CHAPTER THREE

1140 Words
KABANATA III "CHARIE---" May 'di kalakihang sigaw ni Roxanne, sa kaibigan na nakilala niya lang nagdaang araw. Ang nagbibigay pag asa sa kan'ya na magkaroon na ng trabahong kailangan niya. "Naku,kanina pa kita hinihintay at tamang tama," masayang bungad nito sa kan'ya. Pinindot nito ang button sa elevator pagkatapos nitong bumukas 34th floor ang destinasyon nilang dalawa na ayon dito main office ng amo niya. "Si Sir Scout at Sir Hugo ang nasa office ngayon. Baka isa sa kanila ang mag-iinterview sayo." Napakunot-nuo siya sa mga sinabi nito sa kan'ya. Maging sa mga tinutukoy nitong 'di niya kilala. "Mga matitipunong kapatid sila ni Sir Trevor," kumpirma nito sa iniisip niya. Pilit siyang ngumiti dito nang lumingon ito sa gawi niya. "Alam mo maganda ka,"aniya nito. Bahagya siyang natawa, palabiro talaga ito. Naisip niya. "Pero 'yang ayos mo 'di yan tipo ni Sir Trevor. Baka ni sir Hugo,pwedi pa." Patuloy nito sa kadaldalan nito. Napailing siya sa mga pinagsasabi ni Charie, tungkol sa mga lalaking amo nito na ayon dito kapatid ng antipatikong magiging amo niya pag nagkataon. "Kasi si Sir Hugo, wala ng lakas. Wala ng lakas magpaligaya. Alam mo na,ibig kong sabihin, Roxanne." Napangiwi siya 'di maintindihan ang ibig nitong sabihin. Muli itong lumingon sa gawi niya, natawa nalang si Roxanne rito. "Lumpo na si Sir Hugo. Inutil ang tawag nila. Naaksidente kasi siya sa araw ng kasal niya. Nang iwan siya ni Maam Cara." Napataas kilay siya sa mga narinig mula rito. Parang interesting naman pala ang buhay ng isang Santillan, sigaw ng isip niya. "Naghahanap ba siya ng personal assistant niya?" wala sa sariling tanong niya dito. At least pag nagkataon may pagpipilian siyang trabaho. Hindi man siya matanggap ni Trevor, sigaw ng isip niya. "Naku, naku, kong walang nagtatagal kay Sir Trevor,mas lalo na kay Sir Hugo, suplado rin ang isang 'yon. Mainitin ang ulo. Palibhasa wala ng s*x life," natatawang tugon nito sa kan'ya. Hinampas niya ito ng 'di kalakasan. Nag aalala siya na baka may makarinig na namang iba sa mga sinasabi nito. "Ikaw talaga, 'di ka nag-iingat mamaya marinig ka na naman ng amo mo, masasabon ka na naman n'on!" suway niya ditong natatawa sa wala pa ring tigil na tawa nito. "Kundi uwian na naman..." Ngumisi ito sa kan'ya. Napailing-iling siya. May pagkalukaret pala talaga ang bruha, natatawang sigaw ng isip niya napapailing nalang. Ilang sandali pa ang lumipas nakarating na sila kong nasaan ang opisina na tinutukoy nito. Na ayon kay Charie main building raw ng magkakapatid sa negosyo nilang naglalakihang hotel na nasa iba't ibang isla sa pilipinas. "Act normal ha. Huwag kang magpapakitang masisindak ka nila. Arogante lang ang magkakapatid na Santillan, pero may malaking puso sila sa mga empleyado nila. Magtiwala ka lang, Roxanne," munting paalala nito sa kan'ya na nagbigay pag-asa sa puso niya. Pinuno niya ng hangin ang dibdib bago sumunod sa bagong kaibigan ng buksan nito ang glassdoor ng magarang opisina na may malaking nakapaskel na "SANTILLAN HOTEL PARADISE." Wala sa sariling napangiti siya. Sa isip sinisigaw niya na sa piling lang ng taong mahal niya siya makakatagpo ng paraiso at wala ng iba pa. "Goodmorning, Sir.." Boses ni Charie ng nagpabalik sa alaala niyang naglakbay na naman. Bumungad sa kan'ya ang dalawang lalaking nakaupo sa swivel chair paharap sa laptop ng mga ito. Naagaw ang pansin niya sa isang maginoong naka-wheelchair malakas ang loob niyang ito ang tinutukoy ni Chari na, si Hugo. "May kasama ka pala, Charie," boses ng lalaking sa harap ng nakilala niyang Hugo. Na malamang ito ay si Scout na tinutukoy nito kanina. "Applying for Roma's vacant position, Sir," magalang na sagot ni Charie rito. Malayong malayo sa Chari pag silang dalawa lang ang magkasama. Tiningnan siya nito maliban kay Hugo na abala ang tingin sa laptop nito. "Applying or tanggap na?" muling tanong ng binata kay Chari na abala na sa mga paper works nito sa maliit na table sa tabi ni Hugo. "Sir Trevor don't have time to interview her, sir. Kaya dito ko siya dinala para personal niyong ma-interview since Mr. T is busy." sagot ni Chari na 'di man lang nagtaas ng tingin sa kausap kundi abala ito sa pakikipag-usap kay Hugo sa ilang mga papel na pinapakita nito sa katabi. "You're hired!" Nagulat siya sa sinabi ng binata sa harap niya sabay lahad ng kamay nito sa harapan niya. Napataas ng tingin si Chari sa kan'ya, ngumisi ito ng napansing tumayo si Scout para makipag-kamay sa kan'ya. "T-ta-tanggap na ako,s-sir?" nagugulat niyang tanong sa binata na sa tantiya niya 'di magkakalayo ang edad nilang dalawa. Tinanggap niya ang kamay nitong nakangiti sa kan'ya. "Roma's vacant position is really urgent, Ms. Ms.?" "Ms. Roxanne Martinez, ho." Aniya niya dito nang bitiwan niya ang kamay nito. "Nice name, huh!" aniya nitong nakangiti sa kan'ya. "Umiral na naman pagiging maniac mo!" nagulat silang lahat sa biglang pagdating ng isang pamilyar na lalaki sa kan'ya walang iba kundi si Trevor. Tumawa ang binatang sinabihan nito ng maniac sabay na umupo muli paharap sa laptop nito. Sinundan niya ng tingin si Trevor, tuloy tuloy sa isang cubicle na puro salamin ang paligid nito. Sinirado ang pinto, nakita niya mula sa labas ang walang emosyong mukha nito na 'di maitatangging magkapatid nga ang tatlo. Tinuon nito ang tingin sa screen computer na nasa harap nito. Inisa-isang tingnan ang mga papel na nasa harap rin nito katulad ng kay Hugo at Scout na nasa harap niya. Workaholic pala mga tao dito' Sigaw ng isip niya maging si Chari na abala sa pagdiscuss ng mga bagay bagay na wala siyang alam kay Hugo. "Hoy babae! Itimpla mo ako ng kape!" Bahagya siya nagulat sa malakas na sigaw ni Trevor sa gawi niya. Napakunot nuo siyang napatingin sa tatlo ng muli itong pumasok sa sarili nitong opisina. "Ako ba tinutukoy niya?" tanong niya sa nakangiting mukha sa kan'ya ni Chari, gayon rin sa dalawang binatang napailing-iling sa naging asal ng kapatid nito sa kan'ya. "Be patience, Ms. Martinez." Aniya ni Scout, tinapik-tapik siya sa balikat matapos itong tumalikod tuloy tuloy sa opisina ng kapatid nitong si Trevor. "More patience, Roxanne. You're hired!" aniya ni Hugo sa kan'ya na kinagulat niya nagbigay ngiti sa labi nila ni Chari, nang magkatinginan sila. "Black coffee gusto ni sir Trevor,go na! It's your time to shine, Roxie." Masayang untag sa kan'ya ni Chari, pinuno niya ng hangin ang dibdib niya. Tumalima siya para ipagtimpla ng kape ang binatang walang pasaring kong mag-utos sa kan'ya kani kanina lang. "Coffee lang 'to ,Roxanne. kayang kaya mo 'to!" bulong niya sa sarili ng nasa harap na siya ng isang vendo machine sa loob ng opisina ng mga ito. Na ayon sa mga kapatid nito tanggap na siya. Na sa ayaw niya man o gusto. Makakasama niya ang aroganteng si Trevor Santillan. Ang taong alam niyang kakailanganin niya ng maraming maraming pasensiya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD