Napaawang ang aking labi dahil sa sinabi niya. Kung ganoon nga ang nangyayari ay wala na akong magagawa kung 'yon ang gusto niyang gawin. Wala kaming magagawa kung gusto niya munang mapag-isa dahil naiintindihan ko siya dahil napagdaan ko na rin ang ganoong klaseng pakiramdam. Ayaw kong mag-away ang dalawa dahil kay Danny at maging dahilan para mawasak ang pagkakaibigan nina Zelmy at Martina. Masisira ang pagkaka-ibigan namin! 'Yong ang kinakatakutan ko! Alam kong hirap na hirap na si Zelmy ngayon, kahit ako nga na kaibigan lang niya ay nasasaktan rin para sa kaniya. Hindi na ako magtataka kung iisipin niya 'yon dahil hindi 'yon ganoon kadali! Yes, we knew about it but we did our best to convince them to say the truth. Hindi rin naman kami ang pwedeng magsabi kay Zelmy dahil ayaw nami