C H A P T E R T W O
"Mabuti pa bumalik ka nalang bukas," aniya sa kaniya ni Charie.
Nakangiti ito sa kaniyang sinalubong siya sa muli niyang pagbalik sa gusali.
"Hindi na ba 'yon babalik?" tanong niya rito.
Ang tinutukoy ang amo nitong kani-kanina lang iniwan silang hindi man lang siya nito inabalang kausapin maging tingnan man lamang. SUPLADO! Sigaw ng isip niya paulit-ulit para sa nakilalang amo nito.
"Kailangan ko lang kasi talaga ng trabaho. And, feel ko this work is fit for me, graduate kasi ako ng comsci. So, I'm expecting na baka pwedi sa akin 'yong vacant position." daldal niya rito.
Tumawa ito na para bang matagal na silang magkakilala nito. Ilang sandali napailing-iling ito sa harap niya, bahagyang ngumiwi.
"Gusto man kitang tulungan sa lagay na 'yan. Kilala ko ang amo ko Roxanne. Malamang kahit gaano mo pa kakailangan ang trabahong 'to aalis ka pa rin. Iiwan mo pa rin 'to!" aniya nito sa kan'yang muling umiling-iling.
Tinalikuran siya bumalik sa hinuha niya table nito. Sinundan niya ng tingin ang bagong kakilala hanggang sa pag-upo nito sa isang cubicle na maraming tanggap na papel sa paligid nito.
Inikot niya ang tingin sa paligid ng gusali; maraming naglalakihang hotel na naka-frame sa dingding. Napukaw ang pansin niya sa malaking pangalan na nakadikit sa gilid ng pintuan sa opisina ng boss nito.
"Santillan hotel. Trevor Santillan III'
"Si sir ang may ari ng iba't ibang Santillan sa pilipinas, Roxanne," aniya nito sa kan'ya. Nang mapansin siguro nito ang tinitingnan niya. Sabay nilang inikot ang paningin sa paligid. Natuon ang pansin niya sa batang babaeng nasa may mesa nito kasama ang boss nitong wala man lang kangiti ngiti sa labi nito.
"Si Sir Trevor at ang kapatid niya si Chacha," Tiningnan niya mabuti ang bata sa larawan. Tantiya niya nasa pito o walong taong gulang na ito. Napakaganda nito,napakaputi 'di naglalayo sa kuya nito ayon sa kaharap.
"Hindi ka ba uuwi?" ilang sandali tanong nito sa kan'ya. Nagbaba siya ng tingin sa relong pambisig niya pasado alas dos na pala ng hapon naisip niya. Yon lang siya nakaramdam ng pangangalam ng sikmura. Hindi pa pala siya kumakain tanging pandesal lang ang laman ng tiyan niya.
"Sabi niya 'diba hihintayin ko siya?" inosente niyang tanong dito. Tumawa ito ng mapakla sunod sunod na napailing.
"Pogi lang 'yon si sir, pero may pagka-abnormal 'yon minsan," natatawang sabi nito sa kan'ya.
Sabay silang tumawa 'di alintana ang isang bulto ng lalaki sa likuran nila walang iba kundi si Trevor.
"ARE you laughing at me, Charie?!" Tigagal na napalingon sa kan'ya ang sekretarya niya. Sinalubong niya ng matalim na tingin ang mga titig nito sa kan'ya. Kitang-kita niya ang sunod-sunod na paglunok nito sa biglaan niyang pagdating na 'di nito inaasahan.
"U-uhm, S-sir," nauutal nitong saad sa kaniya. Nanatiling matalim ang tingin niya rito sa 'di magandang narinig mula sa kaharap.
"Excuse me, Sir. Pasintabi lang ho, nagbibiruan lang ho kami ni Charie. Hindi ikaw ang pinag-uusapan namin." Narinig niyang salita ng babaeng sa likuran nito na 'di niya man lang inabala ang sariling tingnan ito.
"Fix your things, and go home now, Chari!" maawtoridad niyang utos sa pinagkakatiwalaan sa opisina niya sa kabila ng galit niyang nararamdaman dito.
"S-sir, may g-gagawin pa po ako," anito sa Nakikiusap ang mga mata akmang natatakot sa pagpapauwi niya rito.
"Bukas nalang tayo mag-usap. I don't want to see you here, now!" muli niyang tugon dito.
Matapos na tumalikod walang lingon likod. Maging ang tapunan ng tingin ang kausap nito 'di niya ginawa.
SINUNDAN ni Roxanne ng tingin ang lalaking tinalikuran sila ni Charie. Labis siyang nagtataka kung bakit 'di man lang siya nito ginawang tingnan na parang 'di siya nag-e-exist sa paligid ng gusali nito. Napataas kilay siyang binalik ang tingin kay Charie.
"Ano'ng problema n'on?" tanong niya rito na parang matagal na silang magkakilalang dalawa.
Tumawa ito sa harap niya na labis niyang pinagtataka, dahil kanina lang maiyak-iyak ito sa harap ng amo.
"Uwian na, tara na. Kain tayo. Libre ko."
Hinila siya nito sa kamay, matapos ayusin ang babaw ng mesa nito. Napapailing siyang sumunod dito hindi binitiwan kamay niya--- natatawa pa rin ang babaeng sa araw na 'yon tinuring niya ng kaibigan.
TUWANG TUWA si Roxanne sa bagong kaibigang natagpuan sa katauhan ni Chari. Napakamasayahin nito, binansagan niya pa itong best actress sa naging arte nito kanina sa amo nitong binansagan niya namang arogante.
"Naku, sana matanggap ka, Roxanne. Gusto na talaga kita makasama sa opisina, t'yak na magkakasundo tayo." hiling pa nito sa kan'ya. Ngumiti siya dito lihim na nanalangin na sana nga matanggap siya. Dahil kailangang kailangan niya ang trabahong 'yon.
Kailangan niya para sa nanay niyang may maintenance na gamot maging sa kapatid niyang kailangang-kailangan rin siya sa mga sandaling 'yon. Bilang nag-iisang lakas ng mga ito---kailangan niyang maging matatag, kahit pa alam niya sa sarili niyang mahihirapan siya sa magiging amo niyang arogante para sa kan'ya sa unang pagkikita pa lamang nila.
----