KABANATA TATLUMPU

1992 Words

Pananaw ni Lesley "Night," rinig kong sabi ni Cridd sa akin. Napatingin ako sa kan'ya. "Anong gagawin mo?" tanong ko kay Cridd ng hihiga s'ya sa lapag. "Matutulog," sagot n'ya sa akin. Umusog ako at tinapik ko ang pagpag. Taka n'ya akong tinignan kaya umiwas ako ng tingin. "Tumabi ka na, baka magkasakit ka pa d'yan," sabi ko kay Cridd. "Seryoso ka?" tanong n'ya sa akin. Bumangon ako at sinamaan ko s'ya ng tingin. "Tatabi ka ba o tatabi? Pero binabalaan kita, wag na wag kang didikit sa akin," banta ko sa kan'ya. Muli akong humiga at nagtalukbong ng kumot. Tumagilid ako para hindi ko s'ya makita. Napahigpit ang hawak ko sa kumot ng maramdaman ko si Cridd na tumabi sa akin. Mukhang nagsisi pa ako na pinatabi ko s'ya, pero kawawa naman kasi ang lalaking ito kung doon na naman matutulo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD