Pananaw ni Cridd "Saan sila pupunta?" mahina kong tanong sa sarili ko ng makita kong sumusunod si Lesley kay Diego. "Ano ang iyong ibig sabihin, Ginoong Cridd?" Napatingin ako kay Mila ng magsalita ito. Nasatabi ko nga lang pala s'ya. Muli kong binalik ang tingin kay Lesley na nawala na sa paningin ko. Ihahakbang ko na ang paa ko para sundan si Lesley ng biglang hawakan ni Mila ang braso ko. Binalik ko ulit ang tingin sa kan'ya. "Bakit?" taka kong tanong kay Mila. "Paumanhin, Ginoong Miguel, ngunit hindi ko kayang tanggapin ang iyong pag-ibig, mayroon ng nagmamay-ari ng aking puso." Muling na iba ang paningin ko, napunta kay Tala ng magbitaw ito ng salita. Tinanggal ni Tala ang pagkakahawak n'ya sa braso ni Miguel. "Basted," sabi ko. "Mayroon ka bang sinasabi, Ginoo?" tanong ni Mi