyon niya sa akin na ate ng kaibigan niya. Hinay hinay naman niyang kinuha ang kamay sa bibig ko at umatras palayo sa akin. Malalim ko siyang tinitigan ulit na ikinayukod niya. “Ano ang pangalan mo?” Nakahalukipkip ko nang tanong. Muli siyang napatingin sa akin, at kahit na kita ko ang kaguluhan sa mga mata niya, sinagot niya ako. “Bea, po.” “Nasaan ako? Kailangan mo nang sabihin kay Pat na hindi na ako natutuwa dito. Sinampal pa ako ng isa sa inyo,” sabi ko at napahimas na naman sa pisnge. Ang sakit talaga no’n. May katiting na kirot pa rin na natitira sa mukha ko. Aba, binack-hand slap ako ni senyor! “Miss, Lily? H-hindi ko po alam ang pinagsasabi niyo,” sagot ni Bea. Nafa-frustrate na akong napatingin sa kaniya. Ba’t ba ayaw nalang niyang sabihin ang totoo? “Gwen. Gwen ang pangalan ko, kaya tama na—“ “Miss, kailangan na po talaga nating magmadali.” Malalim ang buntong hininga na putol niya sa akin. Kita ko na rin sa mukha niya ang frustration. Parang siya pa ang pine-play time at hindi ako. “Kailangan na nating bumaba, para ipaghanda si Miss Giselle.” Ni hindi ako nakapag react nang bigla niya akong tinulak sa harap ng malapad na aparador sa gilid ng kwarto. Binuksan niya ito at mabilis na kumuha ng mga damit at pinatong sa higaan. “Suotin niyo na po iyan at nang matulungan niyo na po si Miss Giselle para sa pagkikipagkita niya sa prinsipe.” “Teka—Ito?” Napahinto ako sa pagprotesta at napatingin sa initsa niyang damit sa akin. Tinaas ko ang damit. Isang dress na halos katulad ng sa kaniya. Bakit ako mag de-dress? Bakit ba pinagpapatuloy pa nila ito? Medyo nakakainis na ah! Nilagay ko sa sahig ang dress at hinarap siya. Malalim akong bumuga ng hangin. “Bea—o kung ‘yan din ba ang totoo mong pangalan—pero, pwede ba. Kung anuman ang kabaliwan na pinaggagawa niyo, itigil—“ pero bigla akong napahinto at napasinghap nang mapatingin ako sa likod niya. Nakasara na ang aparador na kanina lang ay binuksan ni Bea. At doon, may full-length mirror na ipinapakita ang buong repleksyion ko. At ang babaeng nasa salamin na repleksyon ko… Dark hair and deep blue eyes. Maliit ang pigura pero may mabibilog na hinaharap na medyo bakat sa manipis na suot na nightgown. Nailagay ko sa bibig ang isang kamay at nanlaki ang mga mata. Bakit iba ang mukha ko? Bakit iba ang katawan ko? Nasa ibang katawan ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD