Pananaw ni Lesley Napatingin ako sa likuran ko ng biglang sumarado ang pinto. Kinabahan ako ng makita kong biglang ngumiti si Heneral Paez ng kakaiba. Hindi ko pinapahalata na kinakabahan ako, pero napansin ko na ni-lock n'ya ang pinto gamit ang isang maliit na kahoy na pinaikot lang niya para maharangan ang pinto. Tinignan ko s'ya ng magsimula itong maglakad. Nagtungo ito sa isang kabinet at mayroong kinaha doon. Habang nakatalikod s'ya sa akin ay tinitignan ko ang pinto. Bigla na lang akong kinabahan ngayon, mayroon akong pakiramdam na hindi maganda. "Mayroon akong nais na ibigay sayo, Binibining Lesley," sabi n'ya sa akin. Humarap ito kaya napaayos ako ng tayo. Tinignan ko ang hawak n'yang isang kahon. Bigla n'ya iyong binuksan sa harapan ko at isang kwintas na mayroong parang sings