KABANATA TATLUMPU'T ISA

1986 Words

Pananaw ni Lesley "Bilisan mo ang lakad!" sigaw sa akin ni Cridd. Tumigil ako sa pagtakbo at napatukod ang dalawa kong kamay sa tuhod ko dahil sa hingal. "Bakit ba kailangan nating magmadali?!" irita kong tanong kay Cridd na nauunang maglakad sa akin. Humarap s'ya sa akin at naglakad palapit sa akin. Tinignan n'ya ako na pagod na pagod na kakahabol sa kan'ya. Pawis na rin ako dahil sa init ng sikat ng araw. "Kailangan na natin makita si Tala," sagot n'ya sa akin. Taka kong tinignan si Cridd ng umupo s'ya na nakatalikod sa akin. Kunot-noo ko s'yang tinignan kahit na nakatalikod s'ya sa akin. "Anong ginagawa mo?" taka kong tanong sa kan'ya. Napaayos ako ng tayo dahil kay Cridd. Tinapik nito ang likuran n'ya. "Piggyback," sagot n'ya sa akin. "Ayoko nga, mayroon pang makakita sa atin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD